Dear Crush,
Nakakainis! Kanina pa'ko pabalik balik dito sa corridor sa tapat ng room niyo, kaso hindi kita makita. Hindi ko naman pwedeng ipasok ang ulo ko sa pinto para masilip ka kasi may klase kayo, at sa kamalas malasan ko nga naman, teacher niyo pa si Mam Katakutan! Ang pinaka-terror na teacher dito sa buong school. Hayszxc! Bakit ba kasi sa letter Z nagsisimula ang apelyido mo eh! Dyan ka na nga, kailangan kong bumalik sa klase ko sabi ko kasi sa teacher ko magc-CR lang ako eh! Wait lang ha? Babalikan kita, mag-aaral muna ako. Para sa future na'tin! ;)
Love,
Jinny <3
BINABASA MO ANG
Dear Crush
Teen FictionDear Crush, Bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo, sa'yo pa ako nagkagusto? Siguro dahil itinadhana ako para mahalin ka.. Pero hindi ka itinadhana, para mahalin ako. Love, Jinny <3