Lumipas ang dalawang araw na sobrang busy ko sa paggawa ng mga assessment task. Hindi ko nga namalayan na bukas kailangan ko ulit dumaan sa Student Council para asikasuhin ang pinapagawa ni Ate Ara.
Napahinto ako sa pagsusulat sa notebook nang maalala ko ang sinabi ng lalaking dalawang araw ko na ring hindi nakita.
"I can help you if you need."
Tutulungan kaya niya ako? Hindi naman sa umaasa ako, pero mapapadali talaga ang trabaho ko kung tutulungan niya nga ako.
Umiling-iling ako. Hindi! Kaya ko naman siguro 'yon. Kinagat ko ang dulo ng hawak kong ballpen.
"Bakit ba ako nag-iisip tungkol doon?!" bulong ko sa sarili. Binitawan ko ang ballpen at ginulo ang maayos kong buhok. Nabubuang na ba ako? Kainis.
Umayos ako ng upo. Kasalukuyan akong nakatunganga habang tinititigan ang kabuuan ng mini study table ko. Nagkalat sa lamesa ang mga notebook ko na hindi ko pa natatapos sulatan ng lecture.
Inabot ko ang cellphone sa gilid. Hindi pa tapos ang nakaset kong oras para sa study time ngayong gabi may 13 minutes pa. Tiningnan ko kung anong oras na.
11:47 PM.
Grabe, anong oras na pala. May klase pa ako bukas.
In-unlock ko ang phone at pinatay ang timer. Umalis ako sa pagkakaupo at tinungo ang higaan. Pagkahiga, binuksan ko ulit ang screen ng phone, nag-open ng data, at tinungo ang Facebook app.
Nag-scroll lang ako hanggang sa makita ko ang post ni Princess. Kanina pa niya 'to na-upload, mga mahigit dalawang oras na.
Picture nilang dalawa ni Dianne ang nasa post—apat na pictures lahat. Syempre, nag-heart ako. Ang daming nag-react. May mga nag-comment rin. Binasa ko 'yung ilan.
Comment section:
y/n: Cutieee bestie
y/n: Ganda naman, naurrr
y/n: How to be you po madam Princess? HAHAHA
y/n: Oy may pogi sa likod HAHAHAHAPogi? Tiningnan ko ulit ang post. Sa pangatlong larawan, may nahagip nga sa camera lalaki na hindi naman talaga kasama sa kinukuhanan.
Si Yisreal.
Naka-side view siya pero kitang-kita pa rin sa picture. Mukhang napadaan lang. In-zoom ko 'yung picture at tinitigan nang maigi. Halata pa rin ang seryoso niyang aura.
Ang sungit ng dating nito. Bakit kaya siya ganyan?
Nabitawan ko bigla ang hawak kong cellphone nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Nakakagulat naman!
"Denden, anak? Gising ka pa ba?" Boses ni Mama.
Tumayo agad ako at tinungo ang pintuan. Binuksan ko ito at nilakihan ang awang para makapasok siya.
"Oh, buti gising ka pa, anak. O, inumin mo 'to para mabilis kang makatulog." Inabot niya sa'kin ang baso ng gatas. Kinuha ko ito at maingat na nilagay sa study table, sabay ayos ng mga nakakalat kong notebook.
"Bakit po gising pa kayo? Anong oras na oh," tanong ko habang inaayos.
"Nakatulog na ako kanina, anak. Nagising lang ako kasi nauhaw, kaya kumuha ako ng maiinom. Naisipan ko na ring timplahan ka ng gatas. Alam ko naman na gantong oras, nag-aaral ka pa," sagot niya sabay tingin sa lamesa ko.
Napangiti ako at lumapit sa kanya. "Thank you, Ma."
"Wala 'yon, anak. Mag-aral ka lang nang mabuti. Lagi lang akong nakasuporta sa'yo," hinaplos niya ang kaliwa kong pisngi at masayang pinagmasdan ako.
"Opo Ma, pangako mag-aaral ako nang mabuti para makatulong ako sa inyo ni Tito."
"Okay lang si Mama, anak. Basta para sa sarili mo, gawin mo 'yung mga pangarap mo at makuha mo 'yung mga bagay na gusto mo..."

BINABASA MO ANG
Young Love
Storie d'amoreDISCLAIMER: Cover is not mine. Credit to the rightful owners. This part is boys love story.