22.

438 27 9
                                    

Malakas ang ulan at hangin sa labas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Malakas ang ulan at hangin sa labas. Salitan ding dumadagundong ang kulog at kidlat sa paligid.

The temperature inside my room is unusually colder too. Masakit at mahapdi ito sa pakiramdam pagkat nanunuot iyon sa balat.

Bumuga ako nang marahas na hangin sa kawalan. Kanina pa akong nakaupo sa kama ko. I was wrapping myself with a blanket, hoping that this would somehow help me to ease the cold. I got nothing to do. I have nowhere to go. Naikot ko na ang apat na sulok ng kwartong ito.

Sleeping is my only option--but I don't think that I can do that now considering the fact the sound of the thunder outside is too loud and really alarming. Isa pa, hindi ko alam kung may maitutulog pa ba ako dahil kagigising ko lang kanina.

I rubbed the goosebumps that I was getting on my arms pero agad din namang natigil iyon dahil sa biglaang pagsakit ng puson ko.

I shut my eyes before holding my pained abdomen. I almost forgot about this. I was too preoccupied with a lot of things.

Hindi ko rin alam kung ilang buwan na ba akong nadelay dahil na rin sa mga nangyayari. I sighed.

Nakangiwing akong nagbukas ng mata para silipin ang banyo na may kalayuan sa posisyon ko. I puffed my cheeks.

I just wanted to stay on this bed but at this state, mukhang sakit naman sa bato ang aabutin ko kapag nagpigil ako.

Iginala ko ang tingin sa paligid. I was contemplating whether I should just hold this, wait until the rain stop and try to sleep or just go to the bathroom and take these all out.

I mentally shook my head.

This will be just quick. I'll be finished before I know it. Tumango tango ako.

As I slide my feet out of the bed, nagmamadali akong pumasok ng banyo para gawin ang pakay ko. Matapos maghugas ng kamay, hindi ko maiwasang magtakip ng tenga dahil sa muling pagdagundong ng malakas na kulog sa kalangitan.

As I turned around and was about to face the bathroom door, everything went dark--literally.

Anxiety crawled all over my system when I realized that I can't see anything even though my eyes are all opened. Matagal akong hindi nakagalaw sa aking kinatatayuan.

Brownout?

Kumabog nang malakas ang dibdib ko. The uncertainty of what may come out from the dark scares me. Pakiramdam ko ay nauubusan ako ng hangin habang iniisip ang bagay na iyon.

Halos mangapal ang likuran ko sa pagkataranta nang muling pumailanlang sa paligid ang malakas na kulog.

I tried to calm myself down. My knees are starting to shake but I choose not to make a fuss about it. Maliliit na hakbang ang ginawa ko bago mangapa sa paligid.

I was gulping repeatedly while trying to locate the bathroom door. Nabunutan ako ng tinik nang maramdaman ko ang magaspang na tekstura ng pintuan sa gitna ng kadiliman.

Hello, NeighborTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon