21 3 0
                                    

Annika's POV

7:00 palang ay andito na ko sa school, masyado kong maaga pumasok kasi masipag ako, at sayang naman yung mga lalaking pumapasok lang para makita ang kagandahan ko.

"Annika"

Hindi na ko nag react kung sino dahil alam ko naman kung sino yun. Yung magaling kong bestfriend na si Cass simula elementary mag bestfriend na kami nyan ewan ko ba kung bakit napagtiisan ako nyang babaeng yan

'Oh bakit?'

"Napaka sunget mo naman, umagang umaga" 

Bigla naman nya akong inirapan, aba hindi pwede iniiirapan ako. sa ganda kong to? 

"Wag mo kong irapan baka tusukin ko yang mata mo" 

"Cool ka lang ayaw ko pang mabulag"

Aba at umarte pa syang natatakot at medyo natatawa pa sya sa tingin nya matatawa ako sa ginagawa nya? Sorry cass pero  dati pa  yun. 

Yung time na mabait pa ako, masipag mag aral. 

Tinignan ko na lang sya ng masama at dun sya tumigil sa pag tawa 

"Oh ano ba kasing problema mo?"

 "Gusto kong agawin si Jared kay Hannah" 

Seryoso kong sabi habang nakatingin kay jared at hannah na naglalampungan sa hallway

"Madali lang yan, Maganda ka naman at Sexy. Konting akit mo lang kay jared ay mapapasayo na agad sya"

ngumiti na lang ako ng nakakaloko.

Hannah? sya lang naman yung sumira ng buhay ko. Oh I mean sya lang naman ang nagpa bago ng buhay ko.

Dating mabait at masipag magaral? Nayon ay Malandi at mahilig mag cutting classes. 

-

Nakita ko yung boyfriend ko nakikipag halikan kay Hannah, hindi nila na pansin na nasa harapan na nila ako. dahil sa sobrang landi nilang dalawa ay tuloy pa din sa pag hahalikan

Hindi manlang nahiya sakin ang mga putangina. akalain mo yun, minsan na nga lang ako magmahal lolokohin pa ako? pwes humanda kayo. 

Hindi na ako yung mabait na Annika, Sorry sinira nyo ang buhay ko. binago nyo ako.

Si Hannah Clarice Martinez  lang naman ang lumandi sa boyfriend kong si Jaydan Josh Bautista. 

Humanda kayo sa pag hihiganti ko Hannah Clarice Martinez. 

Kung kaya mong mapasayo ang taong mahal ko pwes mas lalo na ko. Kaya kong agawin ang taong pinakamamahal mo

-


Tumawa na lang ako ng patago. Bibigyan kita ng ilang araw magpakasaya Hannah Clarice Martinez at pagkatapos nun ay masisira na ang buhay mo.

"Annika Let's Go" 

Bigla bigla na lang akong hinila ni Cass ano bang problema sa babaeng to? 

"Oh saan naman tayo pupunta?"

Tanong ko sa kanya at nakahawak padin sya sa kamay kong maganda.

"Malamang sa classroom"

Nakalimutan ko may klase nga pala kami, kaso mukang tinatamad akong pumasok ngayon eh.

"Parang ayaw kong pumasok"

Napatigil naman sya sa pag lalakad at tumingin sakin na nakakaloko 

"Mall tayo?"

Tanong ko sa kanya at ngumiti naman sya sakin

"Tara"

Cold nyang sabi sakin at tumakbo na kami papuntang parking lot at baka may maka kita pa samin.

yung sasakyan ko yung gamit every time na mag cu-cutting kami.

pinaandar ko na ng mabilis yung sasakyan ko para hindi na kami maabutan ng guard, Dont worry sanay ako dahil nakikipag karera ako kung kelan ko gusto.

Proud naman si dad sakin kahit loko loko ako. Oh diba hulog ng langit ang magulang ko. Yeah si Dad na lang natitira kong magulang, nawala si Mom dahil sa isang accedent and Hindi pa nga ako ginagawan ng kapatid ay kinuha na sya ni God

Kaya kahit anong kalokohan o katarantaduhan ang gawin ko ayos lang sa kanya dahil ayaw nya kong mawala. Busy sya inaalagaan ang company namin

-

[Mall]

Pumasok na kami ni Cass sa loob bago pa magiba ang isip ko.

"Saan tayo ngayon?"

tanong nya sakin at nililibot ang tingin sa mall

"Salon na lang muna tayo'

tumango sya at naglakad na kami papuntang salon, papaayos ko lang yung buhok ko dahil medyo dry na din.

Kailangan palagi akong maganda. Dahil since birth ay maganda na talaga ako, habang inaayos na ang buhok namin ni cass ay nag kwe-kwentuhan lang kami.

Ilang minutes pa ay natapos na din kami, nag bayad na kami at lumabas sa salon. pumunta na kami ng department store dahil kailangan nanaming bumili ng bagong damit.

Mahilig kasi kaming mag bar pero mas mahilig saming dalawa ay si Cass. 

Pumili na ako ng damit ko, mahilig ako sa kulay red at pang sexy na damit. ayos lang naman dahil maputi naman ako at sexy kaya bagay lang talaga sakin yung ganong suot.

"Annika anong mas maganda eto or eto?"

tanong sakin ni Cass habang nakataas yung dalawa nyang kamay na may dalawang dress

"Bilin mo na yang dalawa tutal parehas namang maganda"

Tumango naman sya at ako patuloy padin nag hahanap ng damit

-

Madami na kaming napamili, ang dami kong bit bit na shopping bags at wala na kong choice kung di' ilagay ito sa likod ng sasakya ko.

Ganun din si Cass madami din syang napamili. kaya nilagay nya din yun sa likod ng sasakyan ko.

"Hatid na kita"

sabi ko sa kanya at nag drive. ayos lang yung sasakyan nya dun sa school dahil kinukuha naman ng driver ng daddy nya yung car nya

"Thanks Annika"

kiniss naman ako sa cheeks ni cass at kinuha na nya yung mga pinamili nya at pinabitbit sa katulong nila

"No problem"

-

A/N: Hello :) may nag babasa po ba? sana meron. Dont forget to vote my story. Kamsa

UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon