↬Chapter 6

19.1K 354 19
                                    

Chapter 6


Pauwi na kami galing sa dinner slash get together ng mag pipinsan. Halos mag kakasing edad lang sila kaya naman sobrang close nila sa Isa't isa. 

Lalo ko tuloy namiss mga pinsan ko.

"Bukas start recording namin may gig din ako after." aniya "Hindi ako papasok bukas, baka hindi rin ako maka uwi sa bahay " dugtong niya habang  Ang  atensyon ay nasa daan.

"Saan ka matutulog?" Tanong ko.

Nasa lap ko si Casey paniguradong inaantok na siya, I just kept her awake para mamaya mahaba ang tulog niya.

"May condo na binigay samin ang management. Kasama rin namin ang manager na maninirahan doon. They want us to live together. "

"Nathan hindi naman pwedeng—"

"I know. Alam ko yun' kaya nga ginagawan ko na ng paraan. Sa ngayon sakanila muna ako."

"Just give me time. Hindi ko kasi pwedeng sabihin ang tungkol sa inyo ni Casey. Nagsisimula palang kami sa industriya. This is my dream, once in a lifetime opportunity. Hindi pwedeng masira" aniya

Pinigilan kong lumuha. Gusto ko siya intindihin, gusto kong supportahan siya pero. Hindi ko kaya. I want him to be happy, pero papaano kami?

"Nathan may responsibilidad ka rin sa amin. Sana isipin mo ring ang nararamdaman ko—namin ng anak mo." Sabi ko bago bumaba ng kotse.

I'm also scared. Paano kung sa gitna ng pag abot niya kaniyang mga pangarap ay bigla niya kaming iwan sa ere... Maybe I need to learn something

That is, Not to depend on him. Dapat habang nag aaral ako, I should also start my online business because, what if? ughhh—I should stop overthinking


Kinabukasan ay maaga ako nagising. Gaya nang dati.

Ngayon ang dating ng taga alaga ni Casey.  Si Mama ang maghahatid sa kaniya sa bahay at mag aasikaso sa bagong katulong.

"Mama umalis na po si Nathan?" tanong ko habang inaayos ang sarili para pumasok.

"Oo nagka salubong kami. Pinakilala ko narin siya kay Mary."

Tumango ako bilang sagot.

"Bye baby pasok lang si mommy, "
sabi ko at hinalikan si Casey sa pisngi.

"Kayo na po bahala, sige po alis nako."

Pangalawang araw ko na. Pero usap usapan parin sila Nathan sa buong University.

Napa buntong hininga nalang ako. Pwede bang tigil muna? Napapa- frustrate lang ako pag naririnig ko pangalan niya.

Hindi manlang siya nag paalam kahit text lang ngayon araw.

"Alexa!" Lumunigon ako sa boses babaeng tumawag sakin.

"Sofia!!!" na excite naman ako masyado

Niyakap ko siya ka agad. "I miss youuuuuu" aniya.

"Tinext kita ah' Di mo nakita?"aniya. "Nevermind ang mahalaga nagkita tayo." dugtong niya.

Nagkamustahan lang kami ni Sofia. "Tama ang pag transfer ko dito, mas makikita kita ng madalas."

"Kelan release ng album nila?"

"Hindi ko alam"

"Bakit hindi mo alam asawa ka ng main vocalist"

"Hindi naman niya sinasabi sakin eh"

"Pwede ba ako pumunta sainyo?"

"Hindi pwede"

"Bakit hindi."

A Wife to a VocalistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon