Happy reading po xx
---------
DALAWANG araw ang lumipas ay nakauwi na nga sila ni Jones. His first name is Alexander pero dahil nga pareho silang nasa military ay nasanay siyang tawagin itong Jones.
Napagkasunduan nilang dalawa na tumanggap ng assignment habang nasa Pilipinas. Balak niyang pakiusapan ang Kuya Brent niya tungkol doon kaya nga sa Headquarters ng pinsan siya dumiretso imbes na sa mansiyon. Si Jones ay may kinailanganing puntahan kaya naman mag isa lang siya pumunta.
Hindi pa masyadong magaling kaya naman wala siyang balak sumabak sa matinding misyon ngayon. Pero mukhang hindi madadala sa pakiusap ang pinsan niya. Kailangan pa ata niyang gamitan ng secret power niya.
"Fine, kung ayaw mo naman kaming i-recruit ayos lang. Pwede naman akong bumalik sa Camp. Well---" Niyuko niya ang bewang na bakat ang benda sa tapat ng sugat niya. She's wearing a fitted top underneath the black leather jacket. "Kita mo naman magaling na ako. Pwede na kong sumabak sa kahit saang gera."
"You consider that fine?" Inilang hakbang nito ang distansiya niya at nakakunot ang noo na itinaas ang suot niyang damit. Exposing her wound. Hindi pa tuluyang naghihilom iyon kaya naman may dugo pa ang benda niya.
"Yeah? I mean, I can still fight."
"You're crazy. Mental level. Hindi papayag si Dad na bumalik ka sa Camp." Inayos na nito ang damit niyang bahagyang nagusot dahil sa pag galaw nito. Humakbang na ito pabalik sa upuan kung saan ito nakaupo kanina. Nasa loob sila ng office nito. Tumayo siya sa pagkakaupo at lumapit sa pinsan.
Kunot na kunot ang noo nito na para bang isa siyang malaking stress para rito.
Sumandal siya sa edge ng mesa nang makalapit na siya rito.
"Your call, bibigyan mo ko ng misyon dito or babalik ako sa Camp?" She sweetly smiled at her cousin knowing na siya ang panalo ngayon at wala itong magagawa kung hindi ang pag bigyan siya.
"Nakakainis talaga ang ugali mong iyan. Bratinella." Binuksan nito ang cabinet na naka attached sa mesa nito at may kinuhang folder doon at iniabot sa kaniya.
Inabot niya 'yon at binuklat isa isa ang pahina.
Pagkasa pa lang sa pangalan na nasa unang pahina ay nangunot na agad ang noo niya.
"Dela Fuente? Easton?" Of course, her cousin knew the guy. Kaibigan ito ng napangasawa ng Ate niya. At syempre ang gulong kinasangkutan niya apat na taon na ang nakararaan. Ito ang groom to be ng kaibigan niya.
Brent leaned his back and crossed his arms. Pinanliitan pa siya nito ng mata.
"Hmmm, still into that guy?" She immediately rolled her eyes. Even though deep down she still does. Kaya nga naging interesado siya bigla diba?
Bwisit, bakit ba kasi kahit nag uumapaw ang galit nito sa kaniya parang hindi man lang nabawasan o lumipas man lang ang nararamdaman niya rito.
"So, ano nga? Bakit kailangan niya ng serbisyo mo?" Lexa tried to hide her feelings by making her voice sharp. Sige, kaya mo 'yan. Magpanggap ka lang.
Fake it until you make it daw sabi ni Rihanna, diba?
"Actually, his mother was the one who needed our service. Easton's doing something, he's self- investigating Jessica's case. But not only that, last week daw kasi may naka engkwentro ang anak niya. Tinambangan, tinakot daw na itigil na ang ginagawa nitong pag i-imbestiga. Pero imbes daw na tumigil si Easton he becomes more eager. Kaya nag alala ang ina niya, so she called and ask someone who can guard her stupid son." She pressed her lips together.
Hanggang ngayon pala hindi pa rin ito tumitigil. Hindi pa rin ito sumusuko na bigyan ng hustiya ang pagkamatay niya.
Huminga siya ng malalim para pigilan ang pag agos ng mga alaala sa isip niya.
"I'll do it. Besides, it's entirely my fault kung mapapahamak siya. Not on my watch."
"Kung ako lang, wala naman akong pake riyan. Baka ako pa ang bumaril sa kaniya kapag nagkita kami. Isang malaking gago eh." Dama niya ang galit ng pinsan para sa lalaki. Halos buong angkan nila ay ganon, si Easton kasi ang una sa listahan na sumisi sa kaniya noon. Nakulong pa siya dahil sa mga akusasyon nito.
"Kuya, tapos na iyon. Wala tayong magagawa kung anong gusto niyang paniwalaan, he was hurt. He wanted someone to pay for Jess' death. Hindi natin siya masisisi." Sambit niya, kahit sa sarili hindi niya maiwasang isipin kung sapat nga bang rason iyon para maging ganon ito sa kaniya.
"Lexa, he was not the only one who's hurt. Nasaktan ka rin, ang mga magulang ni Jess, pati na rin kami. Naging maayos ba? Bumuti ba ang pakiramdam niya na nilagay ka niya sa impyernong lugar na iyon? Tama bang ipasa niya sa sayo ang kasalanang hindi mo naman ginawa just to ease his pain? That's plain bullshit. Mahal mo lang kaya ganyan ka mag isip. " Sikmat nito sa kaniya. Bakas pa ang inis nito sa mukha para sa lalaking lihim niyang minamahal ilang taon na ang lumipas.
Yeah, mahal nga niya si Easton. She had been in love with him for what? 6 years?
Nauna niyang makilala ang binata kaysa nakilala ito ni Jessica. Nagulat na lang siya isang araw na ipinakilala nito sa kaniya ang binate bilang kasintahan nito.
She was stunned. And.....hurt? Kung nagkaroon lang siya ng lakas ng loob noon na mag tapat kay Easton edi sana wala siyang pagsisisi.
Pero naisip niya, kahit naman mag tapat siya walang mangyayari. Hindi siya ang tipong babae ni Easton. Kahit sabihin na gusto niya lang sabihin ang nilalaman ng puso niya ay hindi niya naman maitatangging umaasa pa rin siya. Na baka magustuhan siya nito kapag nagtapat siya.
Pero ngayon na iniisip niya.
Jessica and her are like a totally different thing.
Jess was like a fresh flower. Your favorite shirt, na sobra 'yung pag aalaga mo kasi gustong gusto mo. She was bubbly and down to earth. Parang malabo na hindi ito magustuhan nino man. She was the sweetest person she knew.
Kaya nga hindi na siya nagtaka kung bakit ito minahal ni Easton. She saw how happy he was with Jess. Para bang bigla nagkakakulay ang mundo nito, natural na umaaliwalas ang mukha pagkakita sa kaibigan niya. Laging may matamis na ngiti na nakahanda para rito.
Tapos kapag nakikita siya, syempre maghahanda siya ng ngiti para sa binata. Tapos ang sukli nito sa kaniya madalas ay tango lang. Kapag hindi nakikita ni Jess ay pasimangot itong nakatingin sa kaniya.
Hindi niya alam kung dahil ba sa pananamit niya, or sa gesture niya. Parang pilit na pilit itong pakisamahan siya. Napipilitan lang dahil kaibigan siya ng girlfriend nito.
Napabuntong hininga siya at diretsong tumingin sa pinsan niya, "No. I don't love him anymore." Gusto niyang kurutin ang sarili sa pagsisinungaling niyang iyon.
"Yeah, at pangit ako." Natawa na lang siya sa pasaring nito. Bakit ba hindi niya kayang lokohin ang lalaking ito?
![](https://img.wattpad.com/cover/282561471-288-k908148.jpg)
BINABASA MO ANG
COMMANDO 2: Alexa Willow
RomanceLexa was living a supreme lifestyle. Blooming career, a loving family, cheeky friends, and all the best things in life. Not until her best friend, Jess, was raped and killed. She was framed as the culprit's accomplice. And hell, she's definitely not...