Chapter 4

37 5 0
                                    


"Eh kasi itong si Danerie oh, sa akin pa nag aaya ng gala kasi daw gusto ka nitong i-date. Eh, itong unggoy na to, sa akin pa sinabi" pagpapaliwanag nito.

Sandal akong napatigil at inabsorb lahat ng mga sinabi ni Hannah. Nang makabalik na sa realidad ay napansin ko silang dalawang nakatingin sa akin na para bang hinihintay yung reaksyon ko.

"Why not, di'ba?" sabi ko at nakangiti. Gumuhit ang ngiti sa mga labi nila at nagtatatalunan sa saya.

" Oh, tapos na ako dito, mauna na ako at goodluck sa date niyo," sabi nito sabay thumbs up.

Napailing na lang ako sabay tawa sa ginawa nito. Nagpaalam na siya at sumakay na rin kami sa taxi.

" So, ano gagawin natin dun? Kasi ano may ime-meet up kasi ako sa mall after lunch". Sabi nito sa akin. Tumango lamang ako. Nang makadating sa mall ay itong si Wise tumitingin tingin sa paligid na parang may hinahanap. Siguro yung hinahanap niya ay yung ime-meet up niya mamaya. Medyo disappointed ako kasi baka babae yung ime-meet up niya at baka close sila nun. Medyo pinagseselos mo na ako Danerie James Del Rosario,ha! Ako yung nandito pero iba pa rin yung hinahanap niyang tao.

" Vee!" medyo mahina na sigaw sa akin ni Wise.

" Oh, ano ba't ka ba naninigaw?" magkasalubong na kilay at nakapameywang kong sabi sa kanya.

Kinurot niya yung pisngi ko sabay ngiti at sabing," eh, hindi ka kasi sumasagot na parang wala na yung kaluluwa mo. Cute mo tuloy" sabi nito.

Medyo kinilig ako dun pero sa loob loob ko lang kasi pag physically akong kiligin para na akong isdang nawala sa tubig. Nginitian ko na lamang siya at sabay nun ang pagbitaw niya sa mukha ko. Nagpatuloy kami sa paglalakad at huminto sa Jollibee para magtanghalian.

" Ano sa'yo?" sabi nito habang nakapila.

" Yung ano sa akin yung, hmm, siguro burger steak na lang at fries saka iced tea pati yung burger din" parang bata akong tumuro sa menu.

Tumango na lamang ito sabay ngiti at binigay na yung order namin. Naghanap kami ng mauupuan nang makakita ng upuan malapit sa bintana. Umupo kami dun at hinintay yung inorder namin.

Nilibot ko yung paningin ko ng makita ang pamilyar na tao na may kasamang babae at bata. Again,this man who broke my heart. May kasama nang babae at masaya na at may pamilya. Good for him. Actually hoping that his child will grow happy and to not grow up like an asshole and not break hearts like his damned father.

Medyo natagalan ako sa pagtitig sa kanila ng pumasok na sila sa katapat na restaurant. Binaling ko ang tingin ko kay Wise na parang kanina pa nakatingin sa akin.

Napaigtad ako sa gulat dahil sa paraan ng pagtingin nito sa akin. Huminto siya sa pagtitig sa akin ng dumating na yung inorder namin. Nang matapos na kaming kumain ay lumabas na kami at pumunta na sa may arcade at hinintay yung ime-meet up ni Wise. Nakatayo kaming dalawa dun at pasensiyadong naghihintay. Makalipas ang limang minuto ay dumating din yung ime-meet up ni Wise.

Lalaki pala. Kala ko naman babae. Lumapit ito sa amin na may dalang tote bag na Malaki ang laman. Nakipag kamay ito kay Wise at binati kami. Binigay nito ang bag kay Wise at nagpaalam na dahil may lakad daw.

"Gusto mo nang umuwi?" tanongnito sa akin. Umiling ako. Ayaw ko muna dun sa bahay, wala din naman akong gagawin dun. Pumasok kami sa arcade at bumili ng token.

" Ang daya mo naman! Ang galing mo eh" sabi ko habang nagpapatuloy sa pagsho-shoot ng bola. Tumawa ito ng mahina at nagpatuloy na sa pagsho-shoot. Nang maubos na namin yung tokens namin ay bumili kami ng ice cream sa tapat ng arcade.

" Yung ano sa akin yung strawber-" hindi ko pa natapos ang pagsalita ng may kumalabit sa akin na bata. Tiningnan ko ito at ngumiti naman ito. May babaeng lumapit sa amin at kinarga yung bata.sumunod din ay lalaking mukhang nag-aalala sa bata. Si Austin pala iyon.

" We're sorry miss for troubling you. My child is so mabili-" hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at sinabing okay lang naman. Nagkatinginan kami ni Austin at bahagya siyang napatingin sa likuran ko.

" Nice to meet you again, Vee" sabi nito sabay lahad ng kanyang kamay. Tinanggap ko naman ito.

"So is this your boyfriend?" tanong nito dahilan para magtama ang tingin namin ni Wise.

" Yes," walang alinlangan kong sabi sabay ngiti.

-----------------------------------------------------------------------------------------

Loving YouWhere stories live. Discover now