forty-seven

42 2 2
                                    

Cipher's

"Ba't dito mo ako dinala?" pagbabasag sa katahimikan ni Amarah.

"No specific reason at all" sagot ko sa kanya "Gusto ko lang pakinggan yung hampas ng alon at panoorin ang buwan kasama ka" dagdag ko pa.

Kitang kita ko kaagad yung pamumula sa kanyang mukha. Ang cute cute talaga ng girlfriend ko. Kung noon, hindi ko maipakita yung tunay kong nararamdaman sa kanya pero ngayon, malayang malaya na ako.

Amarah is the only woman I love ever since we were still kids. Bukod kay mama siya lang yung nakakaintindi sa'kin. Puno man kaming dalawa ng kalokohan pero isang tawag ko lang sa pangalan niya tuwing sa may problema ako ay agad ko siyang nasasandalan.

I never love any girl like how I love my woman. I will try my best to take care of her till the end. Nasa akin na yung dyamante eh papakawalan ko pa?

Hmm..that won't happen.

"Langga" mahinahong tawag ko sa kanya.

"Hmm?" sagot nito saka tumingin sa'kin.

Our Secret Relationship (COL Series #10)Where stories live. Discover now