Katapusan

1.5K 63 3
                                    

Note: Tatapusin ko na po itong kwento na ito dahil may ilalabas akong bagong kwento na aabangan nyu. Ito ang una kong story na ginawa dito sa wattpad. Sana ay ito ay inyong nagustuhan. Maraming salamat sa suporta. Sana suportahan ninyo ulit ang bago kong ilalabas na kwento dito sa wattpad. THANK YOU SA SUPPORT

..................................................................................................................................................

STACEY'S POV

Ilang buwan din ang lumipas at wala akong balita kay Nathan, hindi ko na alam nangyayari dun. Sinubukan kong tawagan siya pero hindi siya sumasagot. Kung kani-kanino ko na hinanap si Nathan pero walang nakakaalam kung nasaan siya. Tinawagan ko lahat ng kaibigan niya, pati na din si Khai pero hindi din nila alam kung nasaan si Nathan. Ilang araw na akong naghahanap kay Nathan pero wala akong makuhang info kung asan siya.

Ilang araw na ang nakalipas at may nag text sa akin na alam daw niya kung nasaan si Nathan.

"Alam ko kung nasaan si Nathan." from: 09306172581 (unknown number)

Hindi ko pinansin kung sino yung nagtext dahil busy ako sa paghahanap kay Nathan. Hanggang sa nag chat sa akin si Nathan na puntahan ko daw siya sa Cebu. Wala na akong pinalampas na oras pinuntahan ko na agad si Nathan sa Cebu. Nag book na agad ako ng flight papuntang Cebu, at ang kinuha ko ay business class. Nakasakay agad ako at naghintay ng saglit. Nag take off na ang eroplano at nakaalis na ako sa airport.

Ilang oras ang nakalipas at nakalapag na kami sa Cebu Airport. Nagulat ako ng may sumundo sakin na van at sinabi pangalan ni Nathan. Sumakay naman ako at dinala ako kay Nathan. Nakita ko si Nathan at agad na yumakap sakin.

"Namiss kita Stacey."

"Ha? Bakit naman? E ikaw nga tong hindi nagpapakita e."

"Syempre kala ko kayo na ni Archie e kaya hindi na ako nagpaparamdam sayo."

"Alam mo naman sigurong ikaw yung gusto ko. For sure sinabi na sayo yun ni Kuya Ace."

"Akala ko wala kang gusto sakin e, kasi naman nung pinakilala ko si Jam na girlfriend ko hindi ka man lang nag react."

"Malamang baliw ka pala e, bakit ako magrereact e tinatago ko nga na gusto kita."

"Edi tayo na?" tanong ni Nathan.

"Ang bilis mo naman masyado hahaha. Kailangan mang ligaw ka muna, yari ka kay Kuya Ace bahala ka ikaw din hahaha."

"Payag na yun si Kuya Ace."

"Bahala ka. Kailangan muna manligaw ka ."

Matapos ang araw na yun ay bumalik na kami sa Nevada at umuwi na ako sa bahay namin ni Zoey at si Nathan naman ay umuwi na sa kanila.

Ilang taon na din ang lumipas at matagal na din kaming mag jowa ni Nathan. Matagal na kami, marami na din kaming napag daanang problema. Kulang nalang talaga maging asawa ko to. Magkasama na kami sa bahay at nag sasama na din kami pero hindi pa kami kasal. Syempre tinalian ko na baka makahanap pa ng iba e. Dahil magkasama na kami sa bahay syempre ako ang taga gising niya dahil nag tatrabo na kami pareho.

"Gumising ka na anong plano mo?" paggising ko sakanya.

"Saglit lang, 5 minutes please antok pa ako e."

"Wag kana pumasok kung antok kapa. Bahala ka nga sa buhay mo."

Pumunta na ako sa kusina dahil naka pagluto na ako ng breakfast namin. Ilang saglit lang ay nakasunod na si Nathan saakin. Takot din ang mokong na hindi makapasok.

"O bakit andito kana? Kala ko ba 5 Minutes pa?"

"Syempre galit kana baka hindi pa ako makapasok e."

"Bilisan mo na baka malate kapa."

Tumayo na ako dahil tapos na akong kumain.

"Bilisan mong kumain, maliligo na ako."

"Pwede namang sabay tayong maligo ah." sabay ngisi na parang demonyo.

Tinaasan ko siya ng kilay at tuwang tuwa ang siraulo.

NATHAN'S POV

Ilang taon na din kaming mag jowa ni Stacey plano ko ngang pakasalan to e humahanap lang talaga ako ng oras. Ilang buwan ko ng plinano ito. Tinawagan ko na sila Kuya Ace at pati sila Zoey na magset ng lugar dahil gusto ko ng mag propose sa kanya. Gusto ko ng pakasalan to dahil baka maagaw pa ng iba. Naghalfday lang ako sa trabaho ko dahil gusto kong maging maayos ang proposal ko kay Stacey.

Bumili ako ng bulaklak at ng singsing dahil alam ko naman ang sukat ng daliri ni Stacey. Nang makabili na ako ng mga kailangan ko nag madali akong pumunta sa hinandang lugar nila Kuya Ace. Ilang oras lang ang hinintay namin at dumating na si Stacey. Nag-inuman muna kami at hinanda ko na ang sarili ko dahil mag propopose na ako. Biglang may nagplay na video sa screen at pinanood namin ito. Mga pictures at video namin ni Stacey ang lumabas sa screen. Nang malapit ng matapos ang video humarap saakin si Stacey at umiiyak.

Lumuhod na ako at sinabing "Will you marry me, Stacey Buenaventura?" Sumagot naman siya ng "Yes, I will marry you." tapos sabay iyak.

...............................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................

This is the last part and I hope you enjoy my story. Marami pa po akong ilalabas na stories. Hope you enjoy guys.

Accidentally Fall Inlove With My BestfriendWhere stories live. Discover now