May project akong ginawa kaya nagpa-iwan ako sa school. Wala na yatang tao kundi si manong guard.
Gumanda-ganda ang aking project. Napansin ko rin na kumukulo na yung tiyan ko.
Lumabas ako ng school dahil may malapit na 7/11. Tatawid lang eh.
Bumili ako ng kitkat, mogu-mogu, tubig na sobrabg lamig at marami pang iba, dun na rin ako kumain. Ang tahimik kasi sa room.
Pagkatapos kong kumain ay dumiretso sa ako sa room.
Habang nasa daan at may nakita akong tao. Mukhang si.....di ko matukoy ee.
Paparating siya. Di ko pinansin kasi parang si manong guard lang.
Nakayuko akong naglalakad, nang biglang may nakabunggo ako. Dala-dala ko pa naman yung mga gamit ko. Nahulog lang lahat.
"Sorry. Sor~~" napatigil ako nang makilala ko kung sino yun. Si Khyun!
Ang super duper crush ko!!!
Walang kibo siyang umalis. Nilingon ko siya. Ang bilis niya maglakad. Pumunta na ako sa room at bakita ko siya. Di na ko masyadong nabigla.
"Hi!" Dun, nabigla ako ng kinausap niya ako.
"A-ako?" Tanong ko.
"Nope, sya. *turo sa pinto* of course you, ikaw lang tao dito." Sabi nya
"Sabi ko nga." sagot ko naman.
Ginawa ko ng tahimik ang project ko. Habang si Khyun naman ay nagbabasa.
"San ka magbabakasyon?" Putol ko sa katahimikan.
"Kakaumpisa pa lang ng school year, bakasyon agad?" Pagpi-pilosopo niya.
"E diba ang school year ay dapat school month lang ang tawag dahil 3 months lang ito?" Sabi ko naman ng walang preno. Ang alam ko kasi ay 3 months lang ang pasukan.
"Well, magbabakasyon ako sa Zambales." And, finally sinagot niya ren.
"Bakit sa Zambales?" Tanong ko ulit.
"My memories are there." Yung utak mo nandun? Joks, kurney.
"Ah, k"
Pagkatapos kong gawin ang project ko nakita ko ang text ni mommy.
----------------
Nak, anong nangyari sa inyo ni Ki? Nag-away ba kayo? Bakit sya nasa ospital? Na-steress?
----------------
Gulat naman ako sa sinabi ni mommy kaya tumawag ako sa kanya at ang sabi niya ay nasa St. Luke hospital daw si Ki.
Nasa emergency room sya.
"Asan sya???" Tarantang tanong ko sa iba.
"She's been kidnapped by the Mafias." Sabi nung isang secret na ninja doctor sa st. Luke.
"Mafias? Pero, ninja sya. Di sya pedeng madefete basta basta." sabi ko ng paunti-unting lumalakas ang boses.
"Marami sya masyadong na-lose na energy from her practices kaya nanghina sya at the end of the battle." -doc
"Is this still a practice?" Tanong ko.
"As I said a while ago, she's been kidnapped. Kaya it's not. It's an emergency attack." Sabi uli ni doc.
Nanlaki ang mga mata ko. Bakit ko sya pinabayaan?
---------------
Hey! Maga-update lang po ako tuwing Sunday and Saturday.Thanks for reading!
Xoxo,
Ched
