Magdalena

397 4 1
                                    

Ang iyong alindog ay sadyang kakaiba,
Kaakit-akit, kahali-halina.
Katulad ng paru-paro'y lilipad lipad ka,
Sa bawat sulok ng iskinita ay nagtatago ka pa.

Sa pagsapit ng dilim, maaaninag ka na.
Sa mga turista't dayuhan, katawan mo'y suki nila.
Sa saliw ng musika ika'y gumigiling-giling pa,
Umaarko pa't lumalapit sa bawat mesa.

Nguni't, sa bawat pag-giling mo,
Luha'y isa-isang tumutulo mula sa'yo.
Nagsusumamo na sana ito ay maglaho,
Upang kahihiyan ay magwakas na sa entablado.

Subalit, wala kang magagawa,
Palabas ay kailangan mong isawalang bahala,
Pagkat, kumakalam na mga sikmura,
Ng pamilya mo ang araw-araw na nakataya.

Malaki man ang perang naibigay sa iyo,
Alipusta't panglalait muna ang maririnig mo,
Idagdag pa ang pilitin kang gawin ang kanilang gusto,
Sa kama'y magiging parausan ka ng todo.

Magdalena, O Magdalena!
Hanggang kailan mo ipapahiya?
Hanggang kailan ka magpapaubaya?
Nasaan na ang kapiranggot mong pag-asa?

Tayo'y nasa modernong panahon na,
Mahirap na ang umasa't magpaasa.
Gamitin mo ang kaunti mong talino't magbago ka.
Layasan mo na ang mundong pasanin lang ang dala.

Alam mong mahirap sa umpisa,
Pero kailangan mong magsumikap pa,
Upang marangyang buhay ay makamit mo na,
At maibigay sa pamilyang noon ay sa iyo umaasa.

Tula-La #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon