Chapter 5

1 1 0
                                    

Dahan-dahang tumango si prinsesa Ureacia kaya agad na nanlaki ang mga mata nina Bruno at ng mga sundalo ng Khryla. Nagkatinginan ang mga ito at bakas na bakas sa mga mata nito ang matinding pag-aalala.

Nabuhayan ng loob ang mga opisyal nang makitang tumango si prinsesa Ureacia.

Ang lahat ngayon ay nakatingin kay prinsesa Ureacia na dahan-dahan nang hinawi ang kanyang belo. Habang hinahawi ang kanyang belo ay dahan-dahan nilang nakikita ang isang napakapamilyar na pigura. Hindi nagtagal ay agad nilang nakita ng tuluyan ang wangis ni prinsesa Ureacia.

Nang makita nila ang wangis nito ay agad na nanlaki ang kanilang mga mata habang si Clea Fortia ay napatakip sa kanyang bibig. Gad namang mas nangilid pa ang mainit na luha ni Quero Kenneth nang makita niya ang wangis ni prinsesa Ureacia.

Agad na napaluhod ang mga opisyal ng Agonian at napapikit ito habang nakatungo bilang pagbigay galang. Habang ang mga Khrylian ay naistatwa sa kanilang kinatatayuan ngayon.

"P-Pasensya na po kayo, p-prinsesa Ureacia." Nauutal ngunit sinserong paghingi ng paumanhin ni Quero Kenneth. Napapikit nalang ito ng mariin dahil sa mga ginawa niyang kapangahasan ngayon at noong nakaraan.

"Ngayon, malinaw na sa inyo na ako at si Veteris Quera Reina ay hindi iisa. Maaaring magkapareho kami ng pigura ngunit magkaiba kami ng wangis. Ayos lang, normal lang naman ang magkamali." Nakangiting tugon ni prinsesa Ureacia.

"M-Maraming salamat po sa p-pag-unawa sa'min, mahal na prinsess. Mas m-mabuti na lang siguro kung ipagpatiloy na lamang natin a-ang ating hapunan." Nauutal na sabi ni Clea Usha na ngayon ay mababakas sa mukha ang labis na hiyang nadarama.

"Oo nga. Ngunit tapos na akong maghapunan kanina. Kung inyong mararapatin ay gusto ko munang magpahinga sa aking silid." Sabi ni prinsesa Ureacia.

"Sige po, mahal na prinsesa. Patawad ulit sa distorbo." Sabi ni Clea Gia na bahagyang mababakas sa mukha ang pagkahiya dahil sa kanilang ginawang kapangahasan kanina. Dahil sa kanilang kapangahasan ay napagsalitaan pa niya ng mga hindi nakakaayang salita ang lider ng tribo ng Khryla na si Bruno.

Pagkatapos no'n ay pinagpatuloy nila ang kanilang hapunan kasama si Bruno. Ngunit ang hangin ay hindi na tulad kanina na masaya. Ngayon ay may nakakailang na pakiramdam na ang dala ng hangin na namumutawi sa kanila ngayon dahil sa nangyari kanina.

Nanatili silang lahat na tahimik hanggang sa matapos ang kanilang paghahapunan. Noong natapos na nila ang kanilang hapunan ay nagpaalam na kaagad ang mga opisyal ng Agonia at sa kabila ng eskandalong ginawa ng mga opisyal ay buong pusong nagpaalam pa rin sa kanila si Bruno habang nakaguhit sa labi ang isang napakatamis na ngiti.

Kasalukuyang nasa kalagitnaan ang mga opisyal ng Agonia sa kanilang paglalakad rito ngayon sa gitna ng kagubatan.  Namutawi pa rin ngayon sa kanilang lahat ang isang nakakabinging katahimikan. Ngunit sa wakas ay may nangahas nang basagin ang nakakabinging katahimikan na namutawi sa kanila ngayon.

"Tingnan nyo!" Sigaw ni Cleo Deo habang nakaturo sa bandang kanan nila. Bakas na bakas sa mga mata nito ang pagkamangha dahil sa mga nakita.

Ito ay isang kaharian na may mga nagliliparang maliliit na ilaw na kulay pula. Napakaganda ng disenyo ng kaharian kahit pinagmamasdan nila ito mula sa malayo ay kitang kita nila ang mga rosas na nakatanim sa dingding ng kaharian.

Ang kahariang ito ay nakatayo sa kabilang isla na may di kalayuan lang naman sa kanilang kinatatayuan.

"The hidden kingdom." Sabi ni Clea Akesha." Sabi ni Clea Fortia habang nakatingin sa kaharian. Bakas na bakas din sa mukha ng clea ang labis na pagkamangha dahil sa disenyo ng kaharian.

"Posible nga na ito ay isang nakatagong kaharian at pinagmamasdan ang bawat galaw natin." Sabi ni Quero Kenneth ngayon habang nakatingin sa kaharian nang may napakatalim na tingin ay nagtatagisang mga bagang.

Nang sabihin ni Quero Kenneth iyon ay naalarma naman ang mga cleo at clea pati na rin si Quera Eris.

"Kung gano'n ay dapat nating alamin kung sino ang namumuno sa kahariang iyan at hindi man lang nila pinaalam sa atin na nag-eexist pala sila." Nanggigigil na sabi ni Clea Gia.

Sumang-ayon naman ang lahat sa sinabi ni Clea Gia. Kaya agad na silang naglaho at mula sa paglaho ay bigla silang sumulpot sa gate ng kaharian.

Nang makarating sila sa harap ng misteryosong kaharian ay mas namangha pa sila dahil sa napakadetalyado ng disenyo nito.

May mga magagandang bulaklak ang dingding ng kaharian. Walang ibang bulaklak ang nakadisenyo sa kaharian kundi mga pulang rosas lamang. Sumalubong sa kanilang lahat ang gate ng kaharian na may disenyong lollipop, donut, cupcake at mga candy. Umiilaw pa ang mga ito habang ng loob ay may tatlong fountain na ang umaagos ay chocolate, milk at honey.

Kaya naman ay agad na napalabas ang dila ni Cleo Deo at binasa ang kanyang labi. Senyales na ito ay natatakam sa kanyang mga nakikita.

Sa ibabaw ng gate ay may nakasulat na 'Oiua.'

Sabay nila itong sinambit kaya naman ay agad silang napaatras nang makita nilang may sampung sundalo pala ang nakatayo sa kanilang harapan ngayon.

"Maligayang pagdating sa kaharian ng Oiua!!!" Sigaw ng sundalo ng Oiua.

"Bakit naman kami liligaya sa pagdating namin rito? Bakit hindi ninyo pinaalam sa amin na may kaharian pala kayo rito?! Nasaan ang inyong pinuno?! Ilabas nyo siya!" Nanggagalaite sa galit na sigaw ni Clea Gia.

Kaya naman ay agad na lumapit si Cleo Deo at hinagod-hagod ang likod ni Clea Gia upang kahit papaano ay kumalma ito.

"Kung maaari po ay papasukin nyo na lamang kami sa inyong kaharian nang sa gayon ay pormal naming makilala ang inyong pinuno." Sabi ni Clea Usha.

"Patawad ngunit mahigpit na kabilin-bilinan ng aming quera na hindi kami tatanggap ng bisita."

Agad namang nagsalubong ang kilay ni Clea Gia.

"Bakit? Siya ba ay natatakot? Pwes, kung hindi siya natatakot lumabas siya sa kanyang lungga at magpakilala sa amin!!!" Nanggagalaite sa galit na sigaw ni Clea Gia.

"Patawad ngunit hin..." Hindi na natapos pa ang sasabihin sana ng sundalong Oiuan dahil biglang may nagsalita.

Agad namang napalinga itaas ang mga opisyal ng Agonia. Nakita nila ang isang terrace na punong-puno rin ng mga bulaklak na rosas. Nang tingnan nila itong maigi ay nakita nila ang isang pigura ng babae na nakatakip sa  mukha ang isang kulay pulang belo. Suot nito ang isang kulay pulang kasuotan na kumikinang pa. Sa ulo nito ay may gintong korona.

"Hayaan nyo na ang mga hampas lupang Agonian na iyan. Ganyan talaga sila. Palaging namimilit at mga mapangahas!" Nanggagalaite sa galit na sigaw ng napakamisteryosong engkantado na parang quera ata ng kaharian ng Oiua.

Agad namang nagsalubong ang kilay ng kanina pa nagtitimpi na si Quera Eris.

"Mapangahas pala ah! Pumunta ka rito sa harap namin at ipakilala mo ang iyong sarili! Para na rin malaman mo gaano kami kamapangahas!!!" Nanggagalsite sa galit na sigaw ni Quera Eris na ngayon ay nagmistulang parang bulkan na ito na kahit anumang oras ay handang handa na mag alboroto.

Ngunit sa halip na magalit ang quera ng Oiua ay nagpakawala lamang ito ng isang mala demonyong tawa.

"'Wag kayong mag-alala. Dahil makikilala nyo rin ako balang araw. Pero bago nyo ako makikilala ay ipapakilala ko muna sa inyo ang lakas ng aking kapangyarihan!" Sigaw ng napakamisteryosong engkantado na pinaniniwalaang quera ng Oiua. Saka agad itong nagpakawala ng isang mala demonyong tawa.

The Hidden Kingdom | Alynthi Series 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon