Sumabay naman sa kaartehan ko itong driver namin, umandar ba naman ang kotse habang nakasandal ako at ginagawa ko ang walling.
"But don't worry kasi may mga ab~~~~~"
"Hoy! Jasumin, tara na!"
Bye! Narinig ko na ang sigaw ni Ki eh.
>>>>>>>>>> Sa Classroom
So as I was saying, may ab~~~~~
"Good morning class!" Sabi ng teacher namin.
"Good morning po Teacher!" Sigaw naman namin.
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko (=_=)
>>> 50 minutes later
Ok, no worries kasi meron akong ability.
[A/N: Sa wakas! Nasabi mo rin kung ano ang sasabihin mo.]
Ang ability ko ay ang speed at talas ng mata, pandinig, pangamoy at panglasa.
Nakita ko agad na magda-drive na si manong Driver kaya napaiwas ako agad. Ang mata ko ay parang may x-ray na pedeng makita ang lahat ng nasa loob at kung ano-ano pa ang nasa isang bagay.
May powers rin ako. Ang ma-control ang mga ordinaryong tao at ang gumawa ng apoy.
Madami kaming kayang gawin.
Nag-aaral nga pala kami sa isang private school. As in literal na private.
Ang school na ito ay para lamang sa may mga abilidad na tao. Gaya ko. May kapangyarihan kami at tinuturuan kaming gamitin iyon. Hindi lang naman mga taong may kapangyarihan ang mga nag-aaral dito, pati rin mga ninja. Gaya ni Ki, oo isa s'yang ninja. Tinuruan naman sila ng fighting skills nila.
>>>>>>>>>>> Sa Bahay
Si Ki ay nagte-training ng skills n'ya habang pinapanood namin siya. Kasama niya sa training si Lihun. Doon lang sila mag-classmates. Parehas kasi silang advanced ee.
Si Ate Ban naman ay nandun parin sa beginner ng Grade 12-Osmimum. Yes, tama ang pagkakabasa niyo. Beginner parin siya dahil lagi siyang umuulit. Ikukwento ko nalang sa inyo next ang storya kung bakit.
Ayan na! Nagsisimula nang magensayo si Ki at Lihun. Nakakexcite! Ngayon lang ako makakakita ng training ng ninja ee.
Naunang umatake si Ki. Meron siyang hawak na shuriken. Ibinato niya iyon kay Lihun pero nakaiwas siya. Tiningnan ni Lihun kung saan nanggaling ang shuriken pero alam na alam ni Ki ang gagawin ni Lihun kaya mabilis siyang nakalipat ng pwesto.
Nakita na ni Lihun si Ki. Ibinato ni Lihun ang isang maliit na dagger kay Ki pero nakaiwas siya.
Nagsimula na silang mag-away at inilabas ang katana nila. Totoo ang katana pero may mga suot na protective gears sila Ki at Lihun. Kami rin ay meron.
Ang ganda ng kinalabasan. Muntik nang matusok si Ki noon. Buti nalang at nag-time na kaya umalis na sila sa kinalalagyan nila. Sa bahay namin ay may sari-sarili kaming mga practice room sa kanya-kanyang kwarto pero nasa ibang place ang practisan ng ninja. Nasa ilalim ito ng backyard.
"Tara na!"
Sige na! Bye! Nandito na si Ki.
------------------
Thank you for reading. Alam ko po na maikli lang yan lahat kaya nagsasabi po ako na pede po kayong magbigay ng scenario para sa isang story or gumawa kayo ng story.
Sorry po sa wrong typos.
Xoxo