Chapter 05

40 7 0
                                    

Chapter five


"Hey Iyah are you okay?" Rinig long boses ni Alex at ramdam ko rin ang pag tapik nya sa mukha ko.



"Iyah, Anong masakit?" Aniya pa, nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto hindi ako nasa ospital nasa room ako ng mga katulong sa hacienda.


"Oa mona Lex, gising na oh parang ewan naman to." Rinig kong sabi ni Iry at napatingin naman ako sakanya.


"Anong oras na?" Tanong ko sakanila.


after nung mang yari kanina hindi ko na alam kung anong sumunod, sobrang sakit ng ulo ko non.



"1 pm na, kumain ka muna," Sabi ni Iry at kinuha ang platong nasa lamesa na may lamang kanin at ulam.



"Ayos kana ba? May naalala kana ba, Iyah?" Nag aalalang tanong nito.

Hindi ko alam ang isasagot ko sakanya may naalala akong konting alaala sa nakaraan ko tulad nung babaeng mahaba yung kulot na buhok at maputi, maganda at tinawag nya akong ate.



"May na alala ako pero hindi pa ganon ka linaw." Sabi ko dito at kita naman ang pag kadismaya at lungkot para saakin.

"O sya kumain ka muna, buti wala si Sir Rozz kanina." Sabi nito at inilapag sa harap ko ang tray na may lamang pag kain.



Si Rozz bakit kaya sya umalis? Saan kaya sya pumunta?



Napailing nalang ako sa sarili ko bago ko kinuha ang kutsarang nasa harap ko.


"Are you really okay? Iyah?" Nag aalalang tanong saakin ni Alex.


Grabe naman to pag nag aalala pala to napapa English.


"Oo, ayos na ako wag kang oa." Natatawang sabi ko dito napanguso naman sya.

"Kayo ba kumain na kayo?" Tanong ko sa kanila bago sumubo ng kanin.

Adobong sitaw uli ang ulam ko dahil alam ni Iry na favorite ko iyon, tumingin ako sa kanilang dalawa at sabay naman silang tumango.

"Tapos na kanina,." Ani ni Alex at agad naman akong tumango.

"Sige lang kumain ka muna para makapag pahinga ka ule."  Si Iry.

Napatango lang ako at mabilis na inubos ang pag kain ko, hindi na naman gaanon kasakit ang ulo ko.

Sa apat na taon na pamamalagi ko dito ngayon lang ako nakaramdam ng pananakit ng ulo ko at ngayon lang din ako na kaalala ng mga bagay na nagawa ko noon.








Gabi na ng magising ako, dito parin ako sa hacienda dahil tuwing linggo na Ang uwi namin sa bahay namin nina Iry.


Dahan dahan akong tumayo at sa kabilang kama naman ay andoon si Iry na mahimbing na natutulog.


Maingat akong lumabas ng kwarto dahil baka magising si Iry, ng makalabas ako ng kwarto ay madilim ang bumungad saakin hinayaan ko lang yon dahil maliwanag naman ang buwan na pumapasok sa salamin na bintana.



Malaki ang hacienda pero saulo ko nanaman ito, dumeretso ako sa kusina para uminom ng tubig.



Hindi ko alam kung anong ginawa saakin nung babaeng nakita ko sa alaala ko kanina at tinawag akong ate



Pero nararamdaman kong galit ako saknya.



Napailing nalang ako at ng makapunta na ako sa kusina ay maingat Kong binuksan ang malaking ref at kumuha doon ng tubig.



Habang umiinom ako ng tubig ay hindi ko maiwasang mapatingin sa glass window at kitang kita doon ang maliwanag at bilog na bilog na buwan.



It's beautiful, sya yung nag bibigay ng liwanag sa madilim na gabi, sana kaya rin ng buwan na liwanagin yung isip ko ng makaalala na ako.



Gosh self ano bang pinag sasabi mo!



Napailing nalang ako bago binalik ang babasaging pitsel sa loob ng ref at marahang hinugasan ang basong ginamit ko at napatingin muli sa buwa.


Bat ba ang ganda mo? Lalo pag full moon ka.



"The moon is beautiful isn't it?" Tagilan ako sandali bago dahan dahang napatingin sa taong nag salita sa gilid ko.



His blue eyes na kitang kita doon ang pagod nya at kalungkutan, napalunok ako na parang iba ang ibig sabihin ng sinabi nya.



"Rozz." Mahinang tawag ko dito at nakalimutan ko pang isama ang sir.


"The moon is beautiful isn't it?" Tanong nya ulit at agad naman akong tumango bilang pag sang ayon.


"Yes it is." Sagot ko sakanya at bahagya naman syang tumango bago nag iwas ng tingin saakin.


Duon lang din ako nag karoon ng pag kakataon na tingnan ang kabuuan nya, naka kulay gray sya na polo at bahagyang bukas ang tatlong botones nito, magulo ang buhok nya at parang uminom sya ng alak dahil na aamoy ko iyon sa kanya.



Pero isa lang ang masasabi ko sobrang gwapo nya paano pa kaya pag naka topless lang sya.



"Quit staring, Woman." Biglang sabi nito at napatingin naman ako mukha nya.


Saktong nag tama ang mga mata namin kaya bahagya namang napaawang ang labi ko.


"Diba ikaw narin ang nag sabi staring is rude!" Aniya at may pilyong ngiti sa labi.


Napalunok nalang ako at nag iwas ng tingin sakanya.

Paano kasing hindi malalagi ang tingin ko sakanaya e mismong mga mata ko ang nag lilibot sa kabuuan nya.



"Ah tiningnan ko lang kung ayos ka lang, ahm bakit gising pa po pala kayo sir?" Tanong ko dito at sumilay naman ang matamis na ngiti sa labi nya.


I don't know pero gwapong gwapo ako sakanya tuwing ngumingiti sya. lalo na pag saakin.



Gosh anong nang yayari sayo Iyah nahawa kana talaga kay Iry.


"Kakauwi ko lang." Aniya na ikinatango ko.



"I see." Tanging sagot ko lang at napabaling naman muli sa buwan.


Gusto ko ring itanong sakanya yung the moon is beautiful isn't it, pero nahihiya ako dahil yun din yung tanong nya saakin kanina.


"Ikaw bakit gising kapa?" He seriously asked habang kinukuha ang beer sa ref.


"Kasi hindi pa ako tulog." Sabi ko at napatingin naman ako sakanya ng napag tanto na mali pala ang sinabi ko sa boss ko.


"What?" At kahit liwanag lang ng buwan ang nag sisilbing ilaw namin para makita ang isat isa ay hindi nakatakas saakin ang pag kunot ng noo nya.


"Wala ka paring pag babago." Mahinang sabi nya pero hindi iyon nakawala sa pandinig ko.


"Matagal mo na ba akong kilala?" Seryosong tanong ko dito habang hindi inaalis ang mga titig ko sakanya. "Kasi ako parang kilalang kilala kita." I said without hesitation.


Tumango lang sya at uminom ng beer na hawak nya bago tumingin muli saakin ng seryoso.


"Yes we know each other." Aniya.


"And also we love each other, wife."

Before it sinks inWhere stories live. Discover now