Chapter 7

4K 58 2
                                    

|Chapter 7

The pain of being left was the first thing I felt as I opened my eyes. I'm gripping the blanket that covers my entire body when I look around me.

My heart beat rapidly as my body began to shake uncontrollably. A sob escaped from my lips as I remembered what happened before I passed out.

"No... n-not now..." I whispered repeatedly to myself.

I can still feel their dirty touch, hear their laughter, and imagine their smirk.

"No... n-no..."

Mas lalo akong kinabahan ng biglang bumukas ang pintuan. Pinikit ko ang aking mga mata at mas humigpit ang kapit sa kumot.

"D-don't c-come... n-near me... p-please..." I pleaded still crying my heart out.

Mas lalo kong idiniin ang sarili sa headboard ng kama. Rinig ko ang paglapit ng mga yapak at halos mapasigaw ako ng hawakan nang kung sino man ang palad ko.

"Hey... it's me..." agad kong minulat ang aking mata at bumungad sa akin ang kanyang mata na nagtataglay ng kakaibang kulay.

Humigpit ang hawak niya sa aking kamay at hinigit ako para sa isang mahigpit na yakap. Wala ako sa sarili habang nararamdaman ang pamilyar na init na dala ng kanyang mga bisig.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ngayong kasama ko na naman siya.

Bakit ba sa tuwing lumalayo ako sa kanya ay patuloy siyang lumalapit?

Naalala kong mag-asawa ang nakakita at nagligtas sa akin. Ang yakap ng babae ang sumalo nang unti-unti akong kinain ng dilim. Gusto kong magpasalamat sa kanila dahil sa unang pagkakataon ay may naglakas loob na iligtas ako.

Buong lakas ko siyang tinulak at lumayo sa kanya na para bang may nakakahawa siyang sakit kapag dumidikit siya sa akin.

Tanging ang nagusot lamang na puting t-shirt ang aking tiningnan at hindi na nagtangkang tumingin sa kanyang mata. Nilibot ng aking mata ang buong kwarto nang mapagtantong subrang pamilyar nito.

The interior is still the same neutral colors I chose. Those pieces of furniture, I changed.

"Why am I here?" buong lakas kong tanong sa kanya at pilit na winawaksi ang kamay niya.

Nanginginig ang paa ko ng unti-unti ko iyong binababa at napatingin sa suot na damit.

A lavender wholesome nightgown.

Nalihis ang pagkakabuhol ng lace na nakatali sa likod habang nakatingin ako sa aking damit at sa lalaking nasa kama.

Napalitan ng pait ang kaba. Wala na ang takot ngunit nanatili ang pighati.

Umihip ang preskong hangin mula sa nakabukas na glass door patungo sa veranda ng kwarto. Samasayaw ang puting kurtina kasabay ng nagtatayugang puno sa labas.

"Uuwi ako..."

Saan nga ba ang tahanan ko?

Wala. Nawala. Nawasak.

"This is your home." mariin na sabi ni Strauss at tumayo.

Even if I'm already tall his much more taller than me. Hanggang labi niya lamang ako. Ngumisi ako sa sinabi niya at nagtaas ng kilay.

Magulo ang buhok, umiigting ang panga, gusot na damit, at mga matang mariin na nakatingin sa akin. Tila walang nakaguhit na emosyon at tanging lupit at lamig lamang.

It seemed so distant and cold and shut me out every time I attempted to read it. The mixture of brown and green flecks, like the color of the forest, enchanted me like a curse.

Shiver Under YouWhere stories live. Discover now