Dear Crush,
Nakakainis! Sabi ni Orlando hindi daw niya nailagay yung cupcakes na ipinabibigay ko sa'yo kasi daw nung papunta na siya sa bag mo ay bigla humarang at nanghingi yung muse ng klase niyo hindi na nakapagsalita si Orlando kasi bigla ng kumuha si Macy iyong muse niyo tapos nagsi-hingian na din yung buong klase. Asar! Pinaghirapan ko pa namang i-bake iyon para sa'yo. Nang malaman ko iyon at tinext ko agad si Jamimay at sinabi niya daw na hindi ko daw dapat pagkatiwalaan yang si orlando. Hayszxc. Ang tagal mo naman. Kanina pa kita hinihintay, bakit naman kasi 4pm ang uwian mo at 3pm ang uwian ko. Si Jamimay naman ay umuwi na may emergency daw sa bahay. 3:50 na. Inihanda ko na ang camera ko para.picturan ka. Ayan na! Ayan na! Nagsisilabasan na yung mga classmates mo! Nung nakita na kita, napangiti ako kukuhaan na sana kita ng litrato kaso nagulat ako dahil sa nakita ko. Bakit kasama mo siya? Sa araw-araw na paghihintay ko sayo tatlong beses na kitang nakikita na kasama siya tuwing uwian. Girlfriend mo ba siya? Ang ganda naman, maputi, makinis, matangkad at sexy. Ganyan ba ang mga tipo mo? Sa tingin ko, hindi ako pasado. Tsk! Makauwi na nga lang. Gagawa pa'ko ng assignment ko. Dyan ka muna, kailangan kong mag-aral para sa future natin!
Love,
Jinny <3
BINABASA MO ANG
Dear Crush
Teen FictionDear Crush, Bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo, sa'yo pa ako nagkagusto? Siguro dahil itinadhana ako para mahalin ka.. Pero hindi ka itinadhana, para mahalin ako. Love, Jinny <3