The Moment

14 0 0
                                    

I took a few steps ahead of him as we walk side by side. He stopped walking as I did.
"Look Rence..." 
I turned to face him with a cold stare. 
"As of now Self-centered ako." 
He looked down as if he knew that this moment of truth would come. 
"Kapag nag snap ako out of this 'okay' state of mine, it's either magiging sobrang emotional ako or cold-hearted." 
I took a little more space, a little closer to his face so I could see his innocent eyes. An eye that finally had a chance to look at me closer.
"I wouldn't mind hurting everyone's feeling right now. I wouldn't mind scratching through their skin. They'll understand me, I'm not afraid. Lalo ngayong punong puno ako ng pain, ng anger. Ngayong nasa process pa 'ko ng moving on."
Rence looked away, alam ko nasasaktan siya. After all his sweet gestures? His efforts? Siguro kung yung dating ako yung naabutan niya baka hindi ako nagkaron ng Bitchy attitude at sensitive enough padin ako to sympathize with people's feelings. Pero hindi, alam ko sa sarili ko na nag bago na 'ko. Alam ko nasasaktan ko siya pero wala akong pakialam.
"Hindi kasi ako kagaya ng mga taong basta labasmasok sa relationship na ang bibilis maka-move-on. First ever relationship ko yun which is sobrang seryoso Rence, legal sa parehong pamilya to the point na kulang nalang pati ninuno namin ipakilala namin sa isa't isa, binigay ko lahat and I ended up with nothing but memories. Be it bad or good alam ko na I would remember it as a bitter one and my standard of everything."
Yes kakagaling ko lang sa break-up. I wanted comfort, I need it. I know where and how to get it pero nakakuha ako ng inosenteng lalaki. Nakikita ko yung sarili ko sakanya. Yung dating ako.
"I appreciate you. Everything you do. Your morning messages, reminding me to eat on time, etc. Kinikilig pa nga ako. The way you talk to me na para bang nagiging 'teen' ulit ako."
Don't get me wrong! Pareho kami ng edad. Pero mac-claim ko na sa ibang aspeto ng buhay ko masyado na 'kong matured kumpara sa dapat na nalalaman ko.
"Wala na sa utak ko ang patweetums act. Oo masarap na nararanasan ko ulit yung sweet gestures pero yung ibang nakikita ko sayo, yung pahapyaw na pagiging seloso mo, pag dududa mo, pag hihigpit mo, nakita ko na yan. Ginagawa mo palang, napagdaanan ko na. Kaya kung ako ikaw, hindi ko kokontrolin ang isang Pau Arima. Trust me. The more na hinigpitan mo 'ko, the more na gugustuhin kong kumawala sayo. Have faith sa mga sinasabi ko kung gusto mo mag work kung ano mang binibuild natin. Pero if you want to play a game, sige lang. Winawarningan na kita, IBA ako sa nagagawa mong maging kaflirt. I like you, you're interesting. Pero sa estado ng pag-iisip ko at nararamdaman ko? Hindi ako mag dadalawang isip mang-iwan sa ere para iligtas ang sarili ko."
Yumuko siya, nakita ko ang pag tulo ng luha niya sa sementadong daan. Pinunasan niya ito ng mabilis at tumingin direkta sakin. Ngumiti siya, isang ngiting may bahid ng lungkot at pagkabigo. Makalipas ang ilang segundong titigan, nagsalita na siya.
"Naiintindihan ko, nasa proseso ka pa, naliwanagan na 'ko. Salamat pero mahal talaga kita, hayaan mo 'kong mahalin ka. Hindi man ngayon maging tayo pero umaasa ako na balang araw, balang araw marerealize mo na may nag mahal sayo ng totoo nung mga panahong galit lang ang laman ng puso mo. Paalam."
Tumalikod siya at nag simulang mag lakad. Wala padin akong maramdaman, bakit ganito? Naintindihan ko yung sinabi niya pero hindi ko maisapuso? Lumingon siya sakin at nakita kong muli ang ngiting may bahid ng negatibong emosyon. Nasaktan ko siya, pero wala akong paki. Dapat akong maawa, o kahit manlang kaunting pakunswelo pero wala talaga ee. Wala akong maramdaman. Wala na. Salamat sa Ex ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon