6: Scarlet Academy

17 5 0
                                    

"Girl tignan mo oh mukhang bago sila" girl1

"oo nga, sino kaya mga yan?" girl2

"gosh ang gwapo nung lalake crush ko na siya kyaaaahh" girl3

"pretty din ni girl oh bagay sila. San kaya sila nanggaling bakit ngayon lang sila dito?" girl4

Pinagtitinginan at pinag uusapan na kami ni Alix dito gosh ang dami rin pala nag aaral sa academyng to

So yun nga nandito na kami ni Alix sa academy, Scarlet Academy. Naglalakad kami ngayon papunta sa Headmistress' room. So babae yung namumuno dito, siya raw ang magbibigay ng schedule namin and classroom, at the same time yung room daw namin kung saan daw kami nagsstay or matutulog. Yes! youre right dito nga kami mag sstay as in dito na kami matutulog. Nasabi na rin ito nila mommy and ni tita Beatrice. Saka lang kami makakauwi sa kaharian nila Alix kapag sembreak na. Oh gosh ang tagal nun ah.

"Nandito na po tayo" sabi nung naghatid sa amin, parang maid siya na kulay green ang ribbon

"Thank you/Salamat po" sabay naming sabi ni Alix tapos umalis na siya

Tinitignan naman ako ngayon ni Alix na sinasabing kaw-na-kumatok look. Tinarayan look ko naman siya

"Ikaw na kumatok kaw lalake eh" sabi ko sakanya

"Ikaw na, tinatamad ako eh remember Im the prince kaya sundin mo ako" sabi niya sa akin, kita niyo yan lagi niyang sinasabi sa akin yung 'im the prince' na yan haysst humanda talaga to sakin.

"arg! nakakainis ka di ka pa gentleman" reklamo ko sa kanya. Akmang kakatok na sana ako eh bigla namang bumukas na yung pinto, wow naman high tech naman pala dito eh

"Welcome to Scarlet Academy!" biglang sabi nung napakagandang babae sa harapan namin, ako naman ay napatulala lang sa ganda niya tapos dito sa loob ng room na to, parang isang bahay nato kung titignan mo yung laki at lawak. Etong si Alix naman parang wala lang sakanya

"Im Amalia Larkson, the headmistress of this academy. Come in" sabi niya, pumasok na kami "You may take your sit" dagdag pa niya at umupo na rin kami ni alix

"So you are Prince Alix Monterra and Princess Timanda Iris Aleris Esmelock right?" tanong niya samin. Nagulat naman ako sa sinabi niyang 'Princess' haha sa ganda ko kasing to napagkamalan tuloy akong prinsesa hahaha

"No headmistress, hindi po ako Prinsesa. Ordinaryong tao lang po ako" pagtatama ko

"Ohh iyon kasi lang nakalagay dito sa form mo, ipapa iclarify ko nalang baka nagkamali lang sila ng naisulat." sabi niya

"Sige po" sagot ko " and Tia nalang po for short sa pangalan ko" haystt kasi naman ang haba haba kasi ng pangalan ko kung ano ano kasi naisip nila noon

"And you Prince Alix" sabay tingin kay sa kasama ko "hmm nothing to clarify because youre real one" sabi niya. Nag nod lang siya. Kita mo to di man lang magsalita

"So this is your schedules" inabot niya samin yung papel "your classroom is indicated in that form, so you are now officially one of us here in Scarlet Academy, and your room where you will stay is mayroong naghihintay sainyo sa labas. Ihahatid nalang nila kayo" sabi niya, tumayo na kami at naghandshake

"Thank you po Headmistress Larkson" sabay naming sabi ni Alix

"just call me Miss Amalia, you may now go to your room and have some rest. Tomorrow will start your classes, enjoy!" sabi niya

Lumabas na kaming dalawa ni Alix. Pagkalabas namin ay may naghihintay nga samin yung babae din na naghatid samin kanina papunta rito pero dalawa na sila at magkamukha pa pero magkaiba sila ng kulay ng ribbon, kaya pala yung nauna kanina eh green yung ribbon etong isa red.

"hatid na po namin kayo sa room niyo, yung mga gamit niyo po ay nandoon na" sabi ni nung isa yung red ang ribbon, at naglakad na kami

"tanong ko lang magkakamukha ba kayong maid dito? marami ba kayo?" tanong ko sakanilang dalawa

"Opo pero hindi ko kami maid dito. Assistant po kami ng Headmisstress" sabi nung green ang ribbon

"Pasensya na po napagkamalan ko po kayong maid hehe" nako Tia nakakahiya ka sabi ko sa isip ko

"Okay lang po yun. Lahat po kaming assistant dito ay magkakamukha pero magkakaiba po kami ng color ng ribbons para hindi nakakalito" sagot ni kulay Red

"Galing kami sa iisang tao lamang at siya si Raquel siya ang head namin. Kung may makita kayong colorful ang ribbon siya na yun." si Kulay Green

"Edi Raquel din ang pangalan niyo? Hindi pa kasi kayo nagpapakilala"

"syempre hindi po, Ako nga po pala si Red at your service" sabi ni kulay red ang ribbon na may pasalute pasalute pa

"at ako naman si Green at your service" si green ribbon ganun din ang ginawa niya

"Nice! ang galing ng pangalan niyo, Ako naman si Timanda Iris Aleris Esmelock, Tia nalang for short ang habi kasi eh"

"And Im Prince Alix Monterra young ladies" siya tapos may pakindat kindat effect pa haysst chickboy talaga , yung dalawa naman ay nagulat nung narinig yung Prince kaya agad agad isang nagbow

"Pasenya na po Prince Alix hindi po namin alam na isa kayong prinsipe" sabay nilang sabi

"ok lang hindi naman kami agad nagpakilala" sabi nitong si Alix "Oo nga" pagsasang ayon ko

"malapit na ba tayo?" tanong ko

"Opo" sagot ni Red "sa left hallway po ang papuntang room mo Miss Tia. Ano po pala ang kapangyarihan ninyo?" tanong niya

"ah Telekinesis" sagot ko

"sa right hallway naman ang daan sainyo Prince Alix" sabi ni Green "Elemental user po siguro kayo kasi mga elemental user at iba pang malalakas ang kapangyarihan ang mga nandyan at mga prinsipe at prinsesa rin " dagdag niya

"Oo. Earth user ako" sagot netong Alix

Tapos yun nagkankanya na kami ng daan bale kasama ko si Red at si Alix naman ay kasama niya si Green, at ilang saglit lang ay nandito na kami sa tapat ng pinto ng room na tutuluyan ko

"ahmm nga po pala miss Tia may kasama po kayo sa loob bale 3 tatlo po kayo. Tanging mga Elemental users at makakapangyarihan lamang ang may sarisariling room. Sige po maiwan na po kita pasok na po kayo sa loob." tapos umalis na siya

Ako na naman ay kinakabahan akong pumasok sa loob, hawak hawak ko na yung doorknob at ilang sandali lang ay binuksan ko na yung pinto. Pagkabukas ko ay may dalawang babaeng nakatayo sa harap ng pintuan

"Hello/Welcome!" sabay nilang sabi na excited na excited yung mukha, ako naman ay nagulat lang

The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon