08

109 5 16
                                    

he started cooking apaka husband material naman pala netong si leo hindi nako magtataka kung bakit mabilis nyang nakuha si sab.

after 10 mins he's done he cooked a simple spam with some sauce and omelet rice medjo nahirapan pa sya sa pag gawa nyan nakakatawa pa sya tingnan nung inaayos nya ung itlog sa ibabaw ng kanin.

tinignan nya lang ako habang kumakain.

nagka eye contact kami at tinaasan nyako ng kilay habang nakangiti haaayyy ang sarap mabuhay pero nabulunan ako.

"eto tubig" alok nya sakin dala ang isang pitsel na tubig nangaasar ba'to konti nalang mapipikon nako dito

"b-baso" nabubulunan kong sinabi sakanya dali dali syang kumuha ng baso at nagsalin ng tubig kung hindi ko ba sinabi dto papainumin nya talaga ako sa pitsel gagong 'to

dahan dahan nyang hinagod ang likod ko at tumigil ng mapansin na ok nako

"tanga" sabi nya sakin at bumalik sa inuupuan

"nangaasar kaba leo kanina kapa ha" sinubukan ko syang barahin pero malakas talaga ang tama nito

"buti naman gumagana, bakit kaba kasi nabulunan muntik mo pa'ko bugahan kanina" oo nga sayang dapat pala binugahan ko na'to

"sayang nga eh, pake mo ganon ako pag busog na"

"aminin mo nalang kasi"

"na ano?" ano nanaman kayang gustong iparating neto

"na nabulunan ka kasi ang gwapo ko" wow ha pero oo nga naman pero hindi ako aamin

"masyado kang piling leo" sagot ko

"kaya nga lagi akong nasa piling mo eh" lagi talagang may maisasagot 'to kulang nalang mag miss universe 'to eh pero kinilig ako slight

"magpapahinga kapa ba o sa kotse ko na? maganda naman na yung panahon" san nanaman kaya gustong pumunta neto sulit na sulit nya ang oras naming dalawa tapos wala pa'kong ambag

"dun na tayo sa kotse mo" sagot ko sa tanong nya

agad naman itong nagbihis oo may mga damit pa nya ang naiwan sa kwarto ko.

simpleng damit lang ang suot nya puting t-shirt at sa ibabaw ay denim jacket and a black pants pagkatapos nya magbihis ay ako naman ang pumasok sa kwarto para magbihis simpleng blue dress lang ang suot ko.

"leo pst" tawag ko sakanya paglabas ko ng kwarto

"maganda ba?" tanong ko dahil tinitignan nya lang ako

"oo tara na" tumayo sya at agad akong sumunod bakit parang nagmamadali 'to

"dyan kalang kukunin ko ung kotse" sabi nya at tsaka sumibat

wala si sabrina ngayon kaya dto sya nangungulit sakin pero bakit parang naninibago ako sakanya nakakalimutan ba nyang magkaibigan kami o ganito talaga sya kumilos

natauhan lang ako sa pagiisip ng malalim nang bumusina sya sa harap ko god my soul left my body for a second babatukan ko na talaga tong lalaking 'to pwede naman nya buksan ang bintana at tawagin ako pero bumusina sya

nagmamaneho na sya ngayon parang ang layo ng pupuntahan namin tumingin ako sa oras its currently 3:24 p.m inaantok ako.

sinulyapan ko muna sya bago mahimbing na natulog

Leo's pov

20 minutes past at ngayon ko lang napansin na nakatulog si athena sa tabi ko.

ang ganda nya talaga tapos ang cute cute pa pero tulad ng bata tahimik lang sya pag tulog ang sarap makitang pikon ng babaeng 'to kulang nalang tumawa ako ng malakas nung nagulat sya sa busina ko kanina she looked pissed off when she get on my car.

balak ko syang dalhin ngayon sa taas ng bundok for her to see how beautiful the sunset is and how beautiful she is.

kanina ko pa napapansin na nakatingin sya sakin pagkatapos ko maligo at habang nagluluto ako mostly naiilang ako pag ganyan pero pag sya yung gumagawa parang naghahalo ang bituka ko sa gulo ng nararamdaman ko.

ang hilig nya 'kong pagmasdan tinatanggi nya pa na ang gwapo ko eh gwapo naman talaga ako

konti nalang at malapit na kami bakit ba puro zigzag pag bundok na ang pupuntahan malay ko dito nag engineering ako hindi naman ako road worker para malaman nakakangalay din magikot nang mag ikot ng steering wheel.

sa wakas at andto na kami sa tuktok ipinarada ko muna ang sasakyan bago ko sya tinignan

napansin kong may hibla ng buhok na nakaharang sa mukha nito baka mamaya ay magising sya kaya tinanggal ko ito.

nilagay ko ang hibla ng buhok sa likod ng tenga nya ngunit nagising na sya pagkatapos kong gawin iyon sa sobrang bilis nyang gumising ay sobrang lapit na rin ng mukha nya sa mukha ko

mukhang nagising na rin ang diwa nya dahil sa nangyari nagtinginan lang kami ng ilang segundo at sya na rin ang sumira ng katahimikan

"nasan tayo?" tanong nya

mabilis ko naman tinanggal ako seatbelt ko at lumabas ng sasakyan para pagbuksan sya ng pinto nasisinagan pa sya ng konting liwanag ng araw pag labas nya matagal ko pa syang tinitigan hindi pa'ko matatauhan kung hindi nya sinarado ang pinto ng sasakyan

umupo sya sa harapan ng kotse ko at hinihintay ang magandang paglubog ng araw

tumabi ako sakanya at hinubad ang jacket na kanina ko pang suot ginamit ko iyon para takpan ang kung anong pwedeng makita dahil nga naka dress sya tumingin naman sya sakin at hinalikan ako sa pisngi lagi nya naman ginagawa ito sakin pero hindi pa rin ako nasasanay lagi kasi akong nabibigla.

tinignan ko sya at ngumiti, ngumiti naman sya pabalik pero halata pa rin na kinikilig sya kasi namumula ang pisngi nya.

lumubog na ang araw at andto ako sa tabi nya sabay naming tinitignan ito na para bang wala ng bukas kasabay ng pag tingin nya sa araw ay nakatingin din ako sakanya nadadagdagan ang ganda nya pag nasisilawan ng araw.

Athena's pov

kasama ko sya magkasama kaming nakatingin sa pag lubog ng araw, magkasama kami.

napapansin ko syang tumitingin sakin at ngumingiti sobrang simple lang pero mapapansin mo kahit hindi ka nakatingin sakanya.

kahit anino nya lang ay nakakalimutan ko na ang mga problema ko pano pa kaya pag ngumiti sya.

"its my first sunset" pagbasag ko sa katahimikan

tumingin lang sya sakin na nagtataka kung anong ibig kong sabihin

"its my first sunset with someone leo" a special someone if you would ask

"thank god i'm that someone" leo said, you're everything leo hindi mo lang alam pero mahalaga ka sakin

"and thank god i met you athena" dugtong nya buti nalang andyan sya kapag may kailangan ako buti andyan sya bilang kaibigan, kahit kaibigan lang leo

The Story Of Us (Lover Series #1)Where stories live. Discover now