Nazuwi/Astrix POV
Nabalik ako sa ulirat nang magsalita iyong matandang lalaki I think nasa mid 40's na siya.Tinignan ko lang ito nang wlang pakialam look.Nagulat pa siya roon kaya inirapan ko na lang siya.
"Astrix ano na namang kat*ngahan ang ginawa mo!?"galit na tanong nito.Kumunot naman ang noo ko.Tsk ano nga ba ang ginawa mong kat*ngahan prinsesa.
" Hindi mo ba ako sasagutin!"sigaw nito napangisi naman ako rito."Bakit naman kita sasagutin,periodic test ka ba?"sabi ko bago ito irapan.
"Napakawalang m*do mo talaga astrix!Wla ka nang ibang ginawa kundi bigyan kami ng sakit sa ulo at problema!Wla kang kw*ntang anak!"galit na sigaw nito.
Tinignan ko siya ng matalim na ikinaatras naman nila.Nanatili namang tahimik iyong matandang babae.Ngumisi muli ako rito.
" Bakit may kw*nta ka bang ama?"inosente pero mababakasan mo ito nang pang iinsulto.Nagulat naman ito at muntik pang matumba dahil nangangatog ang kanyang tuhod.
"Astrix!" Napatingin naman ako sa bagong pasok na lalaki.Ito siguro ang anak nilang panganay.Siya si Prince Astrio Rowell Schweetz.Umpisa pa lang ay masama na talaga ang trato nito Kay Astrix.Tinignan ako nito nang matalim Hindi naman ako nagpatinag at lumaban rin nang masamang tingin.Nagulat pa ito sa ginawa ko pero wla akong pake Hindi ako ang mahinang si Astrix!Dahil sa mundo namin ako ang reyna nang kamatayan.
"What happened here?" Kunot noong tanong naman nang isa pang lalaki.He's Prince Astril Rhilivi Schweetz the second son.
"Tsk" komento naman nang bagong pasok na lalaki.Sa pagkakaalala ko sya ang madalas na kakampi ni Astrix sa lahat.Malapit naman sila pero pag nasa publiko na sila ay nagbabago ang mood ng dalawa.Ewan ko ba sa character ng lalaking ito minsan kasi sweet Kay Astrix pero minsan ay harsh.
"Pagpupuri kamahalan" napatingin kami sa bagong pasok napairap ako nang makaharap ko na ang dahilan ng paghihirap ni Astrix.
"Prinsesa Amber anong ginagawa mo dito mahina ka pa" nag aalalang wika ng hari.Napa tsk na lang ako sa tabi.Like hello mas malala kaya ang nangyare sakin.
"Mamaya na tayo mag usap prinsesa ihanda mo ang iyong sarili sa iyong kaparusahan!" May gigil na saad ng hari.Isa isa naman silang umalis sa silid na kinaroroonan ko.
'Pathetic'
Napatawa ako sa naisip bago muling sumeryoso.Ilang minuto pa ang lumipas nang bigla na namang may pumasok sa kwarto ko.Napag alaman ko ring kwarto pala ito nang prinsesa.
Tinignan ko kung sino ang pumasok.Isa lang palang katulong,hindi!Sya ang personal maid ng prinsesa.Nakakagulat naman at makikilala ko agad ang mga ito.
"Prinsesa Astrix kumain na po muna kayo" nakangiti nitong sabi gumanti naman ako ng ngiti dto.Loyal kasi siya sa prinsesa kaya nakakatuwa na may kumakampi pa pla sa prinsesang iyon.Napansin ko ang gumuhit na Gulat sa kanyang mukha kaya umiling iling na lang ako bago kinuha Ang tray ng pagkain na dala niya.
"Salamat"
"P-prinsesa..." Hindi nito matuloy tuloy ang sasabihin dahil inunahan agad ito nang iyak.Hindi ko Alam kung ano Ang gagawin ko kaya niyakap ko na lang siya.In my whole life I never did this for f*ck s*ke.
"Shh,stop crying" pag aalo ko rito."P-prinsesa s-salamat"utal Utal na sabi nito natawa naman ako.
"Tama na nga ang drama Ate Mylene" wika ko at pinunasan ang luha nito napasinghap pa siya sa ginawa ko pero agad ding nakabawi.Naupo ako sa study table at kumain doon sinuklayan naman niya ang buhok ko napangiti na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain.
Hays gusto ko nang makabalik sa mundo ko hindi ako makakatagal dto.Baka pag nawala ako sa sarili ay mapatay ko pa sila.Ayokong mangyari iyon nasa kalagitnaan na ako nang pagbabago dahil kahit papaano ay natatakot parin ako sa diyos.
Ewan ko nga sa sarili ko bakit ang bilis makapag adjust nang utak ko sa nangyayare sa kin.Siguro ay dala ito nang palagian Kong panonood nang anime na about sa weird creatures.Obsessed na yata ako sa fantasy series hays.
Maaga akong nagising ngayong araw dahil balak Kong umalis sa lugar na ito.Hangga't di ko pa nakikilala ang mga mapanganib na karakter nang kwento ay iiwasan ko na sila.
Ayoko ngang magkaroon ng komunikasyon sa kanila.Masasama sila pero hindi ko rin maitatanggi na mas masama ako sa kanila.May awa sila ako wla.Doon pa lang makikita mo na ang pinagkaiba.Pumunta akong banyo at mabilis na naligo.Pumasok ako sa walk in closet at halos malaglag ang panga ko sa nakita.Tang*na!
Puro malalaswa ang damit na nandito.Pang p*kpok halos lantad na rin ang kutis ko kapag sinuot ko ang mga iyan.Ganyan na ba talaga siya kadesperada!Lahat babaguhin niya para mapansin lang siya!WTH!
Naghanap ako sa isang drawer nang masusuot at nagtagumpay naman ako.Ito Ang mga luma niyang damit,nung hindi pa siya nagdedesisyon na gayahin ang malanding stepsis niya.
Pumili ako ng black croptop at black jeans.Agad ko naman iyong sinuot,kumuha rin ako ng rubber shoes at sinuot iyon nang matapos ay lumabas na ako doon.
Humarap ako sa salamin ang ganda talaga ng babaeng ito kaso sinasayang niya lang.
Nagsuklay na ako at hinayaan ang buhok na nakalugay kinuha ko ang black cap at black mask.Kinuha ko na rin ang di kalakihang bag at umalis sa kwarto.Nagmasid masid ako sa paligid buti at wlang nagbabantay.Pumunta ako sa veranda at nilanghap ang masarap na simoy nang hangin.
Tumalon ako doon at tumakbo sa pader.Hindi naman ako nahirapan na ibalance ang katawan niya dahil magaan lang ito pero di ko pa rin ito pwedeng biglain at Baka mabali ang buto nito.Sa mundo ko kasi sanay na sanay ako sa ganito lalo na kapag tumatakas ako sa mga bantay nang napapatay ko.
Isang ngisi ang pinakawalan ko nang makita ang isang kawal.Kumaway pa ko dito bago tuluyang nakalabas sa gate nang palasyo.
Malaninja ang galawan Kong tumatalon sa ibabaw nang puno.Nakakita rin ako nang maraming kabahayan,may mall din at may mga nagsisitaasang gusali.
"Tsk parang mundo ko lang pala"
Tumalon ako sa baba dahil nakakita ako nang ilog.Nagpahinga muna ako doon nang Ilang minuto.Siguro sa mga oras na ito ay pinaghahahanap na nila ako.Malamang inis na inis na naman sakin ang stepsis ko dahil gumawa na naman ako ng kalokohan kaya nakuha ko ang atensyon nila.
Muntik ko nang mabitawan ang inuming hawak ko nang may magsalita sa likod ko.
"Nazuwi"
P-paano niya nalaman ang pangalan ko!
BINABASA MO ANG
Reincarnate As A Goddess Season 1
ФэнтезиWARNING:It may contains vulgar words,wrong typos,brutal scenes and matured contents,so don't bash and read peacefully. PROLOGUE She's beautiful She's heartless She's a demon And she's sweet but psycho,everyone's scared at her na parang sa tingin pa...