Ballpen

1.1K 29 18
                                    

Maliit pa lang ako kilala na kita.

Nakikita kitang gamit ng aking ina.

Nakalagay pa nga minsan sa itaas ng tainga na aking ama.

Pinaglalaruan ko pa noong ako'y bata pa.

Tumatak ka sa aking isipan.

Lahat ng tao'y lagi kang nasisilayan.

Mapa-palengke man iskinita, daan, maging sa loob ng pampasaherong sasakyan,

Baon-baon ka ng mga konduktor sa bus na aking sinasakyan.

Napakahalaga mo sa buong mundo.

Hindi ko alam kung bakit ibang tao ay hindi ka gusto.

Mahirap man o mayaman napakaimportante mo.

Mamahalin man o hindi kilala ka sa kahit anong estado.

Nakakatulong ka sa aking mga gawa.

Kahit noong ako'y nagsisimula pa lang magsulat,

Puwedeng lapis ang gamit kong panulat.

Pero iba pa rin kapag ballpen ang unang tumatatak.

Pasalamat ka dahil mahal kita.

Mula ulo hanggang paa.

Kahit na anong kulay meron ka,

Ballpen ka pa rin sa aking mga mata.

Kung puso ko man ay masugatan,

Ikaw naman ay nariyan,

Upang isulat ang aking nararamdaman,

Ang kapalit ay kahit kaunting kaginhawaan.

Nawa'y ika'y magtagal,

Kahit pati oras ay maging mabagal,

Kahit tambutso ng sasakyan ay gagara-garapal

Ako'y nandito lamang at labis na nagmamahal.

Tula-La #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon