𝗘𝗣𝗜𝗟𝗢𝗚𝗨𝗘 (2) (LAST CHAPTER)

6.5K 146 75
                                    

𝗘𝗣𝗜𝗟𝗢𝗚𝗨𝗘 (2) (LAST CHAPTER)

Nakita kong lumabas si Jackson kaya naman ay palihim ko syang sinundan... Napaiwas pa ako ng tingin dahil nakita kong hinalikan nya muna si Vienna bago umalis...

Agad ko syang sinundan nang  naglakad sya papunta sa likod ng garden... Sinundan ko lang sya at hindi ko tlaga alam ang pupuntahan nya. Namalayan ko nalang ang sarili kong sumusunod sakanya

Nakita ko syang may malalaim na iniisip. Nakatalikod sya sakin at parang may tinitingnan ang mga bulaklak na nasa garden... Hindi na ako makapag intay p at kaagad ko na syang nilapitan. Niyakap ko sya patalikod at hindi gumagawa ng ingay...

Ramdam kong natigilan sya at nagulat ako nang bigla syang tumawa...

"Ikaw tlaga Vien... Namiss mo na ba tlaga ako agad agad?" Halos matuod ako sa kinatatayuan... V-vien? Si Vienna ba ang tinutukoy nya? Dahan dahan akong kumalas ng yakap at sya rin namang pagharap nya sakin. Gulat ng rumehistro sa mukha nya at parang hindi pa makapaniwala

"J-jean...." Umiwas ako ng tingin nang aabutin nya na sana ako...

"Vien huh? So si Vienna na pala yung laman ng isip mo ngayon... Wow grabe... Ang dlai naman... Ang dali mo namang makalimutan ako" Kita ko ang pagkagulat sa mga mata nya at parang gusto pa nyang mag paliwanag

"L-look... I'm sorry, hindi ko naman inexpect na ikaw pala yung yumakap sakin... I thought it's Vienna... I'm sorry" Napayuko ako... Niyayakap din ba sya ni Vienna? Bakit parang ang sakit lang?

"Sya na ba?..." Biglang tanong ko na nakapagpatigil sakanya

"What do you mean---

"Wag ka nang mag maang maangan pa Jackson... Sya na ba yung mahal mo? Mas mahal mo na ba sya kesa sakin? Tell me...para naman hindi ako parang t*nga na umaasa dito na dadalwin mo ko... Iniiwasan mo ba ako? Kase kung oo t*ng*na ang sakit eh! Sana sinabi mo naman sakin na ayaw mo na akong makita para hindi na ako umasang babalik ka pa... Hindi mo na ba ako mahal? O sadyang hindi mo tlaga ako minahal... Sabihin mo..." Unti unting nagsilandasan ang luha sa mga mata ko dahil sa sinabi ko... Lahat ata ng sakit na nararamdaman ko ay naibuhos ko

"Jean... That's not what I mean... Hindi naman sa ayaw kita eh... Hindi naman sa ayaw kitang makita but---

"Tama na pwede ba?! Ayoko nang marinig ang mga paliwanag mo! Oo na sige na! Ikakasal ka na di ba?! Sige! Puntahan mo nalang ang fiancee mo... Sya namn yung mahal mo di ba? Sige! Invite nyo nalang ako sa kasal... I thought iba ka sa kanila... I thought iba ka sa lahat ng mga lalaki? I thought mas lamang ka sa mga kaibigan mo... I thought---

"ENOUGH!" Nagulat ako sa pagsigaw nya... Nakayuko sya at nang imulat nya ang mga mata nya ay nakita ko ang halo halong emosyon, sakit,pait at galit... Hindi ako umimik...

"You're comparing me to them? Then bakit hindi nalang sila yung minahal mo? Are you really like that? Are you all really like that? Simula pa noon, I always being compared... You don't know how much it hurts... Ang sakit eh! Alam mo yung sakit na nararamdaman mo kapag kinokompara ka... At ang mas malala, yung babae mong minahal pa ang nagsalita sayo ng ganyan..." Napakagat ako sa labi ko... Ganun na ba tlaga ako kasama?

Umiwas sya ng tingin at tumingin sa kawalan bago lumuha...

"You know what? Hindi mo alam lahat ng pinagdaanan ko Jean... Hindi mo alam kung pano ko gustong kalimutan tong nararamdaman ko sayo... You don't know kung gaano ko pinigilan ang sarili ko na isipin ka... Because you what? Every single seconds, minutes, hours and day palagi kitang naaalala... Then sasabihin mo na iba ako sa kanila? Na akala mo iba ako sakanila? Bakit? Iniisip mo ba na parehas ako sakanila? Alam mo ba yung masakit ha?! Gusto kong mahalin ako ng taong mga mahal ko dahil sa pagiging ako lang! Hindi yung kinokompara ako sa mga ganito ganyan! I really hate it..." Pumiyok ng boses nya pinahiran ang luhang tumulo mula sa mga mata nya

My Possessive Bully (REPOSTED) (NEW VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon