"I'm no princess"
Niyuko ko ang ulo ko sa kahihiyan. What does this guy think at timatawag ako na isang prinsesa! He lifts my chin so that my attention becomes only his. Isang pilyong ngiti ang lumabas sa kanyang labi. He's dangerous.
"About that 5,000 pesos"
"Keep it"
Labis naman ang tuwa at saya ko sa sinabi niya. Hindi na ako nakapag paalam sakanya at bigla nalang umalis dahil tapos na din naman ang shift ko. Dali dali akong umuwi sa apartment ko at binayaran ang landlord ko for this month's rent. Thank God tapos na ang araw nato. Napabaligwas ako ng bangon ng madinig ko ang cellphone ko na kanina pa pala nag ri ring. Napatingin ako sa bed side table ko at 8:00 am na pala. I answered my phone and check that's it's an unknown number calling
"Hello?"
"Is this Tarhata Huntington?"
"Hindi po, this is Tarhata Morales. Sino po sila?"
Isang matandang lalaki ang nasa kabilang linya
"I believe this is Tarhata Morales Huntington, you are just carrying your mother's last name instead your father's, where are you hija? I have something important to tell you"
"Po? Sino po ba sila?"
"I am your father's secretary slash right hand man. I'm sorry hija but your father just died"
Parang bigla akong nabingi sa sinabi niya. Anong father? Sa pag kakaalam ko baby palang ako namatay na si papa dahil sa isang aksidente at iyan ang sabi ni mama sakin
"T-teka nga lang ho baka na wrong dial lang po kayo or baka prank po ito. Mawalang galang na po alas otso palang ng umaga at kagigising ko lang Wala ako sa mood makipag biruan"
Parang gusto ng lumabas ng puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito. Tell me this is just a misunderstanding
"I believe I am telling the truth hija. Your location is being trace through this call. Ipapasundo nalang kita diyan bukas para dalhin ka dito sa Laguna. You need to come home. May mga bagay na hindi natin mapapag usapan ng maayos sa tawag"
Parang ang bilis ng pangyayari. Para akong nahihilo at Hindi makahinga. Kahapon lang ang prinoproblema ko lang ay ang renta nitong apartment ko pero ngayon ay may ama pala ako
"Sandali l-lang p-po teka lang may trabaho po ako Hindi ko po pwede basta basta nalang iwan ang lahat tsaka hindi pa din po ako kumbinsido na nag sasabi kayo ng totoo"
"I will arrange everything hija there's no need for you to do anything other than pack all your things and be ready tomorrow when the limousine arrive. Have a safe trip"
Napaupo ako pagkatapos ma ibaba ang tawag. Biglang tumulo ang luha ko. All this time I have a father pero hinayaan lang niya ako mag hirap at mamuhay ng mag isa. Di paman ako nakaka recover sa shock na natamo ko nag ring ulit ang cellphone ko at tumatawag si Elliot
"Elliot please not now, mamay-"
"Tarhata you are a fucking Huntington?! And why are you crying?!"
Agad ako naging alerto sa pag sigaw niya at pinahid ang mga luha ko
"A-ano Elliot? Totoo ba? Pano mo nalaman?"
"Kay Dad, he told me tinawagan ka daw niya you barely recognize him! He also told me na ikaw daw ang anak ng boss niya"
Hindi maipinta ang gulat sa mukha ko ngayon....oh god
"Ang daddy mo? Don't tell me siya ang kausap ko kanina? And don't tell me na ang sinasabi mo sakin na billionaire who your father works for...ay...."
"Exactly Tarhata! The billionaire who my father is working for is your father! I can't believe it myself! but I know Dad won't lie or joke to me about that"
So totoo nga? Tumulo ulit ang mga luha sa mata ko...paano?...what's the reason? Did he abandon us ni mama?
"Is he d-dead?"
"Unfortunately Tarhata he really is.....he died yesterday"
Kung kailan ko nalaman Kung sino ang ama ko tsaka ko naman nalaman na totoong Wala na talaga siya. Ganito na ba talaga ka malas ang buhay ko?
"Tarhata are you still there?"
"I'm s-still here"
"Please don't cry anymore. Susunduin ka bukas ng Isa sa mga tauhan ng daddy mo papunta dito sa Laguna bukas and once you get here Dad will explain everything to you and it will all be clear"
Natapos ang usapan namin ni Elliot ng tulala ako. Buong araw akong nasa loob lang ng apartment ko at di na nag abalang pumunta sa trabaho. Hindi pa din ako makapaniwalang nangyayari ang lahat ng Ito. Hindi ako makatulog, ni Hindi ako makakain. Umiiyak lang ako yakap yakap ang sarili at iniisip Kung bakit nag sininugaling sakin si mama na baby palang ako patay na ang papa ko. The next day, I packed my clothes and readied all my remaining money dahil maya't-maya susunduin na ako. Tumawag din si Elliot kanina at sinabing inasikaso na daw ng Daddy niya lahat ng pag alis ko sa trabaho sa perfect party princesses at pati sa night shift na trabaho ko sa club. Kahit papaano ma mimiss ko din ang trabaho kong minimum wage ang sweldo. Bumalik ako sa realidad ng may biglang kumatok sa pinto
"Good morning miss Tarhata are you ready to leave?"
Bumungad sakin ang isang lalaki na nakasuot ng itim. Tumango nalang ako at nilingon ang apartment ko. After mamatay ni mama Ito ang naging tahanan ko. Sinabi lang ng Daddy ni Elliot sa landlord ko na siya na daw ang mag ba bayad ng renta ko habang nasa Laguna ako. Half lang naman ang bayad ng renta dahil Wala din naman ako. Pagdating sa labas tumambad sakin ang isang black limousine na sobrang haba at kintab, ngayon lang ako nakakita nito. Inalalayan ako ng driver na tauhan pala ng Daddy ko para sumakay. Pag pasok ko isang spacious at mamahaling mga gamit ang nasa loob ng sasakyan and it smells like lavander. Umandar ang sasakyan at huminga ako ng malalalim. This is it, malalaman ko na ang katotohanan kung sino ba talaga ako.
BINABASA MO ANG
The Heiress
Romancea hot billionaire, a protective bodyguard, a sweet childhood friend, a stern detective. who will win Tarhata's heart and help her solve the murder mystery