Chapter 20

205 6 2
                                    

Ecko P.O.V.


Nakalipas na rin ang 2 Linggo at nakapag practice na rin kami ni Nicolle na kakantahin pero sa mga nakalipas na 2 Linggo walang tigil ang away namin ni Nicolle haist hindi kami magkasundo sa mga gagawin pataasan lang ng pride.


Inis na inis ako sa babaeng yun inis na hindi ah basta ang hirap I explain hindi naman ako ganito sa mga babae sa kanya lang ako masungit atsaka dun sa pandak kong pinsan na pinapantasya ni Nicolle hayy madalas na umiinit ang ulo ko dun.


Siguro nga kaya ang ang laki ng inis ko kay Nicolle ay naalala ko ang ex ko sa kanya na iniwan ako hayy pareho kasi sila mas lalo na sa Pag FAFANGIRL parehong pareho kung makapagfangirl todo todo ang pinagkaiba lang sa kanilang dalawa ay ang ex ko ay mabait,mahinhin at palaging nakangiti hindi katulad ni Nicolle laging naka kunot at ang init ng ulo.


Arrrrgggggghhhhh... Ano ba itong iniisip ko bakit ko ba parehong iniisip yun at bakit pumasok sa isip ko ang ex ko eh iniwan niya nga ako bwisit silang dalawa ni Nicolle hayy bakit ba nadamay si Nicolle baka mamaya nabulunan na yun dahil naisip ko siya nakakainis lang talaga.


kriiiing....kriiiing Hayyy sino ba itong tumatawag ay buti na rin yun para matigil tong mga iniisip ko, Ohh bakit unknown number ito hayyy sagutin ko na nga lang.


"Hello?"

"HOYYYYYYYYY ECKO !!!!! NASAAN KA BA ?!"

Aba kita mo nga naman kung sino ang nagsasalita parang kilala ko na. -_-

"Ohhh slave bakit mo naman natanong na miss mo kaagad ako ?"

"ANONG MISS MISS KA DYAN IPASA MO NA YUNG KANTA NA KAKANTAHIN NATIN SA FRIDAY!"

Ohhh Sh*t Oo nga pala hayyy nakalimutan ko iprint grabeh ang malas ko naman.

"Hmmm pwede huminahon ka lang."

"Ehhhh kasi naman kanina pa kita hinahanap at tinatawagan paulit ulit yung voice message ng cannot be reach at walang katapusang cannot be reach saang lupalop ka ba ng Pinas at hindi ka abot ng signal hayyy ."

"Nandito lang ako oh."

"HA? saan ba ?''

"Sa likod mo."

Hindi niya ba alam na kanina pa ako nandito eh siya nga yung kararating lang eh.

"BWISEEEEET KA KANINA KA PA BA DYAN?!?!?"

"Halata ba? "

"Hayyyy magaaway nanaman ba tayo ? hindi ka pa ba nagsawa sa simula na nagkakilala tayo?"

"Kumalma ka lang pwede ba ?"

"fine."

"please ? Kahit ngayon lang ?"

"Oo na oo na akin na ."

"Ang alin ?"

"Yung pina print natin kanta ako na magpapasa."

"Ahhhhh yun ba pero bago yun may tatanong muna ako sayo."

"Ano? paki bilis."

"Bakit nag iba ka ng number ?"

"Yun lang ba walang kwentang tanong. Bumili ako bakit ?"

"Bakit ka bumili ?"

"ehh kasi hindi kita ma contact eh kaya akala ko sira sim ko pero sa tingin ko sira nga kasi simula nung bumili ako ng bago ayun natawagan na kita."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fangirl Mode OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon