CHAPTER 28

6 2 0
                                    

RING

Pinanood ko kung paano dumausdos pababa si Tito Rodel. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita. 

"Oh my god! Mga kapitbahay! Help!" my mom shouted. 

Naging alerto naman ang killer at dali-daling tumakbo ito paalis sa harapan naman bago pa man siya maabutan ng mga kapitbahay namin. 

P-paanong nangyari 'to? Ang alam ko ay pinatay ko na siya sa story. 

"Pa, stay with us." rinig kong sabi ni Vince kaya napatingin ako sa kanila nila. Nasa lupa na sila ngayon. 

My tears fell when I saw Tito Rodel's wound. He got shot on his stomach. 

"V-vince, dalhin na natin siya sa ospital." tumingala sa akin si Vince bago tumango. Tinulungan kami ng iba na isakay si tito sa kotse. 

Ako na ang nagvolunteer na magdrive dahil baka hindi kaya ni Vince na magdrive lalo na ang papa niya ang nabaril. Baka hindi siya makapagpokus. 

"Pa...." 

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko nang marinig ko ang hikbi ni Vince. Kahit ako ay naiiyak na pero pinipigilan ko dahil ako ang nagdadrive. Mabuti nalang ay malapit lang ang ospital sa amin kaya nadala namin siya agad sa emergency room.

Agad siyang inasikaso ng mga nurse at doktor sa loob ng emergency room. 

Nang dalhin na siya sa operating room ay umupo kami ni Vince sa upuan na nasa harapan. Bawal kasi kami pumasok sa loob kaya hanggang dito lang kami sa labas.

I hugged Vince when I heard him cried. He cried on my shoulder. 

I let him cry until he fell asleep. 

While looking at him, something enter my mind. Agad nanlaki ang mga mata ko nang may mapagtanto ako. 

All of this....Tito Rodel, the killer, Vince in pain. All of them was all because of me.

Kinagat ko ang labi ko at pinipigilang umiyak. No. This is not my fault. I promise Vince not to blame myself anymore if something happened. But I can't do that lalo na nasa loob ng operating room si tito.

Siguro dahil masyado akong abala sa pagdala kay tito rito ay hindi pumasok sa isip ko na ako ang dahilan bakit nandito ang killer. But I really killed him on the story!

I covered my mouth using my hand. I don't want Vince to know that I'm crying and I don't want to wake him up. 

Ganoon lang ang posisyon ko hangang sa nakita kong papunta sa pwesto namin si Amaris kasama ang asawa niya. I quickly wiped my tears.

"Patricia, is tito okay?" tanong niya nang makalapit na siya sa amin.

"Hindi pa lumalabas sa operating room si tito at wala pang nagbabalita sa amin tungkol sa nangyayari sa loob."

"What happened to him? Bakit siya nabaril?"

"The killer of Vince's mother shot him." nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko.

"Nandito siya?" tumango ako. "W-why? Patay na siya, Patricia."

"Sinabi mo sa akin na hiniling ni Vince na sana magkaroon kayo ng kanya-kanyang buhay sa mundong 'to. Posibleng nasama ang killer na yun sa hiling niya. He's alive because of the wish."

Nanghihinang napaupo si Amaris sa sahig. Agad naman siyang nilapitan ni Rico para tanungin kung ayos lang ba siya.

"What will happen to tito now?" napayuko ako sa tanong ni Amaris.

Hindi ko alam. Hindi ko alam kung ano mangyayari sa kanya. Basta ang alam ko ay ako ang may kasalanan nito.

Sa akin nagsimula ang lahat.

Falling Inlove With My CharacterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon