Prologue

15 9 2
                                    

Isang suntok sa sikmura, tadyak sa tuhod at sipa sa mukha ang natanggap ni Elora. Pero hindi padin siya pumayag na di makaganti. Pinilit niyang makatayo sabay bigay ng malakas na bigwas sa mukha ng Lalaki.

"Aray ko naman, Elora! Ano bang problema mo?!"

Hala. Bakit babae ang Boses?

Napabalikwas siya ng bangon. Panaginip lang ba ang lahat? Inenspeksyon pa niya ang sarili pero wala naman siyang sugat o kahit pasa.
Nilingon niya ang kaibigang si Dahlia na nakasimangot na ngayon.

"A-ano bang ginawa ko sayo?" Pilit ang ngiting aniya. Umirap ito.

"Sinuntok molang naman ako. Kapag ako nagkapasa, susumbong kita kay Kuya-"

"Ay gaga, wag naman! Sama mo sakin ah."
Nasa Library pala sila. Mukhang doon siya nakatulog.

Hmm, napakaganda ng panaginip niya. Ninja daw siya tapos ang Kalaban niya ay si Nathan Francisco. Ang kilalang gangster sa Campus nila. Sus, ang mayabang na lalaking iyon. Kung di lang may-ari ng School ang Papa nun ay nabigwasan na talaga niya ito kagaya ng sa panaginip niya.

Napukpok niya ang kamay sa Mesa dahil sa inis. "Elora!"

"Students!" Magkasabay pa sina Dahlia at ang Librarian sa pagsaway sa kanya.
Napairap naman siya. Kung bigwasan din kaya niya ang librarian?

Hehe, di puwede. Baka maban pa siya doon. Doon na ngalang siya nakakahanap ng sagot dahil walang Phone, mababan pa siya?
Di puwede yun.

Pero what if— Erase.
Erase sa utak. Baka magkatotoo pa. Hayst.

Tumayo na siya saka kinuha ang Libro niya sa Mesa. "Tara na, Dahlia. Bibili pa ako ng Notebook eh."

"Ayan, bili ka na naman. Noong isang araw, bumili kana ah. Ginawa mo naman kasing pantanggal ng Inis ang Notebook. Eh kung nag-ipon ka at binili mona lang sana ng Phone yan?"

"Wag." Umirap siya. "Baka masira rin, sayang kaya."

"Ayan, sinisira mo kasi palagi. Sus."

"Ay bahala ka nga! Gaga ka."

"Ha? Bakit ako?"

"Kasi Ikaw! Tara na nga." Hinila na niya ito palabas ng Library. Pagkarating sa Hallway ay sumalubong sa kanila ang maraminh estudyante.

Nginitian niya ang mga ito na madalas naman niyang ginagawa. May ibang gumaganti ng ngiti at ang iba naman ay inirapan lang siya. Wala siyang pake. Atleast mtabait siya sa mga ito.

Maganda kaya ang Mood niya ngayon. Bago kasi siya natulog, nasa isip niya na magkakaroon siya ng Happy Ending gaya sa mga Movies.

Pass sa mga Tragic Stories. Ayaw din naman niyang mamatay kahit sa Story lang. Lalo na, mas ayaw niyang maging single if namatay ang Male Lead.
Jusko.

"Elora, Halikana." Hinila siya ni Dahlia sa isang Pasilyo.

"Bakit?"

"Mukha kang tanga. Nakangiti kapa habang naglalakad tayo. Papikit pikit kapa. Nagdadaydream kaba?"

Sinamangutan niya ito. "Kung dika support sakin, gusto moding sirain ang Maganda kong Mood."

"Elora, ano kaba? Hindi ito public kagaya ng Old School natin. Yung mga ngitian mo kanina. Mga Old Students yun. Mga kaklase ni Nathan. Baka pagtsismisan ka nila at makarating pa sa Lalaking iyon."

"Eh ano naman? Wala namang masamang maging Friendly ah. Kung may problema man. Iyang Nathan Francisco nayan! Akala mo kung sinong umasta. Pangit naman. Sus, tanga lang ang magkakagusto doon. Idagdag pang maitim ang budhi nun."

"Elora, Tama na nga-"

"Hay naku. Kung ako sa Nathan nayan. Ilibing na niya yang sarili niya sa Sementeryo. Dahil oras na mamatay siya, pati maglilibing iiwas. Napakabully porket mayaman-"

"What did you say?"

Halos mapatili siya ng makarinig ng Boses mula sa likod niya. Hindi man siya lumingon. Alam na niya kung sino yun. Sino paba? Edi ang Nathan "Hambog" Francisco!

Teka, narinig ba nito ang sinabi niya?

Pero kung narinig, ano naman? Totoo kaya iyon. Hindi lang naman siya ang nakakita na marami itong binubully.

Itinaas niya ang kilay saka lumingon.
"Narinig mo ang sinabi ko, Mr. Francisco."

Tumaas ang sulok nito gawa ng pagngisi. "Too formal, huh."

"Humanap kanalang ng ibang ibubully mo. Don't me."

Kumunot ang noo nito saka tumawa. "Ikaw lang ang isang taong nagsalita ng ganyan sakin. Anong tingin mo sa sarili mo?"

Kahit malakas ang tambol ng dibdib niya dahil sa kaba. Itinago niya iyon sa pamamagitan ng pagngisi. "Isang Scholar na may magandang Record, di kagaya mo." Proud niyang aniya. Pero diman lang ata ito nagtaka. Bagkus ay ngumisi pa.

"So you're a Scholar huh."

Dahan-dahan itong lumapit sa kanya. Siya naman ay napapaatras.
"A-anong ginagawa mo?" Nilingon niya si Dahlia pero hawak pala ito ng mga kaibigan ni Nathan. Para namang papatol ang babaeng iyon.

"So ikaw pala yung Transferee. That's nice."

Kinalma niya ang sarili saka sinalubong ang tingin nito. "Alam mo ang mas nice, Mr. Francisco?"

"What?"

"Iyon ay walang tinatapakang tao. Hindi mayabang. Hambog-"

Tumawa ito na sinadyang putulin ang sasabihin pa niya. "Know what? I don't care." Inilapit nito ang mukha sa kanya. Umatras siya pero Pader na pala ang nasa likod niya.

"L-lumayo ka nga-"

"Kayang kaya kitang alisin sa mga Scholar, Miss."
Nanlumo naman siya. Halatang blinablackmail siya nito. Gusto niya itong sampalin dahil sa kahambogan nito pero hindi puwede. Maraming pangarap ang Nanay niya sa kanya. At magsisimula iyon sa pagiging Scholar niya dahil wala naman silang Pera.

"A-ano ba?"

"But I won't do that."
Ngumisi ito lalo.

"A-anong kailangan mo?"

"Alam mo kung anong kailangan ko?" Pinasadan siya nito ng tingin mula ulo hanggang Paa. Napatakip naman siya sa Dibdib niya.

"Manyakis-" Natigil siya ng dumikit ang labi nito sa Leeg niya. Itutulak sana niya ito pero mahigpit na nitong hawak ang mga kamay niya.

"I need a Girlfriend. You should be my Girlfriend and i won't take no for an answer."

Nanlaki ang mga mata niya.
Ano raw? Girlfriend?

Agreement (LAWBREAKER SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon