Chapter 12

75 3 1
                                    

" Nathi, akala ko ba maaga kang papasok?" tanong sa akin ni mama
" Ma, pwede bang huwag na lang akong pumasok ngayon?" tamad kong sagot kay mama
" Hindi pwede anak, tinawagan ako ng Sir Mike mo sabi niya may review pa kayo para sa magaganap na event hindi ka pwedeng umabsent" pagalit na sabi ni mama
" Ma kahit ngayon lang,please?" nagmamakaawang sabi ko kay mama sabay pout
" Kung hindi ka pa jan babangon sasabihin ko sa tita May mo na ikaw maglilinis sa comfort room"sabi ni mama
" Ma naman, per.." paiyak na sagot ko
" Kung wala ka pa sa baba within 10 minutes tatawagan ko na ang tita mo"sabi ni mama at umalis

Aish nakakainis naman si mama bakit ba gusto niyang sa school ni tita May pinaparusahan hindi ba pwedeng hindi ko na lang magagamit iyong kotse ko o di kaya mawawalan ako ng allowance? Diba ganun naman lagi ang sinasabi ng ibang mga parents sa kanilang anak kung hindi sila sumusunod? Haay, kakaiba talaga ang mama ko. Makaligo na nga lang, 10 minutes pa naman ang binigay ni mama mahal talaga ako ni mana noh?

*Boogsh

*Boogsh

Aray ang sakit ng pwet ko. Kaya lang po ganito kasi nagmamadali ako tapos na ata ang 10 minutes sana 'di pa ako huli.

"Ma nakaabot ako" hinihingal.na sabi ko kay mama sabay hawak ng dibdib
" Late ka ng 2 seconds kaya maglilinis ka mamaya tinawagan ko na ang tita mo" masayang sagot ni mama

What?!

" Mama naman, dalawang segundo lang naman" nagmamakaawa kong sabi kay mama
" Diba ang sinabi ko kasi 10 minutes lang wala naman akong sinabi na may kasamang segundo iyon, sige na pumasok ka na, kainin mo na lang itong binalot ko para sa'yo sa school niyo" sagot ni mama sabay halik sa cheeks ko
" Mahal na mahal mo talaga ako mama ano? Sige po mama bye ingat po pala sa byahe niyo mamaya kina papa" sabi ko kay mama na may kasamang lungkot at ngiti

Nagpahatid na lang ako kay manong. Tinatamad kasi ako ngayon at late pa ako, medyo mabagal kasi akong magpatakbo ng sasakyan dahil gusto ko laging ligtas.Hindi ko namalayan andito na pala ako.
Bumaba na ako sa kotse at nagpasalamat kay manong sa paghatid niya sa akin. Habang naglalakad ako papunta ng classroom ay bigla akong nagtaka.

Bakit nagsisilabasan lahat ng mga studyante? Kinalabit ko ang balikat ng isang babae.

" Ahm miss ba't nagsisilabasan lahat ng mga studyante?"nagtataka kong tanong sa babae
"Aah may biglaan kasing meeting ang mga teachers ngayon kaya dismissed na lahat" masayang sagot ng babae
" Aah ganoon ba sige thank you" nakangiti kong sabi sa babae

Yess.. Sinabi ko kay mama na wala kaming pasok kaya sinabi niya kay tita na hindi na ako maglilinis. Yess walang klase matawagan nga si Tamar at magshoshoping kami ngayon.
Kukunin ko na sana ang phone ko ng biglang may humablot sa isang kamay ko.

"Ano b.." hindi ko na natuloy yung sasabihin ko kasi bigla na lang kaming naglakad nang mabilis ni Geo

Wala talaga tong respeto sa mga babae noh? Walang modo

" Hoy saan ba tayo pupunta?!"naiinis kong tanong kay Geo

Huminto kami sa paglalakad at hinarap niya ako

" Pinapatawag tayo ni Sir Mike" walang ganang sagot ni Geo

Hindi na lang ako nagsalita at hinayaan na kaladkadin ni Geo papunta sa room ni Sir Mike

Pagkapasok namin doon ay walang tao nakita na lang namin na may nakasulat sa board, sulat para sa amin ni Geo galing kay Sir Mike

Geo and Polly,
              May biglaan na namang meeting at hindi ako makapagtuturo ngayon kaya sagutan niyo na lang iyong 100 questions sa may table at kung tapos na kayo ilagay niyo na lang sa table ko.
                                   Sir Mike :)

Walang imik na pumunta kami sa table at umupo. Inilapag ko na lamang ang ma gamit ko at ganun din ang ginawa ni Geo.

" Geo, hati na lang tayo akin yung 50 sa yo yung kalahati at kung tapos na tayo ichecheck natin isa isa okay lang ba?"mahinang tanong ko kay Geo

Tumingin siya sa akin na para bang binibigyan niya ako ng weird look.

Tumaas ang isang kilay dahil sa weird look niya ngunit bigla na lang itong ngumisi.

" Oh bakit parang may dumaam na anghel at biglang humina iyang boses mo?"nagtatakang tanong sa akin
" Walang hiya ka oo or hindi lang kung ayaw mo ako na sasagot para matapos, hindi yung nagbibigay ka ng ganyang mga tingin" bapipikon kong sabi sa kanya
" Chill lang Polly haha oo na po" natatawang sagot ni Geo at sinimulan na ang pagsasagot

Sinimulan ko lang din ang pasasagot para matapos na.

After 40 minutes...

" Magcheck na tayo kung may mali " sabi sa akin ni Geo

Tumango na lang ako

Habang nagchecheck..

"Ano ba mali ito oh tignan mo dapat ganito yung formula niyan ba't mali yung sagot?!" naiinis na sabi sa akin ni Geo sabay kuha ng isa na namang sandwich
" Malay ko ba eh kaya nga chinechechek diba?!" napipikon ko ding sabi sa kanya sabay subo ng sandwich na ginawa ni mama

Habang kasi nagchecheck eh bigla akong nagutom kaya kinuha at ang walang manners na si Geo bigla biglang kumuha dibale marami naman iyon sapat na sa aming dalawa.

Matapos kaming magcheck eh niligpit ni Geo iyong gamit namin at pinatong ang papel namin sa table ni Sir Mike

Dalawa lang naman ang wrong.namin,tigiisa lang kami .

" Thank you pala sa sandwich, ang sarap naman magluto ng mama mo" masayang sabi ni Geo sabay ngiti
" Uy first time nagthank you ah?" pabiro kong sagot sa kanya

Bigla naman siyang sumimangot ahahaa cute oh :)

" Welcome po" masaya kong sabi sa kanya

" Sige aalis na ako.may gagawin pa kasi ako, bye" sabi niya sa akin
" Sige bye bye" masaya kong sagot sa kanya

May ganito palang ugali si Geo. :) Kahit na ganun siya may tinatago rin palang bait konti. hahaha

*****************
So hello po ulit. :) Sana po magvote at comment kayo kahit na pangit iyong mga chapters haha. Thank you po sa mga nagbabasa.

Paidriad9172022

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Attached to my Undefined LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon