Makalipas ang isang taon mula no'ng mangyari ang pagpapalit ng naihalal na mga engkantado sa posisyon. Ang pumalit nga ay sina Quera Eris, Clea Akesha at Cleo Kali.
Ngayon ay nandito ang lahat na mga cleo at clea sa Clea Assova. Kasama nila ang kanilang quero at quera.
May naggagandahang mga palamuti sa kapaligiran tulad ng iba't ibang kulay ng banderitas, may mga naggagandahang ilaw na may iba't ibang kulay. Habang ang mga batang engkantado ay masayang namimili sa mga tiangge na may iba't ibang paninda tulad ng kwintas na gawa sa kahoy at iba pa.
Nakaguhit sa labi ng mga bata ang isang abot hanggang tainga na ngiti habang hawak ang kamay ng kanilang ama't ina.
Kararating pa lamang ng mga opisyales ng Agonian na sina Quera Eris, Quero Kenneth at mga cleo at clea sa Clea Assova. Mainit namang pagsalubong ang kanilang natanggap sa mga tagapagdaloy ng selebrasyon.
Ipinagdiriwang ngayon ang isang taon mula no'ng humalili ang mga bagong naihalal sa posisyon.
Isinuot sa mga opisyales ng Agonian ang mga kwintas na may mga naggagandahang bulaklak at dahon. Pagkatapos no'n ay pinaakyat na sila sa entablado upang umupo. Naupo ang mga cleo sa kanan ni Quero Kemneth habang naupo naman ang mga clea sa kaliwa ni Quera Eris na ngayon ay nasa kaliwa rin ni Quero Kenneth.
Hindi nagatagal ay nagsimula nang dumami pa ang mga engkantadong nandito ngayon sa lugar kung saan idaraos ang selebrasyon.
May mga masayang nag-uusap na mamamayan ng Agonia tulad ng mga engkantadomg nasa kanilang kabataan na at puro kwentong pag-ibig ang pinag-uusapan na minsan ay nauuwi sa asaran. May mga batang engkantado rin naman na nagtatakbuhan at naglalaro ng dakup-dakupan.
Makalipas ang kalahating oras ay narito na ang mga tribo na nagmula pa sa Maligouania. Ngayon ay sakop na ito sa pamamahala ng Agonia.
Mula no'ng mapabagsak ng Agonia ang Maligouania sa pangalawang pagkakataon ay nahati an ito sa apat na tribo. Ang mga apat na tribo na ito ay ang tribo ng Khryla, Ynevel, Celamir at Crusel.
Ang tribo ng Khryla ay nasa lugar kung saan naroon ang bumagsak na kaharian ng Agonia habang ang tribo ng Ynevel naman ay nasa dating tinatawag na Valle Sientia.
Ang tribo ng Celamir ay nasa dating Valle Venova habang nasa dating Valle Corosa naman ang tribo ng Crusel.
Sabay na dumating ang mga binukot na nagmula sa apat na tribo. Ang mga binukot ay nasa loob ng karwahe at literal na binukot ito ng kulay dilaw na tela na may mga abstract na disenyo at may simbolo ng kanilang tribo sa gitna nito.
Tumayo na ang lider ng mga tagapagdaloy ng selebrasyon at umakyat ito sa entablado suot ang abot hanggang langit na ngiti na bakas na bakas ang pagiging excited sa selebrasyon.
"Magandang gabi, Agonia!!!!" Masiglang panimula ng tagapagdaloy ng selebrasyon na tinugunan rin naman ng sigawan ng mga Agonian pati na rin ang mga opisyal ng Agonia ay nakisali na rin.
"Ako nga pala si Elias ang lider sa nga tagapagdaloy ng selebrasyong ito! Ako ay nagmula sa lupain ng Mephonia." Masayang pagpapakilala ni Elias.
"Hindi ko na patatagalin pa at sisimulan na natin ang pagdiriwang sa isang taon ng pagiging opisyal ng Agonia nina Quera Eris, Cleo Kali at Clea Akesha! Palakpakan natin sila!!!" Masiglang pagsigaw pa ni Elias.
Tumayo naman sina Quera Eris, Clea Akesha at Cleo Kali na ngayon ay nakaukit sa kanilang labi ang isang abot hanggang langit na ngiti habang nagpapalakpakan ang mga engkantado. Pagkatapos no'n ay agad na silang umupo.
"Maligayang pagdating sa Clea Assova mga tribo! Mga mahal na cleo, clea, Quera Eris at Quero Kenneth! Ipinapakilala ko nga po pala sa inyo ang mga binukot na nagmula sa apat na tribo ng Maligouania na ngayon ay nasa ating pamamahala!" Sigaw ni Elias.
BINABASA MO ANG
The Hidden Kingdom | Alynthi Series 2
FantasyIsang taon ang nagdaan maraming nagbago sa mundong ginagalawan. Maligouania'ng kaharian na pinabagsak ng mga Agonian ay mahahati sa apat na tribo ng bayan. Bawat dalawang kawayan na may karwahe'y binukot ang lulan na mula sa iba't ibang tribo ng bay...