Kabanata 7

1K 22 0
                                    

Nakarating na kami sa bahay ko at nagpaalam na si Kuya Ace saakin. Pumasok na ako sa loob at diretso na sa kwarto ko. Binuksan ko yung cellphone ko at nag chat ako kay Kuya Ace ng "Ingat ka kuya sa pag uwi. Thank you sa treat."

Nanood ako ng kung ano-ano sa YouTube. Tapos hindi ko namalayan nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako kinaumagahan. Wala namang pasok so okay lang kahit anong oras magising.

Tinignan ko ang cellphone at maraming chat galing kay kuya..

"Nakauwi na ako."
"Pag-gising mo kumain ka ah."
"Tutulog na ako. Goodnight."
"8 more unread messages"

Ganyan ka sweet si Kuya Ace sakin. Nag-ayos muna ako ng sarili bago bumaba. Pagbaba ko hindi pa gising si Zoey. Nagluto ako ng pagkain namin ni Zoey. Bigla na lang may nag door bell. Paglabas ko si Khai.

"O khai, ano ginagawa mo dito?"

"Gising na ba si Zoey?"

"Hindi pa e, tara pasok ka."

Nagpark muna sya bago siya pumasok sa loob. Ang tagal niya bago siya bumalik at pumasok na sa loob.

"Ang aga mo yata pumunta dito? San kayo pupunta ni Zoey?"

"Wala pinapapunta nya ako dito e."

"Ah, tulog pa sya. Puntahan mo nalang sya sa kwarto nya."

"Asan dun?"

"Basta yung kwartong hindi naka lock, nakalock yung akin e."

"Sige akyat lang ako."

Umakyat ma sya. Narealize ko nalang na hindi ko pala nilock yung kwarto ko dahil may kukunin ako mamaya. Agad agad akong umakyat sa taas at nakita ko si Khai sa kwarto ko.

"Khai?"

"Bakit ang dami mong picture ni Nathan dito sa kwarto mo? May gusto kaba kay Nathan?"

"Ah..."

"Okay lang naman kung may gusto ka kay Nathan pero alam ba nya?"

"Hindi nya alam."

"Kailan mo pa siya nagustuhan?"

"Matagal na simula first year palang kami."

"Kelan mo plano sabihin sa kanya?"

"Ewan, may jowa na sya alangan namang guluhin ko pa sya diba."

"Hayaan mo tutulungan kita."

Ilang beses din kami pinagsama ni Nathan tapos yun na yung chance na sinasabi ni Khai na umamin ako pero hindi ako umaamin. Dahil natatakot ako na baka masira ang pagkakaibigan namin.

"Anong balita?"

"Wala hindi ako umamin."

"Bakit naman?"

"Natatakot ako."

Ilang linggo ang nakalipas at naglakas loob na akong umamin kay Nathan para naman hindi na ako naiilang. Kung ayaw man nya sakin it's okay. Tanggap ko yun.

Nagpunta ako sa condo nya at kumatok na ako.

"O Stacey ano ginagawa mo dito?"

"Shhhhhhh."

Nilabas ko yung mga cardboard na may nakasulat na.

"Hi."

"Espesyal ka sa akin."

"Hindi ganon ka espesyal."

"Pero hindi pa don."

"Gusto kong sabihing espesyal ka sa akin."

"I Like You."

At binaba ko na lahat ang cardboards.

"Alam mo ba yung nararamdaman ko sayo Nathan?"

"Stacey?" napatigil ako nung sinabi niya ang pangalan ko.

"Alam kong espesyal ako sayo. Dahil nga kaibigan kita diba."

Niyakap nya ako at niyaya pa nyang pumasok sa condo niya pero tumanggi ako.

"Ah hindi na. Uuwi na ako, ingat ka ah."

"Sige, bye ingat sa pag uwi Stacey."

Habang papalayo ako sa condo niya tumulo ang luha ko. Ready naman ako sa rejection pero masakit pa rin e.

Umuwi na ako ng bahay namin ni Zoey at nagkulong nalang sa kwarto. Hindi ako lumalabas at nagdadala nalang si Zoey ng pagkain sa kwarto ko.

"Ano bang problema mo at bakit nagkukulong ka sa kwarto mo?"

"Wala okay lang ako."

"Sus okay, maraming nagsasabing okay sila pero hindi naman talaga."

"Okay lang ako promise."

"Osige lalabas na ako. Kumain ka na ah. Ubusin mo yan."

"Oo na, thank you ah."

"You're welcome."

Kumain na ako at nagpahinga lang ng saglit at natulog nalang ulit.


ITUTULOY

Accidentally Fall Inlove With My BestfriendWhere stories live. Discover now