Chapter 2

150 10 1
                                    

Ay ang swerte mo naman!" bulalas ni Josephine nang bumalik ako sa production area para kuhanin ang bag ko. "Isang linggo ka pa lang dito pero na-promote ka kaagad!"

"Siguro ipinakiusap ni Lola," katwiran ko naman. "Isang taon na lang magtatapos na rin naman ako ng kursong Business Management."

"Uy, baka naman pag nagkasalubong tayo sa canteen hindi ka na mamansin ah!" nakatawa nitong wika.

"Hindi naman ako gano'n. Syempre ikaw pa rin ang unang naging kaibigan ko dito. Isa pa, magkasama naman tayo sa boarding house."

Si Josephine pa lang ang nakaka-close ko sa lahat ng trabahador doon sa loob ng isang linggo. Hindi rin naman kasi ako palabati sa ibang hindi ko pa naman labis na kilala. Mayro'n mang lumalapit sa akin, puro naman kalalakihan na hindi ko pa gustong bigyan ng pansin. Hindi naman ako lumuwas para maghanap ng boyfriend o magpaligaw.

"Mamaya bababa din ako para sumabay sa 'yo kumain. Nakakahiya naman kung sasabay ako sa mga empleyado doon. Wala pa naman akong kilala sa opisina," wika ko nang magpaalam kay Josephine.

"Baka ibang oras ang breaktime niyo, pero basta puntahan mo na lang ako kung sakali. Lalaanan na lang kita ng bakanteng upuan sa canteen."

Matapos magpaalam pati sa supervisor namin sa QA department ay bumalik na ako sa kabilang building. Sinalubong ako ng isang empleyado at sinabing pinapatawag ako ulit ni Sir Felix sa opisina na nito.

Kung magara ang silid ni Sir Braxton kanina, de hamak na mas malaki at magara ang silid ni Sir Felix. May malaking screen pa nakadikit sa wall pero ang palabas ay tungkol naman sa foreign exchange at lahat ng may kinalaman sa negosyo.

"Miss Dimayuga..."

"S-Sir Felix... Ipinatawag niyo raw ho ako?" tanong ko habang kinakabahan pa rin. Hindi ako sanay na nakakaharap ito dahil hindi ko naman sila madalas nakakasalamuha dati sa Bukidnon. Itinuturing itong mataas na tao dahil sa antas ng kanilang pamumuhay. Isa ang mga Desiderio sa mayayamang angkan sa bayan ng Bukidnon.

"I believed you are living in a boarding house far from here," awtorisado nitong wika. Puro puti na ang buhok nito dahil nasa edad sisenta na rin at ang alam ko ay nasa ibang bansa ang asawa nito. Si Braxton sa pagkakaalam ko ay nasa trenta anyos naman.

"Oho. Kasama ko ho ang ibang empleyado sa pabrika."

"You cannot live with them anymore because you will be working with Braxton. Makikita mo ang mahahalagang impormasyon dito sa kumpanya na hindi dapat nalalaman ng iba."

"Hindi naman ho ako --"

"Lilipat ka ng tirahan," putol nito sa ikakatwiran ko sana.

"Wala pa ho akong pambayad sa upa dahil hahanapan ho ako ng downpayment."

May kinuha ito sa drawer pagkatapos ay iniabot sa akin ang isang card. May arrow ito sa gilid at may logo kung ano ang pangalan ng condo.

"I will send you the address. The condo is not far away from here. Malaki 'yan at may dalawang silid. Ipagkakatiwala ko sa 'yo ang condo dahil dati ka ring tauhan ng hacienda at sabi ng mayordoma doon, masipag ka at maaasahan sa maraming bagay."

"S-sa condo ho ako uuwi?" gulat kong tanong habang hawak ang isang card na kasinlaki ng atm. Ito na ba ang ginagamit na pambukas ng pinto ngayon?

"Yes. That's free, but in return, you will clean the unit everyday before you come to work. Are we clear?"

Marahan akong tumango. Napanatag ako nang mabanggit nitong tumawag ito sa mayordoma sa hacienda para magtanong tungkol sa akin. Ibig sabihin, pinagkakatiwalaan ako ni Sir Felix ngayon.

Coldhearted WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon