Snow ' - maluha luhang nyang saad habang tinititigan parin ang aking mukha na para bang hindi makapaniwala na nasa tapat na nya akoMga luha sa mata nyang nag sisiunahan para makalaya
Maging ako ay naiiyak na rin sa nasasaksihan ko sa kaharap ko ngayon
Mga katawan nya ay bumigay na mga matang namumugto buhok na hindi na masuklay
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon
Ikaw ba talaga to ? - humahagulgol nyang tanong saakin at mistulang iwas sakin na para bang patalim na hindi nya kayang mahawakan o makapitan man lang
Tila may sariling isip ang aking mga paa dahil unti unti itong humakbang sa taong isa sa nanakit saakin
At mga kamay na hindi mapigil sa pag abot sa aking ...
Dad - hindi ko na marinig ng maayos ang aking boses dahil sa pag hahulgol na aking naririnig
Wala sa sarili kong niyakap ko ng mahigpit ang aking ama
Lahat ng galit at inis ay tila nawala dahil sa mahigpit na yakap na ibinigay ng aking ama saakin
My princess come back to me please - nag mamakaawang saad nito saakin habang puno ng luha ang kanyang buong mukha
Dad - tanging saad ko dito ng punasan ko ang kanyang mukha gamit ang aking daliri
Plea-se di ko kaya ma-wala kayo ng ila-ng taon bu-malik na ka-yo please ilove-you - patigil tigil nitong pag mamakaawa dahil hindi na sya makapag salita ng maayos dahil sa pag hikbi
Dad I miss you - tanging lumabas sa bibig ko
Sa hindi malamang dahilan niyakap ako ng mahigpit ulit ng aking ama
Lahat ng aking sama ng loob sakanya nag laho sa simpleng yakap ng aking ama
Bilang isang anak hindi ko matiis na nakikitang umiiyak ang aking ama sa harap ko
Lahat ng plano kong pag tiis sakanya biglang nawala dahil sa simpleng pag tangis nya sa harap ko na hindi kinaya ng puso ko ..
Dad mahal kita at patuloy akong babalik sayo dahil ama kita aayusin natin 'to. Lahat ng 'to ay magiging maayos din - bulong ko sakanya upang gumaan ang kanyang pakiramdam
Dahil ibang daddy na ang nakikita ko ngayon hindi na sya katulad ng iwan namin sya dito nila mom at kuya ibang iba na sya ngayon at hindi ako natutuwa bagkus nakokonsensya ako dahil nagawa kong iwan s'ya dahil lamang sa naramdaman ko na hindi ko man lang naisip ang mararamdaman ng aking ama kung sakali na iwan namin s'ya dito ...
Baby I miss you Thankyou dahil pumunta ka dito salamat anak dahil nakita kita ngayon salamat anak salamat - paulit ulit nyang saad saakin paulit ulit syang nag papasalamat sa hindi ko malamang rason
Dad mas tatanggapin ko ang pag thankyou mo kung papasok muna tayo nangangawit na paa ko kanina pa tayo nakatayo eh heheeh - pag iiba ko ng mabigat na atmosphere masyado kasing emosyonal
At ang hinihintay ko tumawa sya at ginulo ang aking buhok
Pag pasok palang namin sa bahay wala paring pinag bago kung ano ung ayos ng iwan namin after a year ago ,ganun parin ang ayos nito
Namiss ko to
Anak gusto mo ba makita ang kwarto mo? - nakangiting saad saakin ni Daddy ng lingunin ko sya tango lang ang sinagot ko dito
At derederetso akong nag lakad paakyat upang tingnan ang aking kwarto dito sa mansyon
Pag bukas ko palang ng pinto ng kwarto ko naamoy ko na kaagad ang mabangong perfume na tila sinadyang kalatin sa kwarto ko
At ang perfume na ito ay ang paborito kong amoy
Pag tingin ko sa mga cover ng aking unan at ang comforter ay halatang kalalagay palang at nakikita ko ngayon kung gaano kaalaga ang aking kwarto pinasadahan ko ang aking mga gamit na tila araw araw na pinupunasan at pinapakintab mga picture naming buong pamilya ay tila nadagdagan parang sinadyang ilagay ito dito .
Anak hindi ko pinabayaan ang kwarto mo - napalingon ako sa labas ng pintuan ng makita ko ang aking ama na nakatayo mula doon at may ngiting nakapaskil sa kanyang mukha
Thanks dad - sagot ko dito
Anak alam mo ba ng umalis kayo dun ko lang narealize kung gaano ko kamahal ng sobra ang mommy mo para magawa ko ang kasalanan na ikakasira ng ating pamilya sorry anak alam kong sobra ang nagawa ko sainyo patawad anak kung nag kamali ako sorry - nag susumamo nitong pag hingi ng tawad saakin habang unti unting pumapatak ang kanyang luha mula sa kanyang mata
Hush now Dad you're already forgiven but hindi ko alam kay Mom and kuya mas maganda Dad kung mag kakausap kayo o tayo lahat ng maayos para mag kalinawan tayo at mag kaayos - saad ko dito habang humakbang papalapit sakanya at niyakap sya ng mahigpit
Sobrang swerte ko sayo anak ambait bait mo - bulong nito saakin habang kami ay nag yayakapan
Clap clap clap
Bigla kaming napalingon ni Daddy sa pinag galingan ng palakpak narinig namin at biglang tumaas ang aking kilay ng masaksihan ko ang babaeng ahas na nasaharapan namin ngayon
Wow Dad ano to reunion nyo ba ng
talunan na yan - Biglang sabi nito at sinabayan pa ng pag ismidtumikhim ang aking ama .
Trisha your words!- dad warned trisha
No okay lang dad hayaan natin broken ata s'ya ; kunyaring inosente kong saad na ikiniyukom ng kamay nya
But instead of apologising she rolled her eyes and walk out
Dad and I sighed
Hys dad okay kang yun aalis na rin pala ako nag visit lang ako dito for you hayaan nyo po I'll talk to kuya para mag kausap usap tayo take care dad wag na iinom ah - bulong ko sakanya habang yakap yakap
Bigla akong nalungkot ng maramdaman ang pag singhot ng dad ko dahil umiiyak nanaman sya
Anak I'm so lucky to be your father : bulong nito din saakin sabay halik sa aking buhok
Habang papaalis ako napansin ko si trisha sa bintana ng kanyang kwarto na naka tingin saakin
Dad kumain ka ng maayos ah saka pa pogi ka lalo para pag nag kausap kayo ni mommy mainlove ulit sya sayo!!!! : sigaw ko dito habang pinapagana ang ang aking kotse
Bye anak loveyou promise mag babago nako !!! : sigaw din nito mula sa gate
At ng makaalis nako sa subdivision bigla kong naalala si Keji , actually si Keji talaga ang dahilan ng pag alis ko kaso ng madaanan ko ang subdivision kung nasaan si Dad bigla kong naispan na dalawin sya at para gumaan na din ang dinadalang sama ng loob
Habang nag dridrive ako paalis sa subdivision nahagip ng mata ko ang puno . Oo puno , puno na nag bibigay ng pag -asa pa saakin pag asang sinasabi matatagpuan ko pa si Nat Nat at mayayakap sya
Biglang nangunot ang noo ko ng may taong nakaupo sa malalaking ugat nito
Tila umiiyak? Naka hoddie s'ya kaya di ko maaninag ang mukha nya
Teka di ako chismosa ah saka aba hindi lang naman sakanya yung puno kaya baka pwede din naman ako pumunta dito no? Saka may ibang dahilan ako
Habang papalit ako nang papalit s'ya namang pag bilis ng tibok ng puso ko
Teka bakit?
Wala sa sarili kong naupo sa nga ugat din nito at napa tingin sa taong umiiyak habang ang ulo ay nakatago sa kamay nitong pinatong sa tuhod nya
Naka jacket din ito na may hoddie
Biglang tumigil ang mundo ko at biglang nag focus sakanya bigla ng banggitin nya ang salitang nag pa tunaw saakin
Snow : bigkas nya habang tumatangis
Teka sya na ba si Nat Nat ang lalaking unang nag pa tibok ng puso ko at nag pa tibok ulit ng puso ko? ....
Pag papatuloy....
BINABASA MO ANG
The Nerd become a campus heartbreaker?
Teen Fictionito ay tungkol sa babaeng ubod ng manang kung sumuot at may napakapal na salamin at may braces din isang araw may lalaking umamin sakanya na mahal sya kinaibigan sya pinoretektahan nereregaluhan hinahatid sundo at kaya naman nahulog na ang babae sa...