PROLOGUE

180 3 0
                                    

"Ang aga-aga tapos ang ingay na ni mama"mahina kong sabi atsaka bumangon na para iligpit ang aking higaan. Nang matapos ay dumiretso na ako sa banyo upang maligo. Bumaba na agad ako upang kumain na at maghugas ng pinggan.Habang kumakain ay nagsalita si mama. "Wala ka naman sigurong online class ngayon no? kung wala ay pumunta ka sa pamilihan upang bumili ng pagkain"sabi nito.

Tumango nalang ako at nagpatuloy kumain. Nang matapos maghugas ng pinggan ay umakyat ulit ako sa aking kwarto para pumili ng damit. Nang makapagdesisisyonan ko na ang aking susuotin,bumaba na ulit ako at hiningi ang pera pambili. Nang makalabas sa bahay ay kinuha ko sa aking bulsa ang aking telepono at tinawagan ang kaibigang si Hannah. " Hello,oh ikaw pala to Vee,ano kailangan mo?"tanong nito mula sa kabilang linya. "Papasama sana ako sayo bibili ng grocery , kung di ka busy"sagot ko.

"Sige sama ako,wait lang kasi kumakain pa ako. Hintayin mo nalang ako sa labas ng mall"sagot nito. "ok,"huling sabi ko bago ko pinatay ang tawag atsaka pumara na ng taxi. Nang makadating sa labas ng mall ay hinintay kong dumating si Hannah. Lumipas ang 4 na minuto ay nakarating narin sya. "sorry mare, natagalan dahil ang taffic."sabi nito. Tumango na lamang ako at ngitian siya tsaka umunang maglakad papasok sa mall. Dumiretso agad ako sa grocery shop at pumili na ng bibilhin. Makalipas ang ilang minuto ay natapos narin ako sa pamimili. Habang nagbabayad ay bigla akong siniko ni Hannah. "mare, tingnan mo yun oh,"turo nito sa lalaking dumaan sa harap namin. Napansin nitong nakatingin kami sa kanya kaya ako na ang unang umiwas. " Total niyo po maam ay 2,526 would you like to pay it cash or via card?" tanong ng cashier. "ah, ano cash po",sabay bigay ng pera.kinuha ko iyong plastic bag na may kabigatan atskaka sumunod kay Hannah. "Upo muna tayo, hinihingal na ako kakasunod sayo, bilis mo kasi maglakad eh" sabi saakin ni Hannah. Tumango na lamang ako at dumiretso sa food court. "Ano gusto mo mare,libre ko" tanong nito.

"Yung ano lang sakin yung Mango Shake atsaka hotdog in a bun"aniko. Tumango siya at pumunta sa may linya. [basta ano bumili na siya] Habang naghihintay ay kinulikot ko muna ang aking cellphone at inabala ang sarili sa panonood ng ibat ibang uri ng video. Nang mapadaan ako sa isang video na napatawa ako,lingid sa aking kaalaman ay napatawa na pala ako ng malakas. Nang huminto na ako sa kakatawa ay tumingin ako sa paligid ng mapag alamang tinitingnan na pala ako ng mga tao doon sa food court.Napayuko ako dahil sa hiya.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na si Hannah at nilapag ang pagkain. "uy,mare anyare sayo bat nakayuko ka?" pagtatakang tanong nito. Kinuha ko nalang yung pagkain na kanyang inorder at hindi siya sinagot. "pagkatapos neto ay uuwi na tayo,ha?"sabi ko sa kanya. Tumango ito at kumain na din.

Habang naglalakad kami palabas ay bigla akong may nabangga na lalaki dahil sa may hinahabol ito. "ay, sorry pucha kasi itong si kiel eh,ay sorry ulit miss" pinal nitong sabi bago bumalik sa paghahabol ng kanyang kaibigan. Siya ba yung tinuro ni Hannah na pogi daw? Kung siya man yun, tinadhana kami, charizz . I just shrugged my shoulders and continue to follow Hannah palabas. "oh, mare mauuna na ako may pupuntahan pa kasi ako" sabi nito. Tumango ako at sinimulan na ang paglalakad papunta sa taxi na pinara ni Hannah sa akin kanina. Nang makasakay na ay humilig ako sa may bintana at pinanood ang mga bahay at sasakyan na aming madadaanan. Nang makadating sa gate namin, may lalaki na namang dumaan na naka-bike. Pinasadahan niya ako ng tingin at kumindat sabay ngiti. Pamilyar tong lalaking to ah? Siya ulit yun? Yung lalaking tinuro ni Hannah at binagga ako? Parang tinadhana talaga kami ah, charizz. Nung akma ko na sanang bubuksan ang gate ay may naapakan akong siguro bato pero pagtingin ko ay isang black leather wallet. Kinuha ko ito at tiningnan ang laman. Napalaki mata ko ng makita ko ang I.D, ito yung lalaki kanina sa mall at ngayon lang dumaan.mas lalo akong nagulat dahil sa laki ng halaga ng pera na nasa loob ng wallet maraming tag iisang libo! Inilagay ko ito sa aking bag at pumasok na sa bahay. Dumaan ako sa kusina at inilapag ang mga pinamili pati ang sukli. Umakyat na ako sa aking kwarto ,nagbihis na at umupo sa aking kama. Ipo post ko kaya ito online? Makikita niya kaya ito? Ano nga pala pangalan non? Tumayo ako at pumunta sa study table ko at kinuha iyong wallet.

" Ah, Danerie James! Danerie James pala pangalan niya. Bumalik ako sa pag upo sa kama at naisipang i-message siya, total alam ko naman pangalan niya. Hinanap ko siya sa facebook at nakita din yung account niya. Minessage ko agad siya

{CONVO}

VEE: Hello po, isasauli ko po sana yung wallet na nahulog ninyo kanina sa tapat ng bahay namin.

Medyo nagtagal bago niya ito nakita at currently typing siya.

DANERIE: Ay, oo ikaw ba yung babae kanina? Puwede po bang mag meet tayo sa Starbucks bukas maybe 4:00 ng hapon?

VEE: Sure po, pero I need po ng proof para malamang ikaw nga talaga ang may ari nitong wallet?

DANERIE: Sure! Ask away.

VEE: Ano po ba kulay ng wallet at magkano yung meron sa loob po noon?

Currently typing siya. Kaya habang hinihintay ang reply niya ay binilang ko muna kung ilan ang laman ng wallet. Laking gulat ko ng malaman ko magkano ang halaga ng perang meron sa loob nito. 250k! ang yaman niya.

Tumunog ang telepono ko at tiningnan kung siya ba iyon.

DANERIE: black leather wallet at buong 250k ang laman

Sa kanya nga itong wallet na ito!

VEE: pwede po bang magtanong ano po bibilhin niyo sa ganitong kalaking halaga ng pera?

DANERIE: RESIN.

Hindi nalang ako nag reply at humiga nalang at pumikit. Nabigla ako ng tumunog ang aking telepono. Pagbukas ay nakita ko agad ang notification na;

DANERIE JAMES DEL ROSARIO sent you a friend request

Binuksan ko agad ang aking Facebook at inaccept ang friend request. Hindi naman siguro masama iyon, di'ba?

KINABUKASAN

Maaga akong nagising at naligo dahil mamayang 9:00 ay magsisimula na ang aming online class. Bumaba muna ako para mag agahan. Nadatnan ko si Mama na naglalagay na ng mga kubyertos sa lamesa. "Morning, ma" sabi ko bago kami umupo para magsimula nang kumain. " ako na ang maghuhugas ng pinggan, dahil malapit na magsimula ang iyong online class" sabi nito. Tumango ak at inilagay sa lababo ang platong pinagkainan. Umakyat na ako dahil malapit magsimula ang klase. Hours passed by, at natapos narin ang first class ko today. Mamayang 1:00 ulit magsisimula ang susunod na klase. Habang naghihintay ay stinalk ko muna si Danerie sa ibat ibang uri ng social media na meron ako. Inuna ko sa Instagram, then sa twitter at nag send ako ng friend request. Gagi, masyado ko na siyang iniisip. Inaliw ko muna ang sarili sa panonood ng myday ng mga friend ko dun. Napadaan ako sa myday ni Danerie. Parang ano yung parang statue na maliit ng babaeng nasa Demon Slayer na parang may kawayan sa bibig. Sinearch ko yung cast sa Demon Slayer. Ahhh, Nezuko pala pangalan nun. Malapit na mag 1:00 kaya pumasok na ako sa link. 3:45 na ng matapos ang aming klase. Kikitain ko nga pala si Danerie mamaya 4 kaya nagbihis ako ng matino bago bumaba para sabihin kay mama na may pupuntahan lang ako. "wag magpapagabi,ah" pagpapaalala nito. Tumango ako at nagpaalam na. naglakad na lang ako tutal medyo malapit naman dito sa amin yung Starbucks.

Nang makadating ay umorder na ako ng Iced Americano. Naghanap ako ng mauupuan nang makita ang pwesto ng isang table na katabi ng wall glass. Umupo ako doon at hinintay ang inorder. Nilibot ko ang paningin sa paligid ng makita ko si Danerie na papalapit at dala ang dalawang Iced Americano. Nang maka upo siya ay ibinigay niya yung inorder ko at binati ako. " Hello, nice to meet you, again Miss.."

" Veenus Villaluna," bati ko sabay pagtanggap sa kamay niya.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Loving YouWhere stories live. Discover now