CHAPTER 1.3

6 0 0
                                    

"Yung totoo! Bakit hindi ka kilala sa department niyo?!"




Halos takbuhin na niya ang malaking parking lot kung saan kami madalas magtambay dahil lang sa pag iwas sa mga hampas ko. Para tuloy kaming mga batang naglalaro sa isang spacious playground.



"Eh boss, lowkey ako eh" aba! Sumasagot na. Ang dating mahiyain wala ng hiya ngayon. "Bukas tuna sandwich naman" at nag request pa!





"Ano ako nanay mo?! Aba umaabuso ka na! Bakit hindi mo gastusin ang yaman ng pamilya niyo?!" hindi naman ako ganon katanga para hindi mahalatang mayaman ang lalaking ito. Tignan mo naman ang sapatos, Balenciaga!




"Gusto ko yung gawa mo..." parang bata siyang nangmamaktol sa nanay ah! Eh kung bigyan mo kaya ako ng budget para sa meals mo araw araw?! Kaya nga ako nag work para may pangkain tapos dadagdag pa siya! Inutil! Joke lang!



"Sige, mag grocery tayo mamaya para sa mga ingredients" ngiti niyang ani. Aba, mind reader! May hiya pala ito.




"Call!" nanghahamon kong ani. Ha! Mamimili ako ng ingredients na mahal pa sa gasolina!




"May five minutes pa tayo." sabi niya bigla ng ligpitin ko na ang pinagkainan ng kamahal mahalan. Siya!



"Wow, ikaw boss?" sarkastiko kong sabi. Makachill kasi akala mo may ari ng company!



"Kung ako, anong gagawin mo?" seryoso niyang tanong "you would have distance from me?"



"Psh. Hindi, bakit naman?... Impossible!"


"Paanong impossible?" kunot noo niyang tanong. Napaka innocent!




"Alam mo ba kung anong naiisip ko sa may ari ng company?... Kadalasan mga matatandang panot na malaki ang tiyan tapos bugnutin." ganon ang mga napapanood ko sa mga palabas kaya ganon ang description ng CEO para sa akin. Hindi tulad ng mga babaeng lukaret kanina.




"H-ha?" natutula niya akong tinitigan na parang may disappointment na nababasa.



"Oh, bakit isusumbong mo ako?" mayabang kong tanong. Nanghahamon. Ganon kasi ang aurahan niya. Judgemental ako, bakit ba?! "Ikaw ba? Ano bang expected mo sa CEO ng company?" curious ako kung ako lang ba ang may ganoong paniniwala o pati siya.





"Hmm... I don't really expect anything on anybody else." aba! Lumalaban ang sa pageant ang kuya niyo!




"Ah, talaga? Ang bait mo, ah! Sana all!" palakpak ko pero medyo sarkastiko dahil napahiya ako doon. Okay, sige, ako ng masama ang ugali!




"But, you know what... malungkot siguro siya... Kasi mag isa siya dun" turo niya sa pinakamataas na floor ng building. "He's not allowed to be in the crowd..."



"But he's an authorized. And duh, he can buy anything he want. He don't need anyone to fulfill him cause, 'he is everything'." nakakainggit!



"Communication is important too," anong pinaglalaban neto?!





"We can communicate by money." I emphasized. "And besides, look," hangad ko na din.  "Napapakinabanggan niya naman lahat ng pinagpapaguran ng mga employees, kahit overtime ng isa, hindi siya pinagpawisan pero siya ang nakakabili ng twalya." hugot ko, medyo malalim. Totoo naman kasi. In this system that we had, rich people are getting richer and poor are getting poorer. We don't have the capital to start our success like they used to be.





"Hoy, kanina ka pa tahimik." napipikon na ako, ha! Kanina pa ako daldal ng daldal rito, hindi naman pala nakikinig ang loko!




"Iniisip ko kasi yung sinabi mo kanina... Are you really felt that? Umaabuso ba talaga ang boss?" he look at me like an innocent cat. He really don't know what where I came from.





SWEET SIXTEENWhere stories live. Discover now