Chapter 3

8 1 0
                                    

Hi, lovies! Here goes chapter 3 hehe. Been gone for months huhu but ito na siya finally. Medyo busy lang with acads.


Alexa Willow

PAGBATI mula sa mga tauhan ng HAWK ang bumungad sa kaniya pagbalik niya roon kinabukasan. Ito ang pangalan ng organization na pinamumunuan ng Kuya Brent niya ngayon. Hindi niya masabing under ito ng government dahil hindi tumatanggap ng kahit anong utos ang mga ito mula sa gobyerno. Yes, the government knows about it but that's it. Wala itong kapangyarihang o karapatang kontrolin ang mga ito. The government can also hired them to finish a job, but usually, mga personal na indibidwal ang kumukuha ng serbisyo ng organisasyong iyon.

Ngayon daw sila magkakaroon ng briefing para sa case ni Easton, personal daw siyang kakausapin ng ina nito. Kaya naman hindi muna siya umuwi sa kanila at nag check in na lang sa isang hotel na malapit dahil sigurado siyang hindi siya makakaalis dahil sa mga pangungulit ng dalawang kapatid niya. Hindi siya magkakaroon ng pagkakataong pumunta sa HQ. Hindi pa nga rin alam ng pamilya niya na nakauwi na siya. Kagabi pa siya hindi mapakali, galit din ba ito sa kaniya? Hindi siya nagkaroon ng pagkakataong makausap ang mga ito noong nasa Pilipinas siya at on going ang kaso. Pero kung sa kaniya tatanungin, Easton's parents must be mad. Siya lang naman ang dahilan kung bakit naging miserable ang buhay ng anak nga mga ito. Siya rin kaya ang sinisisi ng mga ito gaya ni Easton?

Naging marahas ang paghinga niya. Sandali siyang tumigil upang kalmahin ang sarili.

Calm down. Show no beat.

Nang matapos sabihin ang mga salitang iyon na naging mantra na niya sa tuwing hindi siya mapakali ay kumalma siya. Apat na taon, sa panahon na iyon ay natuto na siyang itago ang sakit. Ang pangamba. Ang takot. At ang hinanakit sa taong lubos niyang minahal.

Before she flees and escapes, she receives several sessions to treat her PTSD. Nakaligtas man siya sa mapait na pangyayaring iyon ay pakiramdam niya nasa hukay siya.

"Commando, we've been waiting." Boses ni Jones ang nagpabalik sa kaniya sa reyalidad. Nauna na pala ito sa kaniya. Gusto niya rin kasing isama ito sa paghawak ng case ni Easton.

She's ready. Panahon na para linisin ang pangalan niya.

"Nandiyan na ba siya?"

Tumango ito at naglakad na kaya naman sumunod na siya, "Galing ako sa pag iikot sa buong facility, tinawagan lang ako ni Brent para sabihin na pumunta na ako. This organization is beyond my expectation. Mukhang hindi naman tayo maiinip."

Hindi na niya napigilan mapangiti dahil sa tinuran nito. Bigla ay gusto niyang ipagmalaki na dahil iyon kay Brent. Na ganon ito kahusay.

"I know right." Nasa harap na sila ng glass door kaya natanaw niya ang isang may edad na ginang at ang pinsan niyang si Brent. Umiinom pa ng kape ang ginang na sa tingin niya ay talagang inantay sila bago nagsimula.

Marahan niyang tinulak ang pinto, agad naman iyong napansin ng dalawang tao sa loob na nag aantay sa kanila. Lumingon ito sa kaniya na sinalubong naman niya ng tingin.

Walang pinagbago ang itsura nito. Naalala niya ang mga panahong sumasama siya kay Jess sa pagbisita sa mga magulang ni Easton. Giliw na giliw siya sa Tita Clara niya, ang ina ni Easton. Likas kasi na mabait ito sa kaniya, bagay na bagay dito ang pangalan nito.

Humakbang siya at pumwesto sa katapat nitong upuan, si Jones ay nasa tabi niya na katapat naman ang Kuya Brent niya.

Ibinaba nito ang tasang hawak at mabining tumayo. She looks at her as if she missed her. Na para bang nabunutan ito ng tinik nang makitang okay siya. Magaan ang tingin nito sa kaniya na para bang ano mang oras ay iiyak sa tuwa o sa pag aalala. Hindi niya sigurado.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 20, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

COMMANDO 2: Alexa WillowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon