CHAPTER THREE

6 0 0
                                    

Panandalian siyang natahimik bago muling nagsalita. Bakit ba napakatigas ng puso ng isang ito? Ano bang kaayaw-ayaw sa akin?

" Ayaw kitang maging kaibigan. At tungkol doon sa sapatos niya wala na akong pakialam pa doon. Hindi ko naman sinasadyang matapakan siya at maliit na alikabok lang naman iyon pero kung makapag-inarte siya kala mo buhay niya ang nakasalalay roon." Mahabang lintanya niya dahilan para hindi ko mapigilang mapangiti.

Pinapanuod ko lang siya habang patuloy siyang nagsasalita. Salubong ang kilay niya habang panaka-nakang kinukumpas ang kamay sa ere.

" At bahala ka kung papalitan mo iyon dahil sa totoo lang naman wala talaga akong pagpalit doon."

" Wag mo nang alalahanin pa iyon, ako na ang bahala sa sapatos niya."

" Kagaya ng sinabi ko, wala akong pakialam." Akmang tatalikuran na niya ako ng hakawan ko ang palapulsuhan niya.

" Sige... Ikaw ang bahala, ikaw ang walang pakialam. Bahala ka na ding solusyunan iyang problema mo dahil back out na ako. Wala naman siyang magagawa kung sabihin kong wala akong pakialam sa sapatos niya dahil hindi naman ako ang naka-apak." Pang-aalaska ko na mukhang seneryoso niya.

" Akala ko ba hindi mo binabawi ang mga nasabi mo na? Ang sabihin mo kasi masyado ka lang pabida." Sabay marahas na binawi ang palapulsuhan niya.

Bakit masama ba? Eh sa bida ako. Bakit ba?

" Anong magagawa ko? Nagpapalakas ako sayo eh para magustuhan mo." Pabirong banat ko.

" Manahimik ka!" Pansin ko ang bahagyang pagpula ng pisngi niya." Kahit kailan talaga wala kang matinong sinasabi pulos pangbobola lang. Ganyan ba ang way mo para bumingwit ng babae?" Asik niya sa akin.

Bakit ba lagi siyang galit sa akin? Tapos sa iba ang lumanay niyang magsalita. Sigurado na talaga akong may kinikimkim itong galit sa akin.

" Hindi ko alam ang sinasabi mo.. Hindi kita binobola dahil hindi ka naman siopao. At isa pa sila ang nagkakagusto sa akin hindi ako, kaya anong pinagsasabi mo diyan? Makapag- bintang ka wala ka namang ebidensya."

" Hindi na kailangan ng ebidensya para masabi ko iyon dahil halata sa mga kilos mo na ganun ang gawain mo. Atsaka ang kapal mo rin ano para sabihing sila talaga ang may gusto sayo?" Iiling-iling siya na tila hindi naniniwala sa akin.

" May masama ba roon? Hindi ba halata sa mukha ko na habulin akong talaga? Ang sabihin mo wala lang nagkakagusto sayo dahil ang dugyot ng itsura mo. Tignan mo nga iyang buhok mo. Parang pugad ng ibon." Banat ko habang nakaturo sa buhok niyang magpasahanggang ngayon ay hindi niya pa nasusuklay.

" Ano kamo?! Ulitin mo nga iyang sinabi mo! Mukha akong dugyot sa paningin mo?! Aba't talaga nga naman-" Balak niya sana akong hampasin ng mahinto siya dahil sa nagsalita sa likuran ko.

" Jez? It's really you! I thought namalikmata lang ako." Anang boses na pamilyar na pamilyar sa akin.

Kaya naman walang pagdadalawang-isip akong tumalikod paharap sa kanya. At hindi nga ako nagkakamali dahil nakita ko ulit siya.

" Riley?" Mahinang tawag ko sa kanya na kinatawa niya.

Pati ang pagtawa niya nakakaakit. Sheeet na malagkit ang ganda niya talaga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 06 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Facing the Past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon