Cassandra's POV
After reminicing the past. Nakarating na ako sa tapat ng bahay namin.
Wala pa ring pinagbago, nanatili pa din ang pagiging simple nito. Taliwas sa buhay na tinatamasa namin.
Pumasok na ako sa loob ng bahay dahil kahit naman 5 taon akong nawala ay may susi pa rin naman ako.
Pagkarating ko sa may sala ay nakita ko si manang na naglilinis. Napangiti ako ng makita ang matanda. Siya na rin kasi ang nagpalaki sakin. Kapag wala sila mama ay siya ang kasama ko.
"Manang!" sabi ko rito dahil hindi pa rin niya ako napansin.
"ay sus me, Anak! Kailan ka ba dumating? Bat di ka man lang nagpasabi na uuwi ka *singhot singhot* di man lang kita napaghanda ng pagkain" sabi nito, sa tuno ng boses nito ay alam mong naiiyak na
"Uy, manang bat po kayo umiiyak?, di po ako nagpasabi kasi gusto ko pong surpresahin kayo. Uy manang lucy wag na po kayong umiyak" pag aalo ko dito.
"e kasi ikaw e." sus, si manang parang bata kung magtampo.
"Ay, si manang ayyiiee ngingiti na yan. Ay manang andyan po ba si mama? Miss ko na po kasi siya e. Si papa po andyan ba?"
"oo andyan ang mama sa kwarto nila ng papa mo. Ang papa mo naman nasa trabaho. O sige maiwan na muna kita. Ipaghahanda kita ng makakain mo." pagpapaalam nito.
Nang makaalis na si manang ay umakyat na ako sa taas. Wala pa rin talagang pinagbago ang bahay na ito. Simple lang, hindi ganun kalakihan pero organisado ang mga gamit. Gusto daw kasi ni mama yung bahay na simple lang.
Nang makarating ako sa harap ng silid ni mama ay pumasok ako ng tahimik.
Naabutan ko itong nagtutupi ng mga nilabhan. As usual di pa rin ito nagbabago. Ginagawa pa rin ang gawain mga simpleng house wife. Ayaw na ayaw kasi ni mama na wala siyang ginagawa. Ang lagi niyang sinasabi samin ni Kuya Luigi "kung kaya nyo naman gawin, gawin nyo na. Wag nyo nang iasa pa sa mga kasambahay"
"Mama!!!" sigaw ko ng palambing dito at yumakap ako kay mama ng mahigpit.
"Anak! Kamusta? Di ka man lang nagpasabi. Sana napasundo kita kay Mang Berting" sabi nito habang nakangiti. Halatang halata mo ang kagalakan sa mata nito.
" Ayos lang po ma, di po ako nagsabi kasi gusto ko po kayong surpresahin. Ma kayo po, kamusta? Si papa? Si Kuya Luigi?"
"Ayos naman kaming ng papa mo. Si Kuya Luigi mo ayon, may nagugustuhan ata kaya madalas umalis pagkagaling sa trabaho. Ay teka anak, nagkita na ba kayo ni Jeff?" Biglang naglaho ang ngiti ko sa mukha ng marinig ko ang pangalang yun.
"Hindi pa po mama, ma ano punta muna po ako sa baba papalinis ko muna kwarto ko. Tas magpapahinga na rin po ako. Medyo pagod talaga ako ma." pinigilan ako ni mama mula sa pagtayo.
"Naku anak, pasensya na ang daldal talaga ni mama. Di ko na ulit babanggitin yun. Antayin mo na ko, tatapusin ko lang 'tong tupiin at ako na mag aayos ng kwarto mo."
Inantay kong matapos si mama sa ginagawa na. After nya dun ay pumunta na kami sa kwarto ko. Pagkatapos naming linisin ito ay iniwan na ako ni mama para makapagpahinga.
At ito ako ngayon, nakatingin sa kisame. Di parin mawala sa isip ko ang pangalang yun.
'Jeff, handa na ba kitang patawarin? Handa na ba akong makita ka? At pinaka mahirap sagutin ay mahal pa rin ba kita'
The last thing that I've thought before drifting to sleep.
TakeTimeToReadThis
Hiii ;) maikli? Haha ganun talaga para exciting XD well anyways, kamusta ang chapter 3 excited na kayong makilala si Jeff nu? Di ko maipapangako na may POV sya next chapter pero tignan natin ;).
Di ko kayo pinipilit o inuubliga na i votr ang story ko, o ifollow yung account ko. Ang tangi ko lang hiling ay malaman ang inyong saloobin through commenting. Salamats ;)
Truly yours,
MysteryRemains ;)