Prologue

29 3 2
                                    

Taong C003, nagtipon ang buong mundo upang magkaisa na umalis sa Planetang Earth. Isang proyekto ito ng mga scientist upang mailayo ang nakararami sa nakamamatay na polusyon dala ng isang malaking meteoroid na tumama sa mundo. Ang MTD o Matter Transportation Device ay ginawa ng mga scientist para makarating sa Earth-Like Living Planet, ang Planetang Crystalia.


    Taong C000, nang madiskubre ng mga scientists ang Crystalia. Punong-puno ito ng mahika at malaki ang pagkakahawig nito sa Planetang Earth. Ang mga hayop na iba sa ating paningin, mga dyamanteng puno at halaman at mga taong may taglay na kapangyarihan. Ito ang pangunahing nilalang na nakatira dito bago pa man dumating ang mga tao sa Earth.


    Taong C005 nang dumating lahat ng tao ng Earth sa Crystalia. Maraming tao ang namatay, dahil hindi kinaya ang MTD. Halos 12% lang ang ligtas na nakarating. Nagkaroon ng dalawang klase ng tao sa Crystalia. Ang Eras, human from Earth at Crysts, human from Crystalia. Nagsimulang masanay ang mga Eras sa Crystalia kasama ng ga Crysts. Sila ay namuhay ng maayos sa bago nilang mundo.


    Ang mga Eras ay naging parang alipin ng mga Crysts. Sila ay naging magsasaka, trabahador o di kaya katulong ng mga Crysts. Hindi sila nagrereklamo dahil sila ay maituturing na "nakikitira" lamang sa bagong mundo. Hindi rin nila magawang magrebelde dahil takot sila sa kapangyarihan ng mga Crysts.


    Ngunit sa isang kaharian, ang kaharian ng Aurora, ang Hari, Reyna at mga Prinsipe ay mabubuti sa mga Eras. Sila ay binibigyan ng magandang trabaho at masayang buhay. Sina Haring Lucio at Reyna Marietta ay ang namumuno sa Aurora. Sila ay mga Crysts na may dalawang anak na lalaki, sina Prinsipe Proteus at Prinsipe Apollo. Dahil dito, naging masagana at maunlad ang kaharian ng Aurora.


Nagbago ang lahat nang mamatay si Haring Lucio at maging hari si Prinsipe Apollo. Pinapatay niya si Reyna Marietta at ipinatapon si Prinsipe Proteus, ang sarili niyang ina at kapatid. Nagrebelde ang mga Magicians sa ginawa ni Apollo kung kaya't sila ay nagdeklara ng digmaan.


Matapos ang digmaan, nanalo ang mga Magicians ngunit nawala sa mapa ang Kaharian ng Aurora na parang bula. Nagtayo naman dito ang mga Magicians ng isang Magicians' Family, ang Polygian.







——————————————————————-

Author's Note :

Hello! Ito ang Prologue ng Golden!

Medyo matagal ang paguupdate ko nito pero kapag nagupdate naman dalawang chapter agad. Siguro every Monday ang update kaya next Monday na ang Chapter 1 & 2 :)

Please Vote & Follow! :)


H A P P Y - R E A D I N G!


-Zparky.Z ☪

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

GoldenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon