Chapter 13

340 20 5
                                    

Nicolle P.O.V.

  Naiyak talaga ko ng nakita ko finofollow mismo ng 5SOS twitter account si Ecko bakit ganun siya yung pa chill chill lang tapos ako etong nagpapakahiram,nagpapakapuyat at nagpapansin sa kanila pero ni kahit isang follow wala :'( Ang swerte niya kalalaki niyang tao akalain mo yun siya pa tong na follow naiiyak talaga ako alam ko overacting pero alam ko naiintindihan ako ng mga co-fangirls ko .

"Ui Nicolle ? Nicolle ? okay ka lang?"

"Sa tigin mo okay ako?"

"Wala naman ako ginagawa."

Wala ako nasabi kundi umiyak ako ng mas malakas huhuhuhu.

Hinimas ni Ecko yung likod ko para patahanin ako hindi naman daw sinasadya oo nga wala naman siya kasalanan pero syempre 5SOS yun, yun lang naman yung iniiyakan ko eh ni kahit low grades nga hindi ko iniiyakan kundi yung mga tao hinahangaan ko lang :'(

"Nicolle sorry, wag ka na umiyak diko naman alam na maiiyak ka akala ko matutuwa ka pa nagawa ko na lahat na DM (Direct Message) na  naman kita eh or kung gusto mo sayo na lang yung account ko para tumahan ka lang."

Bakit ganun? Ang bait niya sa akin? Eh kung sungit sungitan niya nga ako madalas kasi sensitive siya at madalas niya ako tawanan kahit wala naman talagang nakakatawa. Totoo ba siya sa mga sinasabi niya na kaya niya sa akin ibigay yung account niya para lang sa 5SOS nagbibiro ba siya ?

"Si ....sigu...sigurado.. ka ... ba dyan?...."  Hindi ako makapagsalita ng ayos kasi umiiyak ako.

"Pumunta ka dito."

"Huh?"

Hinila ako ni Ecko palabas ng classroom hawak niya yung braso ko.

"Ecko saan tayo pupunta diba may klase tayo?"

"Oo alam ko Nicolle pero ngayon lang toh... Mag cucutting classes tayo."

"Huh? ano hindi pwede lagot ako kay ate pag nalaman niya mas lalo na pag nakaabot toh kay daddy baka bugbugin niya pa ako." 

Pilit ko tinatanggal yung kamay niya sa braso ko pero ang higpit ng hawak niya, Nakarating kami sa botanical garden umupo kami sa ilalim ng puno.

"Ano ginagawa natin dito? Bakit tayo nag cutting class?"

"Nicolle ayaw ko makita ka ng ibang tao mas lalo na classmate natin na umiiyak ka."

"Bakit naman wala ako pakialam basta nag seselos ako sayo huhu"  kaunti na lang na luha ang lumalabas sa mata ko.

Nilabas ni Ecko yung panyo niya at pinunas niya sa akin ang sweet niya kinikilig ako ang lande ko grabeh may asawa na nga ako 4 sa Australia tapos crush ko pa si Pao tapos kinikilig ako kay Ecko ano ba :") Pero oo inaamin ko naman sino ba naman hindi kikiligin eh ECKO FERNANDEZ yan eh Campus Hearthrob.

"Sorry na talaga ah, yun pa naman ang pinaka ayaw ko mas lalo na pag ako ang nagpaiyak sa babae pa."  

wala ako nasabi at tuloy parin siya sa pag punas ng luha ko samantalang ako nakatitig lang sa kanya pinagmamasdan siya minararamdaman ako ng hindi ko maintindihan.

"Hindi Ecko okay lang ako... okay na ako."

"Sigurado ka ba ? Gusto mo gamitin yung twitter account ko gusto mo itweet sila? gusto mo i DM mo sila? gusto m..."

"Shhh Ecko okay na ako."

"Huh? okay hindi nung nakita nga kita kanina halos hindi ko na alam gagawin ko grabeh ka pala umiyak."

Inaasahan ko na tatawanan pero pagkakasabi niya sa akin seryoso siya.

Umupo na lang siya sa tabi ko malakas ang hangin makapal ang ulap sa langit hindi masyado mainit kaya masarap sa pakiramdam nilabas ni Ecko yung phone niya ulit.

"Ayy ngayon na pala ang huling concert ng 1D kasama ang 5SOS sa WWA(Where We Are) Tour."

Nakakatuwa lang naman isipin isang gwapong lalaki nag fafanboy karamihan kasi ng nakikilala ko pag fanboy bakla eh pero si Ecko hindi eh pero malay mo pero hindi talaga eh nakikita ko naman sa knya ang pag ka gentleman at pagkalalaki nakaktuwa lang hihihi, Ang dami sinasabi ni Ecko pero hindi ko napapakinggan kasi nakatitig lang ako sa kanya kasi lahat ng sinabi niya sa akin kanina parang totoo talaga talaga.

"Uiii Nicolle nakikinig ka ba ?"

"Aaaa.. eee.. oo nga eh."

"Ayan ka nanaman hindi ka nanaman nakikinig hobby mo ba yan ? Joke lang" tapos tumawa siya oo as always lagi niya ako tinatawanan

"Hinihintay ko talaga next album ni Taylor Swift yung 1989"

"Swiftie ka ?"

"Oo crush ko nga yun eh."

''Ayaw ko dun daming lalaki  tapos nagpapatama pa siya sa kanta niya."

"Ano ka ba Ms.Alvarez this time siya naman pag tatangol ko kaya niya yun ginagawa kasi inaamin niya oo naging mahina siya natatakot kasi siya sabihin yun sa lalaking nasaktan siya kaya dinadaan niya sa kanta.. Alam ko lahat tungkol sa kanya kasi naiintindihan ko siya,"

Bigla siya tumango fanboy din naman toh pero bakit ba? Bakit madalas na nakikilala ko lalaki gusto si Taylor Swift pero sabagay cute siya at higit sa lahat may pointg siya.

"Hmmmm Ecko?"

"Hmmm Nicolle okay ka na ba tara na punta muna tayo cafeteria 4 hours pa bago yung next class natin kasi nag cutting tayo eh."

Tinayo niya ako hinila niya yung kamay ko.

Nakarating kami sa Cafeteria bumili siya ng mint coffee sa akin naman caramel donut at black coffee.

"Ecko pwede pa request?"

"Kahit ano..Ano yun?"

"Pwede ba pa follow mo naman ako please?!? Hindi ako mapakali eh hindi ako kuntento sa DM eh."

"Pero maykapalit."

Aba! Nag evil smile sa akin bigla tuloy ako kinabahan... 

"HA?!? Ano ? "

"Sisiguruduhin ko mafofollow ka.... Kung papayag ka sa kapalit na sasabihin ko."

Ngumiti nanaman siya ng pala demonyo ngiti ano ba yan.

"Arggghhh... Eh Ano ba yun ? Ano muna."

"Hindi ko sasabihin hanggang di ka pumapayag."

Nakakainis naman ohhh >.< Ano ba yan.

"Fine para sa 5SOS gagawin ko ."

Ngumiti naman siya ng nakaktakot oh gossh bwisit naman oh.

Hi to my readers,Sorry mga bae's ngayon lang nakapag update pero eto na po  sorry kung maikli ill try my best mag update ulit THIS WEEK MISMO !!! <"=

Fangirl Mode OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon