Chapter 1

16 11 0
                                    

"Ma... ma.. please naman ma maawa ka naman po sa akin... Ma ta--ma na please. Ta--ma na po hindi ko na po kaya" sabi ko habang umiyak at yakap-yakap ang mga tuhod.

Patuloy parin niya akong pinapalo ng sinturon niya kahit marami na akong pasa at sugat sa katawan.

"DAHIL SAYO NAWALA ANG MGA MAHAHALAGANG TAO SA AKIN" Sigaw niya habang nagpapatuloy parin sa ginagawa niya.

Sobrang sakit na, nakikita ko na nga na dumudugo yong mga sugat ko pero ayaw niya parin akong tigilan.

Kapag nilalakasan ko ang iyak ko mas lalo niyang nilalakasan ang bawat palo sa akin.

Gigil na gigil siya sa akin. Hindi ko nakikitang naawa siya sa akin.

"Ma--ma please po, ma--hal ko po kayo mama mahal na ma-hal. Tama na po" sabi ko habang iniinda ang sakit.

"BWESIT NA PAGMAMAHAL YAN! HINDI YAN TOTOO, INIWAN AKO NG MGA TAONG NAGSABING MAHAL NILA AKO" sigaw niya sa akin

Kinuha niya ang panyo niya sa bag niya at tinali ang mga kamay ko, nang hindi pa siya nakuntento kinuha niya ang posas tsaka lubid at ginapos iyon sa katawan ko

"Ma--ma mas-sakit po, ta-ma na po. Gagawin ko  po la--hat itigil ni-yo lang po ito mama" sabi ko ng pautal-utal.

"HINDI IKAW ANG MASUSUNOD, HINDI MO AKO PWEDENG UTOSAN!. WALNG KWENTA KANG BATA KA! SALOT KA! SALOT!" bulyaw na naman niya sa akin.

Nahihirapan na kong huminga pero ayaw parin tumigil ni Mama.

Marahas niya akong hinila, para lang akong sako ng basura sa uri ng pagkaka-hila  niya sa akin

"BUNGA KA NG ISANG KASALANAN, DAPAT HINDI KO NA IPINAGPATULOY ANG PAG BU-BUNTIS KO SAYO" Sabi niya sa akin habang  hatak-hatak ako  papuntang bodega ng bahay.

"DAPAT NOON PALANG  PINALAGLAG NA KITA, wala ka namang kwenta" sabi niya

Iniwan niya ako sa loob ng bodega, palagi niyang ginagawa sa akin to lalo na kapag sobrang galit  na siya.

Madalas din akong natutulog sa bodegang ito kahit nakatali ang mga kamay at kahit nasa hindi magandang posisyon.

Madilim, tanging ilaw lang na nanggagaling sa buwan ang tumutulong sa akin para kahit papano ay maaninag ko ang aking paligid.

Matagal-tagal na rin akong nagtitiis

Simula ng magka malay ako sa mundong ito palaging ganito ang nararansan ko sa kamay ng aking ina.

Ni hindi niya nga ko kayang titigan ng matagalan , palagi niyang sinasabi sa akin na bunga ako ng kasalanan at nagsisisi siya na binuhay niya ako

Nagsisisi siyang ipinanganak ako

Nagsisisi siyang anak niya ako

Sana nga hindi na lang kung gan'to lang din naman ang aking mararansan sa piling niya.

Minsan naisapan kong hanapin ang aking ama pero wala naman akong kaalam-alam tungkol sa kanya, maski pangalan niya nga hindi ko alam ayaw din namang sabihin ni Mama.

Kahit noong tatlong taong gulang palang ako alam ko na kung gaano kaayaw sa akin ni mama

Wala akong ama, wala rin akong matatakbuhang  ibang kapamilya kaya kahit mahirap tinitiis ko ang lahat ng ginagawa sa akin ng aking ina.

DO I DESERVE THIS?

Mama, kahit yakapin niyo lang ako ng isang beses sa isang linggo o di kaya sa isang buwan ayos lang. Maramdaman ko lang na Mahal niyo ako sa pamamagitan ng yakap niyo, Ma promise okay na po yun sa akin.

Craving For LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon