2

46 7 0
                                    

"Momm—"hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil sa nakita ko

"o-oh na-nariyan ka na pala anak he-he" sabi ni mommy na nauutal at medyo nagulat nang makita ako kaya bigla nalang bumagsak yung mga papel sa floor

"M-mom paano mo nagawa yun? Bakit lumulutang mga yan kanina" sabi ko tapos tinuro ko yung papel na nagkalat sa floor

"ah eh nagpapractice lang paano mag magic gaya ng dad mo? yun oo yun ganun nga he-he-he" sabi ni mommy na parang hindi sigurado

"eh mom hindi ka naman marunong eh! Paano mo iyon napalutang mom? Tsaka imposibleng magic naman yun eh walang magic na nakakapagpalutang" sabi ko kay mommy

"may nilagay siyang thread apo kaya lumutang mga yan" si grandma na biglang sumulpot tapos lumapit samin "heto oh, hindi mo ba napansin?" sabay pakita yung sinulid sakin

"eh wala naman akong napansing sinulid kanina mama grandma eh" paninigurado ko sakanila. Totoo naman kasi wala talaga kahit manipis yung mga sinulid makikita ko parin kasi sobrang linaw ng mga mata ko

"meron yan kanina, ano ka ba anak magic nga di ba? syempre mapapa under ka sa trick kaya hindi mo napansin" sabi ni mommy

"oo nga naman, oh siya sige maiwan ko na kayo jan at may gagawin pa ako" pagsasang ayon naman ni grandma tapos umalis na

"mommy naman eh, sige na nga magic na kung magic pero inferness mommy ha ang galing nun pwede na kayong magpartner ni dad sa shows niya." Sabi ko nalang. Hays sigurado talaga ako na walang sinulid yun

"hmm ikaw talaga" sabay himas sa ulo ko "sige na magbihis ka na't magpahinga ka muna. Magluluto lang ako ng dinner natin"

"sige po" tapos umalis na rin ako at nagdiretso sa room ko

~~
Amanda POV

(Hello! Ako ang mommy ni Tia, Amanda Merideth-Esmelock tapos si Larissa Merideth naman yung mama ko yung grandma ni Tia , yung kanina)

"Ma, thank you kanina muntikan na tayo dun" sabi ko may mama na nakaupo sa couch na nanonood sa malaking flats screen tv (oh diba yaman)

"hay nako mag iingat ka nga baka mamaya mahuli tayo ni Tia" sabi ni mama "ay nga pala hindi na masyadong tumatalab yung spell na nilalagay ko kay Tia, dapat bantayan natin siyang maigi nararamdaman ko na yung paglabas ng kapangyarihan niya" sabi pa niya tapos lumapit sakin

"sige ma, sasabihin ko kay Tim eto" ako (Tim - daddy ni Tia, Timothy Esmelock na kasalukuyang magician)

"Ma, ano palang gagawin natin sa oras na lumabas na yung kapangyarihan niya?" dugtong ko

"hindi ko pa alam anak, siguro ipaliwanag nalang natin sa kanya ng maigi. Basta bantayan nalang natin siya"

"sige ma"

~~Tia POV

"haysss" I sighed tapos sumalampa na ako sa kama ko

"kakaiba mga nangyari ngayong araw na to, una yung day dream ko na parang as in totoo tapos pangalawa yung kay mom hayssssss" sabi ko sa sairili ko

Yung ginawa kanina ni mom, nakita ko na yun noon sakanya rin pero hinayaan ko lang ta baka kasi namalikmata lang ako.  Meron pa nung kay Alix naglalaro kami noon nang nabiyak yung ground pero sabi niya dati na raw yung cracked. Tapos ngayon ganun ulit yung kay mom pero this time tinanong ko na siya dahil curious na ako at gusto kong malaman kung ano ang totoo

~~Flashback

I was 8 before, naglalaro kami ni Alix sa playground ng village namin noon. Oo bata palang kami magkakilala na kami ni Alix Monterra 9 y/o siya noon at magbestfriend din kami . Pero sa ibang village sila nakatira malayo sa amin dumadalaw lang sila sa amin kasama niya mommy niya kasi magkakilala sila ng family ko. Hindi pa rin ako nakakapunta sa kanila hanggang ngayon, gusto ko pumunta kaso ayaw ni mommy kasi raw masyado raw malayo, at naintindihan ko naman.

"Tia punta naman tayo ngayon sa treehouse na yun oh" sabi ni Alix sa akin tapos tinuro niya yung treehouse na di kalayuan sa amin

"sige mamaya konti tapusin ko lang tong sand castle ko" sabi ko. After ng ilang minuto "oh yan tapos na ako tara na"

"wow! galing naman. Ang ganda" sabi niya tapos tumayo na kami at naglakad papunta doon

nang makarating kami doon

"Tia ikaw na maunang umakyat" Alix

"ayoko, kaw nalang mauna" sabi ko

"Ikaw nalang kasi babantayan kitang umakyat baka mahulog ka " pilit niya sakin

"sige, jan ka lang ha bantayan mo ako, tapos sunod ka sa akin pagnakataas na ako"

"Oo anu ka ba"

tapos umakyat na ako at nakarating naman ako sa taas ng hindi nahuhulog

"Alix ikaw naman" sigaw ko sa kanya sa baba

"Oo, diyan kalang aakyat na ako" sigaw niya rin sa akin

umakyat na siya, nung ipapating niya na ulit sana yung isang paa niya sa isang sanga bigla itong naputol kaya na out of balance siya  tapos nahulog siya pero hindi naman kataasan

"A-alix! Okay ka lang ba diyan?" sigaw ko sakanya na natataranta "wait, diyan kalang bababa na ako" tapos bumaba na ako

"Uy ayos ka lang? hindi ka ba nasaktan?" tanong ko sa kanya

"O-oo ayos lang ako at hindi ako naman ako napuruhan tsaka mababa lang nabagsakan ko" tapos tumayo na siya at pinagpag yung damit niya

"A-alix!" sigaw ko ulit sa kanya

"aray naman Tia bakit ka sumigaw?! sakit sa tenga" sabi niya na naiirita tapos binatukan niya ako pero mahina lang

"aw naman, Alix tignan mo oh nagcrack yung ground sa nagbagsakan mo" sabi ko tapos umupo ako at pinakita yung crack

"ah-eh ano ka ba meron na yan dati pa nasakto lang nung bumagsak ako, hindi mo ba napansin yan kanina?"

"ha? wala naman yan noon pa, nagkaroon lang nung bumagsak ka"

"Meron na kaya yan dati pa" pilit nya

"wala! I swear, ngayun ngayon lang yan" pagpipilit ko naman

"baka hindi mo lang napansin, tara na nga uwi na tayo baka pagod ka na" sabi niya sakin

"hmm oo na baka hindi ko lang siguro napansin" pag gigive up ko, pero wala talaga yun kanina hmmm nevermind na nga

'hooo muntik na ako dun ha' Alix bulong niya sa sarili niya

"may sinasabi ka ba? or baka may masakit sayo?" tanong ko sa kanya

"ha? wala, tara na nga" ayun at umuwi na kami

~~back to reality

"Hayy nako baka pagod lang ako kaya kung anu ano nakikita't napapansin ko, iidlip muna ako saglit" sabi ko ulit sa sarili ko at yun naidlip na ako

—————
Thank you guys for having time reading this! Hope you like it
PS.
pasensya na kung hindi kagandahan story ko at kung short lang siya, first ever long story ko kasi eto hehe

The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon