KABANATA 12

1.6K 38 18
                                    

Dumaan muna kami sa drive-thru at nag-order siya ng  panggabing kakainin namin mamaya. He's still sort of not in the mood because of my stubbornness awhile ago. But even so, I keep on lifting the mood and keep on talking to him loudly.

"Mag-movie marathon tayo, Love! Siguro naman ay mga CDs ka?"

"None."

Napanguso ako roon. "Ah! Baka may flat screen tv at-"

"I don't have any tv's in my penthouse,"

"Eh? Totoo, Love? Ang boring naman, kung ganoon!"

He chuckled a bit and shook his head. "I told you."

Nakagat ko ang pang-itaas na labi ko at piniling isara na lang ang bibig. Naubusan na ako ng topic but at least napatawa ko siya! Sa basement ng condominium tower niya idiniretso ang sasakyan. Agad din akong bumaba at hindi na siya hinintay na pagbuksan pa ako. Nanuot sa katawan ko ang lamig ng hangin dahil sa ulan nang makalabas ako.

"Let's go,"

Bitbit ang pinamili niya kanina ay nagawa niya pa ring abutin ang pulsuhan ko at hinila ako papasok sa elevator. Mas lalo pa akong napadikit sa katawan niya nang maramdaman ang pag-angat ng elevator.

"Nakakahilo pala..." puna ko bigla nang makaramdam ng hilo.

Natawa siya ng mahina at saka ko naramdaman ang paglipat ng palad niya palibot sa may bewang ko. Ngumiti ako nang maramdaman ang labi niya sa sentido ko.

"Your first time?"

"Uhm, oo, Love..."

Napahagikgik ako mas lalo kong idiniin ang katawan sa gilid ng katawan niya. Napawi ang ngiti sa labi niya nang sundan niya ng tingin ang ginawa ko. Ngumiti lang ako at idinantay ang baba sa dibdib niya. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin at napabuntonghininga. Hinayaan na lang niya ako hanggang sa tumigil ang elevator.

"Ang taas naman ng floor nitong unit mo!" Hindi ko mapigilan punahin nang makalabas sa elevator. Pero napaawang ang labi ko nang mapansing diretso na palang papasok iyon sa loob. "Sayo ang buong floor na 'to?!"

"My penthouse,"

Namilog ang mga mata at labi ko nang tipid siyang tumango. Dumiretso siya sa palagay ko ay kusina dahil sa mga pagkaing dala. Inilibot ko ang mata at manghang-mangha ako sa nakikita. Naibagsak ko ang bag na dala sa sofa at tumakbo palapit sa may malawak na bintana at hinawi ang makapal na kurtina roon. The city lights are below us! Maganda pa rin ang view kahit na panay pa ang buhos ng ulan sa labas.

"Ang ganda!" My breath even fogged on the window.

May balkonahe pa na naroon pero hindi ko naman alam kung paano hahawiin ang bintanang hinahawakan para buksan at makalabas. Napanguso ako at sinundan na lang siya sa kusina. Nadatnan ko siyang nag-aayos ng kakainin namin. Wala na ang suot na coat at medyo magulo ang neck tie niya. Hinawi ko ang buhok ko at agad na lumapit at yumakap mula sa likod niya. He was startled and jumped a bit out of shock, I chuckled and let my head in between his arm and body.

"Lily,"

"Maligo na muna kaya tayo, Love, bago kumain?" Suhestyon ko sa kanya pero naging matalim ang titig niya. Napanguso ako. "Hindi pa ako gutom eh..."

"You go first, then." Aniya at pilit na inaalis ang mga braso kong nakayakap.

"Sa kwarto mo ang gusto ko!"

"Fine. Go."

Napasimangot ako at mabagal na binaklas ang pagkakayakap sa kanya. Padabog akong naglakad palabas ng kusina niya at hinanap ang sinasabing kwarto niya sa taas. May maliit na baitang ang inakyat ko bago nakarating. Sakto ang napili kong kwarto sa tatlo pang kwarto na nadaanan ko. Mas malawak, mabango at madilim ang loob ng kwarto niya kaya binuksan ko ang ilaw. Pansin ang pagiging malinis at masinop ng mga gamit niya. Maaliwalas ang itim at puting tema ng kwarto niya.

CALLALILY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon