Chapter 2

2 1 0
                                    

"Ano ba talaga ang buong nangyari, Heneral Eugenio? Naguguluhan ako sa pinagsasabi mo!" Nanggagalaite sa galit na sigaw ni Clea Gia na kanina pa naguguluhan dahil sa kanina pa nila hindi naiintindihan ang mga pinagsasabi ng heneral dahil sa labis na pagkabigla sa nangyari.

"Napakabilis po ng pangyayari, Clea Gia. Pinagsilbihan ng mga katulong ang ating mga sundalo na humingi ng tsaa at no'ng matanggap nila ang tsaa saka ininom ito ay bigla nalang silang nagsibagsakan." Paliwanag ng sundalong kasama ngayon ni Heneral Eugenio.

"Kung gano'n panlalason pala ang pinagmulan ng lahat." Sabi ni Cleo Kali habang inilibot ang paningin sa mga sundalong hindi bababa sa bilang na dalawang daan ang nakahiga sa sahig at wala nang buhay. Nagsisiksikan ito at abot pa ito hanggang sa pasilyo ng kaharian mula sa kinatatayuan nika ngayon na malapit lang sa trono.

"Ipatawag ang mga katulong dito sa ating kaharian, heneral." Pag-utos pa ni Quero Kenneth. Agad namang tumungo ang heneral at nagsimulang maglakad palayo upang tawagin ang mga katulong na ngayon ay nagulat din sa nasaksihan nang painumin nila ito ng tsaa saka biglang natumba.

"Tutugisin natin kung sino sa kanila ang may kasalanan. O maaaring silang lahat ang may pakana sa nangyayaring insidente." Sabi ni Quero Kenneth.

"Maglibot kayo mga clea at cleo. Dahil baka may mga nagtatago pang katulong sa kaharian." Utos ni Quera Eris na siyang agad din namang sinunod ng mga cleo at clea.

Kasalukuyang narito ngayon sina Clea  Fortia at Cleo Marius sa lagayan ng mga perlas. Pinagmamasdan nila ang loob nito dahil baka nagtangka itong magnakaw ng perlas sa pag-aakalang nilagay lang nila ang perlas at hindi na ito ginamit pa.

Inilibot nila ang kanilang paningin sa loob ng silid.

"Walang tao rito." Sabi ni Clea Fortia.

"Anong ginagawa natin rito? Mga katulong ang hinahanap natin." Naguguluhang tanong ni Cleo Marius habang nakakunot ang noo at punong-puno ng kuryosidad ang mga mata.

Kaya naman ay nasapo nalang ni Clea Fortia ang kanyang noo nang itanong ito kay Cleo Marius.

"Hindi ba malinaw sa'yo ang sinabi ni Quera Eris? Pinapalibot niya tayo dahil baka may nagtatago pang katulong sa kaharian, iyan ang sabi niya. Pinapahiwatig niya na baka may nagbabalatkayo nanaman upang isagawa ang ganitong plano. Alam mo naman na kadalasan sa ating mga kalaban ay hindi uhaw sa kayamanan, uhaw sila sa kapangyarihan. Kagaya ni Veteris Quera Violeta noon." Mahabang sagot ni Clea Fortia.

"Kung sa bagay. Pero mukhang wala naman rito ang ating hinahanap. Teka kung wala rito ang nasa ating teorya na nagbabalatkayo. Ibig sabihin ba nito ay hindi siya uhaw sa kapangyarihan?" Nakakunot noong tanong ni Cleo Marius habang bakas na bakas sa kanyang noo ang isang malaking question mark.

"Hindi tayo nakakasiguro. Dahil baka nanggaling na siya rito at nang makitang walang laman ang lagayan ng mga perlas ay nagmamadaling umalis." Sagot ni Clea Fortia.

"Napakatalino talaga ng mga clea at cleo ng Agonia. Ngunit patawad, dahil mas matalino ako kaysa sa inyo." Sabi ng isang napakamisteryosong engkantadong narito ngayon sa pintuan. Nakatago ito habang sinisilip ang cleo at clea na kasalukuyang nag-uusap ngayon rito sa loob ng lagayan ng mga perlas.

Nandito ngayon sina Cleo Blake at Clea Heya sa pasilyo habang tinitingnan kung may kakaiba ba sa paligid.

"Aray!" Sigaw ni Clea Heya nang matapakan ni Cleo Blake ang paa ni Clea Heya.

Papagalitan na sana niya si Cleo Blake ngunit agad siyang naistatwa nang makitang napakalapit na ni Cleo Blake sa kanyang at ang matipuno nitong braso ay nakayakap sa kanyang baywang.

Pareho silang naistatwa habang nakatingin sa isa't isa. Tulala ang dalawa habang kumikinang ang mga ito na para bang nakakita ng dyamante. Kaya naman ay napalunok nalang si Clea Heya nang tingnan ni Cleo Blake ang kanyang labi.

"B-Ba't ka ba yumayakap bigla? A-Alam mo bang ang s-sakit ng pagkakatapak mo sa paa mo ha? T-Tapos ang b-bigat mo pa!" Nanggigigil na sigaw ni Clea Heya na pilit iwinawaglit ang pagkailang kay Cleo Blake.

"T-Takot kasi ako sa m-mga pata." Nauutal na sabi ni Cleo Blake habang mas yumakap pa kay Clea Heya at tinitingnan ang mga nakahiga sa sahig na mga sundalong wala nang buhay.

Sisigaw nanaman sana si Clea Heya ngunit pareho silang natigilan nang may marinig silang parang may bumukas na cabinet na malapit lang sa kanila.

Nang tingnan nila ay limang hakbang nalang at kusina na ng kaharian ang kanilang mararating.

Nagkatinginan silang dalawa at para bang nagkaintindihan ang mga ito sa pamamagitan lang ng pagtitigan.

Agad nilang inilabas ang kanilang mga espada saka agad na tumakbo patungo sa kusina ng kaharian. Nang makarating sila sa kusina ay agad nilang inilibot ang kanilang paningin.

Hindi nakatakas sa kanilang mga mata ang nakabukas nang cabinet sa ilalim ng pinaglagyan mga baso na gawa sa kahoy na siyang ginagamit sa tsaa.

Nang makita nila ito ay agad silang nagkatinginan.

"Tumakas." Sabay nilang sabi kaya naman ay tatalikod na sana sila at magsimula nang tumakbo upang mahabol pa ang katulong ng kaharian na maaaring pinagmulan ng pagkalason ng napakaraming sundalo.

"Aurgh! Shit!" Sigaw ni Cleo Blake habang pilit na tumatayo sa pamamagitan ng paghawak sa mesa rito sa kusina upang makatayo ng maayos.

"Auuurrrrrgghhh! Araaaaay!" Pagsusumigaw din ni Clea Heya dahil sa labis na sakit na nadarama habang nakahawak sa kanyang paa.

"Hinding hindi nyo ko makakaya Cleo Blake at Clea Heya." Sabi ng kung sino saka agad na nagpakawala ng isang mala demonyong tawa.

Nang lingunin nina Clea Heya ang nagsasalita mula sa kanilang likuran ay agad nilang nakita ang isang nakakulay puti na bestida na babae na may maikli ngunit matuwid at makinang na buhok.

Nakaguhit sa labi nito ngayon ang isang mala demonyong ngiti habang may hawak na manika na gawa sa puting tela na may buhangin sa loob. Habang hawak din nito ang isang mahaba at isang maikling buhok na maaaring ito ang buhok nilang dalawa.

Sa kanang kamay nito ay may hawak na karayom.

"Mga mahihina naman ang mga Agonian. Nakakapagtaka, bakit hindi kayo natalo ni Veteris Quera Violeta gayong ganito naman pala kayo kahina?" Tanong ng napakamisteryosong engkantado habang mas lumapad pa ang ngiti na nakaguhit sa labi nito.

"H-Hayop ka!" Nanggagalaite sa galit na sigaw ni Clea Heya.

"Araaaaay!" Sigaw ni Cleo Blake habang nakahawak sa kanyang tiyan na unti-unting dumudugo habang pinagmamasdan niya kung paano paulit-ulit na tinusok ng karayom ang manikang hawak ng napakamisteryosong engkantado.

Nagpakawala nanaman ng isang mala demonyong tawa ang napakamisteryosong engkantado nang sumigaw din si Clea Heya dahil sa labis na sakit na nadarma.

"Hays. Ayokong sayangin ang oras at lakas ko sa mga katulad ninyong mga mahihina. Better lock next time." Sabi ng napakamisteryosong engkantado habang nakaguhit pa rin sa labi nito ang isang malapad na mala demonyong ngiti.

Pagkatapos ay mabilis itong tumakbo patungo sa pintuan ng kusina saka lumabas.

Ngunit hindi pa lang ito nakalabas ay agad na itong napatigil at parang naistatwa sa kanyang kinatatayuan ngayon. Biglang naglaho sa labi nito ang kaninang napakalapad na mala demonyong ngiti na gumuhit sa labi nito kanina lang nang makita ang espadang pahilig na nakatutok sa kanyang leeg na para bang kahit anumang oras ay ang espadang ito ang tatapos sa kanyang buhat.

Nang tingnan niya ang humawak sa espada ay agad na nanindig ang kanyang mga balahibo dahil sa isang mala demonyong ngiti na sumilay sa labi nito.

"At sa inaakala mo ba ay makakatakas ka sa'min?" Tanong ni Clea Gia habang nakataas ang kanang kilay at nakasilay sa labi ang isang mala demonyong ngiti.

The Hidden Kingdom | Alynthi Series 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon