CHAPTER 1

29 5 9
                                    

Axel Rei Carmona's POV

"Dre!" Pagkababa ko palang ng sasakyan ay agad ko ng narinig ang boses ni Troy.

Namulsa ako at tyaka naglakad papunta sa gawi nila.

"Naks, Lakas maka bad spirit. sinong masamang elemento ang sumanib sa'yo at itim na itim ka? A-aray!"

Agad kong binatukan si Brent dahil sa sinabi niya. Walang masama kung mag itim ako tsk.

"You look great, handsome." bati naman sa akin ni Zynn, ang nag iisang kapatid ni Troy.

Ngumiti ako dito at  nakipag high five tiyaka ko ginulo ang buhok niya. "Great as you, gorgeous."

"Tsk, kaya nalaki ang ulo nang kaibigan namin e." Pangongontra sa kaniya ng kuya niya sabay iling.



Iginaya kami ni Zynn para kumain at normal na para sa isang Zynn Virendra ang kumain ng walang kabusugan.

Dahil sa kaniya kaya kami maagang napadpad sa Canteen.

*SPLAAAAASH*

"Lagot. this is war"

"Antanga naman niya!"

"Bulag ba siya? sana tumakbo na siya"

Nagsisimula ng magpanting ang mga tenga ko sa samu't saring bagay na naririnig ko pero hindi ako kumibo at hindi ko iniaalis ang tingin ko sa lampang nagpaligo sa aken ng malagkit na inumin.

'chocolate slurpy'

"D-dre, ayos ka lang?" May pag aalangan sa tanong ni Troy pero hindi pa rin ako kumibo.

Naningkit ang mata ko ng dahan dahang nag angat ng tingin sa akin ang lampang naka upo sa sahig sa harapan ko.

'Anak ng. ang lakas ng loob niyang tingnan pa ako!'

Agad ko siyang hinablot sa kwelyo dahilan para makatayo siya. Ramdam ko ang pag angat ng pareho niyang paa sa sahig at lalong nag bulungan ang iba pang estudyante sa paligid ko.

"K-kuya Rei." Dinig kong sabit ni Zynn habang hinihigit ang laylayan ng damit ko pero hindi pa rin ako natinag.

"H-hindi ko ho sinasady..." Hindi ko na siya pinatapos pa dahil mabilis ko siyang binitawan at sinikmuraan. Hindi pa ako nakontento at magkasunod na sapak sa mukha ang inabot niya galing sa akin, tumilapon siya sa sahig at sinundan ko pa siya ng sipa sa mukha na tumilapon sa may pintuan ng Canteen.

Patuloy naman sa pag awat sa akin ang dalawa. pero muli kong dinampot ang lampa at kinuwelyuhan

'Grabe, nakakatakot pa rin siya.'

'Gwapo pa rin, OMG'

Pinakatitigan ko ang mukha nitong may bangas at basag na salamin dahil sa pagbagsak niya.

"Ilang taon mo na bang hindi pinapalitan ang grado ng salamin mo para hindi mo'ko makita." Hindi patanong pero madiin kung sabi sa mismong mukha niya.

Nainis ako sa inasal niyang pagtungo dahil kinakausap ko siya.

Muli ko siyang inambahan ng suntok pero hindi iyon lumapat sa mukha niya dahil may kung sinong pumigil sa kamao ko na tatama sana mukha niya.

Kunot noo ko 'tong nilingon at bumungad sa akin ang isang babae na bago sa paningin ko.

Binitawan niya ang kamao ko habang patuloy sa ginagawa niyang pag sipsip sa straw ng chuckie na iniinom niya at nakatingin sa akin ang walang buhay niyang mga mata.

STORM SEASONWhere stories live. Discover now