Kathryn's Pov"Aray! Aray! Ano ba Kim!? Wala ka na ba talagang ibang gawin kundi ang bwisitin ako!? Ha!?" kusot mata kong sabi sa kapatid ko.
"Naman si Ate. 7:00 na oh. Nagugutom na ako" nakapout pa na sabi nya. Argggh! Naiinis talaga ako dito sa kapatid ko.
"Eh yun nga eh. 7 pa lang. Dapat tulog pa ako. Hindi mo ba alam na puyat ako kagabi!?" giit ko.
"Hindi po. Wala ka namang sinabi eh" napalingon ako sa inasal ng kapatid ko. Juice colored. Ganito ba ang natututunan nito sa eskwelahan nila?
"Ganyan ba ang natututunan mo sa eskwelahan mo ha? Umalis ka na nga. Inaantok pa yung tao eh" pinagtulakan ko sya palabas ng kwarto ko.
Asdfghjkl. Inaantok pa po ako. Hustisya Puhlease. -____-
Okay magpapakilala muna ako. Kathryn Diere Roswell Here. 17 years old. Half Filipino and Half Korean. Mabait ako sa taong mabait sa akin. Suplada sa taong hindi marunong makisama. Plastic ako sa taong plastic sa akin. May kapatid ako, si Kimverly Roswell. Half din yan katulad ko.
"Nak, baba na kakain na" sabi ni Mama.
Pumanik muna ako sa cr bago bumaba. Hays. Pagkatapos ay nagbihis na ako ng isang plain white t-shirt at maong na short.
"Goodmorning Pa, Goodmorning Ma" at nagkiss ako sa cheecks.
"Ako walang goodmorning?" singit nung kapatid ko.
"Goodmorning Panget" sabi ko. Inirapan naman nya ako. "Goodmorning din sayo mas panget" nagtawanan naman kami. Ito talagang kapatid ko, ayaw magpadaig. Hahaha.
Pagkatapos namin kumain ay dumiretso ako sa living room. Manood ako ng korean novela.
Naghahanap ako ng CD ng may isang bagay sa nakapukaw sa akin. Isang stationary na maliit na pang-lalaki ang design.
Bubuksan ko na sana ng bigla akong gulatin ni Kim.
"WTF!" malakas na sigaw ko habang si Kim eh tumatawa.
"What happen?" alalang tanong ni Papa. Umiling lang si Kimverly at umalis na si Papa.
Naiinis na talaga ako. shemms.
Magsasalita sana ako ng may biglang sumigaw sa gilid.
"KD tara na." Julia Montes, isa sa aking mga bestfriend.
"Para kang kabuti bigla bigla na lang sumusulpot. Mamaya magbibihis pa ako" giit ko at umakyat sa kwarto. May lakad nga pala kami ngayon ni Julia. Tsk. Nakalimutan ko pa.
"Aba KD uso bilisang magbihis ha? Bagal mo para kang pagong. Tell me, nilamon kana ba ng kwarto mo" reklamo ni Julia sa labas.
"Oo na. Andyan na. Para kang manok putak ka ng putak." sigaw ko sa kanya pabalik.
Julia's Pov
So ang pasaway talaga ni Kathryn. Ang usapan is 8 para hindi ma-late. Hmp. Well, Julia Montes here. 17 years old. Bestfriend ni Kathryn. Actually isa kaming barkada. Kaya lang wala pa sila hahaha. Kukupad kasi. Jk.
"Hay. After 99999 years, nakalabas ka din" excited na sabi ko. Inirapan lang ako ni Kathryn. Ayaw nya kasi ng ganun.
"Ma, Pa. Alis na po kami" sabi ni Kathryn kina Tita at kumiss kami sa cheeks.
Kathryn's Pov
Alam kong nag-aalala sila pero I don't freaking care. (wink) Jk. Kaya ko na naman ang sarili ko at hindi ko na kailangang ibaby-baby pa. Duh. 17 years old na kaya ako at hindi na ako bata.
Nakarating na kami sa resort.
"Sabi ko na nga ba dito tayo pupunta eh. Yung totoo, mahal mo pa?" bulalas ni Julia. Actually nandito kami sa resort ko. Oo resort ko, dito nangyari ang aking unang heartbreak. Mahal ko pa? Of course not.
"Nagpapatawa ka ba Julia? Malamang resort ko ito kaya pupunta ako dito. At kung mahala ko pa? Hahaha. Nah. " yun na lang ang nasabi ko at binigyan niya ako ng 'okay' look.
"Pasaway ka talaga!" bulong nya pero pakinig ko. Oo, pasaway talaga ako. Kaya tanggapin nyo.
Umorder na lang si Julia. Hindi pa daw kasi sya kumakain eh.
"Ikaw anong gusto mo?"
"Ice tea na lang sakin Juls. Busog pa ako Juls eh"
Sinabi nya yung order nya sa waiter. Nilibot ko yung tingin ko sa resort. Nanlaki yung mata ko sa nakita ko. Shit. He's here.
"OMG Juls. Nakikita mo ba ang nakikita ko?"
"Ha? Hindi eh. Saan ba?" tinuro ko sa kanya. "OMG. Your ex" sabi nya. Yep. My Ex. My ex boyfriend who broke my heart.
"Anong plano mo?" napatingin ako sa kanya.
"Just watch and learn!" nag-wink ako sa kanya at tumayo sa kinauupuan ko.
Ayan kasi nagpakita ka pa. Let's put your life into hell.
"Hi Khalil" malambing na sabi ko. Halatang nagulat sya pero binawi nya agad yun.
"Oh Hello there Kathryn!" sabi nya in a seductive voice. Yuks!
"Yeah. How are you?" sabi ko sa kanya.
"I'm o-okay. Anong ginagawa mo dito?" aba! At sya pa ang nagtatanong kung anong ginagawa ko dito? Sapakin ko kaya ito.
Tiningnan ko sya ng mata sa mata. "This is Mine. Akin tong resort na to. Kaya anytime at anywhere nandito ako. Eh ikaw anong ginagawa mo dito?" sarcastikong sabi ko.
"Hey. Don't you dare to treat my boyfriend like that." singit nung babae na kasama ni Khalil. Tsss. Boyfriend pala huh.
"And don't you dare na makisabat ka sa usapan ng may usapan. Hindi ka na nga maganda bastos ka pa te." akmang sasampalin ako nung babae pero pinigilan siya ni Khalil.
"Wag mo syang patulan, babe" Babe? yucks! Pangit na babe.
"Hindi mo man lang ba ako ipapakilala Khal?" sabi 'ko. Pinagpapawisan naman siya.
"Hmm. Kathryn meet Liza, Liza meet Kathryn. My... " "ex girlfriend" dugtong ko. Diniinan ko talaga yung 'Ex'
Nag smirk naman yung Liza. "Oh I see, kaya pala habol ka ng habol sa boyfriend ko. Sorry girl, akin na siya" asar na sabi nya sakin. Eh kahit isaksak mo pa yan sa baga mo never kong aagawin yan.
"Ah. Masaya ka na nyan?" nang-iinis na sabi 'ko.
"Yah. Sorry girl wag mo na siyang mahalin kasi hindi ka niya mahal. He's mine now, he's mine and never be yours" Aba! Eh di isaksak mo sa baga mo. Mine ka pa dyan. Agawin ko yan eh.
"Shit. What fcvk are you doing?" sigaw ni Khalil. Bakit? Binuhusan ko lang naman sya ng lemon juice.
"How dare you bitch. What are you doing!?" akmang sasampalin nya 'ko pero agad kong kinuha yung cake na may nakasulat na 'Happy Anniversary Bhabe' at hinampas ko yun sa mukha nya. Ang gandang anniversary.
"You will pay for this bitch." sabi nung babae bago umalis. Pay for this!? Kulang pa yan mas bitch.
"At ikaw. Sayang ang pogi mo pa naman." Tinaas ko yung kwelyo niya. "Sorry pero yan ang bagay ko sayo" mas lalo pa akong lumapit sa kanya. "Masyado kang timer at manloloko." For nth time binuhos ko ulit sa kanya yung isang lemon juice. Bago ako tumalikod bumulong ako sa kanya, "Goodluck pero hindi pa tayo tapos" at ngumiti ako ng nakakaloko.
Ayan kasi, binangga mo ang Miss pasaway, dahil sisiguraduhin kong hindi kayo sasaya kapag nandito pa ako.
--
Nyehehehe. Hi Sa Mga Pasawayers. Joke. Sana po magustuhan nyo. Votes at Comments po kayo guys.