Chapter 3

328 17 8
                                    

Alas sais na nang puntahan ako ni Edcel sa opisina ko. Halos kalahati pa lang ng tambak na papeles sa mesa ang nabawas ko. Hindi ko na nakita si Sir Braxton hanggang mag-uwian dahil wala naman itong inutos. At dahil madalas din si Edcel sa pwesto ko para turuan ako sa maghapon ay madalas ito po ang sumasagot sa telepono at nagta-transfer sa opisina ni Sir Braxton. Hanggang ngayong araw lang naman daw dahil bukas ay trabaho ko nang lahat 'yon.

"May bukas pa. Umuwi na tayo dahil wala namang bayad ang overtime dito."

"Sige. Nagugutom na nga rin ako."

"E kasi nakipagsabayan ka sa diet ko," natatawang wika ni Edcel.

Niligpit ko na ang gamit saka naglagay ng kaunting face powder sa mukha. Nilinis ko na rin ang mesa para hindi ako mapulaan ni Sir Felix kung sakaling maligaw ito roon. Nasa training period pa lang ako kaya't kailangan kong pagbutihin ang trabaho.

"Tara sabay na tayong bumaba," wika ni Edcel. Tumayo na rin ako at sinipat muli ang mesa bago tuluyang lumabas sa opisina.

At dahil may sundo si Edcel, mag-isa ko na lang na binaybay ang palabas sa gate at para maghanap ng makakainan. Kumakalam na ang sikmura ko sa gutom. At dahil may sahod naman ako sa isang linggong pagtratrabaho sa pabrika, may budget ako sa pagkain at pamasahe. Dumaan ako sa isang kariderya na malapit sa opisina para kumain bago ako umuwi sa boarding house at kuhanin ang isang bag kong gamit.

"Naku, iiwan mo din pala kami agad," wika ni Josephine na ka-boarding house ko. 

"Utos kasi ni Sir Felix na bukod sa pagtatrabaho ko sa opisina, ako ang tagalinis ng condo niya doon. Baka wala namang taong nakatira kaya sa akin ipababantayan. Tauhan din naman kasi kami ni Lola sa hacienda nila sa Bukidnon. Kami rin ang tagalinis at tagaluto doon."

"Ang dami mo namang trabaho. Maghapon ka na sa opisina magtatrabaho ka pa doon?"

"Hindi naman siguro. Kung ako lang mag-isa doon, natural naman na maglinis ako at magluto para sa sarili ko."

"Kunsabagay, maswerte ka na rin kasi libre nga naman ang bahay no? Pwede mo kayang gamitin ang aircon doon?"

"Hindi na siguro para hindi na malaki ang babayang kuryente. Nakakahiya naman, libre na nga ako sa tulugan."

Nang mailagay ko sa malaking bag ang lahat ng gamit ay nagpaalam na ako sa dalawa pa naming kasama sa boarding house. Binaybay ko na ang kahabaan ng Rizal Avenue dahil nasa Malate ang condo na pupuntahan ko ayon na rin sa ni-research kong address kanina. At dahil sobrang trapik sa Maynila kapag rush hour, alas nueve na halos ako nakarating sa condominium. Nasa ika-tatlumpong palapag pa naman ang unit ni Sir Felix kung saan ako titira pansamantala.

Mukhang nasabihan na rin naman ang receptionist sa lobby na parating ako dahil wala ng tanong-tanong nang sabihin ko ang pangalan ko at ipakita ang company ID. Halos malula ako sa taas ng building. Pasikot-sikot pa ang daan dahil may Tower 1 at Tower 2 pa pala iyon. Natanaw ko pa kanina ang malaking pool bago siya sumakay sa elevator.

Nakahinga ako nang maluwag nang sa wakas ay mahanap ko ang Unit 3043. Hawak ko pa ang tainga ko dahil para akong nabingi paglabas kanina sa elevator. Kung hindi lang si Sir Felix ang nag-utos na dito ako titira ay mas gugustuhin kong sa boarding house na lang manuluyan. Parang ang hirap tumira dito mag-isa lalo na't wala akong kapitbahay na makakausap man lang.

"Hi, need any help?"

Isang gwapong lalaki na nakangiti ang bumungad sa mga mata ko. Foreigner ito sa paningin ko dahil sa mapusyaw nitong balat at brown nitong buhok. Halos kasingtaas din nito si Braxton na halos umabot na sa six feet. Pero mas gwapo pa rin sa paningin ko ang suplado kong amo kahit moreno ang balat na tila laging bilad sa araw. Mapungay kasi ang mata ng mga Desiderio at tila laging nangungusap.

"No, thank you."

Gusto ko itong itaboy dahil bubuksan ko na ang pinto ng unit ni Sir Felix at hindi ko sana gustong ipaalam sa estrangherong ito na dito ako titira. Kabilin-bilinan ni Lola sa akin bago lumuwas na huwag akong makikipag-usap sa isang estranghero.

"If you need any, just knock in this room." Itinuro nito ang kalapit na pinto na tinanguan ko na lang. Lumapit pa ang lalaki at inilahad ang kamay. "I'm Josh, by the way."

Tinanggap ko na rin ang pakikipagkamay nito para hindi ito mapahiya. Hinintay ko itong makapasok muna sa unit nito bago ako tuluyang tumapat sa pinto ng unit ni Sir Felix. Madilim ang silid. Ginamit ko pa ang flashlight ng cellphone para mahanap kung saan ang switch ng ilaw. Tatlo ang switch na malapit sa pinto. Isa-isa kong pinindot ang switch para malaman kung alin doon ang dim lang ang ilaw dahil mas tipid daw iyon sa kuryente. Napagod ako sa biyahe kaya ko bukas na lang ipinasyang maglilinis.

Dalawa ang silid doon at malaki ang buong unit. May pinto rin palabas sa balkonahe. Katulad sa opisina nila Sir Felix at Sir Brandon, maraming indoor plants ang nasa bawat sulok ng condo. May malaking screen na nakasabit sa dingding, sofa, carpeted ang sahig, at maraming shelves na kung hindi libro ang naka-display, mga antigong kagamitan. Ang problema ko nga lang ngayon, wala akong mahanap na electric fan para magamit mamaya sa pagtulog.

Tumuloy ako sa kusina at binuksan ang refrigerator. Walang halos laman iyon kung hindi itlog at mga fruit juice na iba't iba ang flavors, mga tsokolate, ilang prutas, at inuming alak.

Malinis naman ang condo kung tutuusin. Kung mayroon mang alikabok ay ang carpet siguro at ilang estante na pupunasan.

At dahil dalawa ang silid na nakasara, walang muwang kong pinihit ang unang pinto na malapit sa kusina. Kahit naman siguro alin doon ay pwede kong gamitin.

Kung nagulat ako sa nabungaran ay mas lalong nagulat ang taong nasa silid na magtatangka sanang hubarin ang huling saplot sa katawan. Nakatambad ang mga masel sa katawan ni Sir Braxton na kaagad akong lumabas at isinara ang pinto. Mabuti na lang na nabitin ang pagtatanggal nito ng brief kung hindi ay nakita ko pati ang p'gkalalaki nito na hindi ko dapat makita.

Bakit ito nasa condo? Bakit ang sabi ni Sir Felix ay dito siya titira?

Gusto niyang lumubog sa kahihiyan. Paano ako haharap ngayon kay Sir Braxton gayung halos nakita ko na ang halos hubad nitong katawan?

"What are you doing here?!" Galit na naman ang tinig nito habang nagsusuot ng sando at naka-boxer short na. Isinandal nito ang dalawang kamay sa sandalan ng sofa habang naghihintay ng isasagot ko. Halos mapugto naman ang hininga ko sa kaba habang pilit na sumagot.

"P-pinapunta ho ako ng... P-papa niyo... H-hindi ko ho alam na nandito kayo..."

"Bakit ka papupuntahin ni Papa dito? I live here for Pete's sake!"

"M-maglilinis daw ho ako dito araw-araw..."

Lumakad ito papunta sa estante at kinuha ang telepono roon. Marahil ay ang Papa nito ang tinatawagan.

"What is my assistant doing in my place?" tanong nito sa kausap sa galit pa ring tono. "What?! I don't need a maid to live with me!"

Matagal itong nakinig sa kausap sa kabilang linya bago ibinato ang telepono sa sofa.

"S-sorry ho... A-aalis na lang ho ako..."

"Unfortunately, you cannot leave unless my father say so. Sa kabilang silid ka na lang matulog."

Gusto ko sana tumanggi pero tumalikod na ito at pumasok muli sa silid. Doon pa lang ako nakahinga nang maayos nang mawala si Sir Braxton sa paningin ko. Bukas ay kakausapin ko na lang si Sir Felix na hindi ko doon gustong tumira. Hindi naman ako pwedeng umuwi ngayon dahil gagabihin na ako sa daan at delikado na lalo kung wala akong kasama. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 28, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Coldhearted WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon