Love, Bangki

99 5 0
                                    



****

Timecheck: 7:42am

"LolliPaps, pasok na po ako." Paalam ko kay Papa habang isinusukbit ang bag ko sa balikat ko. LolliPaps ang  tawag ko sa kanya kasi nacu-cute-an ako sa ganoong pangalan.

"Ingat ka!" Sagot naman ni LolliPaps mula doon sa kusina. "Kumpleto na ba 'yang mga gamit mo, Ayla?!"

"Opo, LolliPaps. Ba-bye po! Alis na ako!"

Diretso na agad akong lumabas ng gate. Paglabas ko, luminga-linga ako sa paligid. Kaliwa-kanan tapos likod-harap...

Tsk.

Wala siya? Bakit? Nakakalungkot naman. Walang vitamins sa mata, walang pampagana sa umaga at walang kukumpleto ng araw ko. Sana talaga magpakita siya para hindi naman masayang 'tong pagpapaganda ko na halos isang oras din ang iginugol ko sa harap ng salamin para lang dito.

"Asan ka na ba?" Naibulong ko sa sarili ko habang patuloy pa ring palinga-linga sa paligid.

Hanggang sa napadako ang tingin ko sa isang tindahan at... jackpot!

Kumpleto na ang araw ko!

Ayun siya. Nakaupo sa bench sa harap ng tindahan. Parang may hinihintay ata. Ako ba? Sana ako.

Pero...

Bigla akong napaiwas ng tingin nang biglang bumaling siya sa direksyon ko!

Nakatingin siya sa direksyon ko! Nakatingin siya sa direksyon ko!

Waah!

Dugdug.

Naramdaman ko nalang na bumibilis na ang pagtibok ng puso ko. 'Yung pisngi ko biglang nag-init din. Lagi ko 'tong nararamdaman sa tuwing makikita ko siya at sa tuwing titingin siya sa akin, sa akin nga ba talaga nakatingin? Ah, basta! Feeling ko sa 'kin nakatingin. Pakiramdam ko para akong natatae na ewan, para kasing ang daming paru-parong nagta-tango sa tiyan ko. Ano bang kapangyarihan ang meron siya at ganito na lang ang ginagawa niya sa katawan ko at sa puso ko?

Nagdiretso na lang ako sa paglalakad at hindi ko pinahalatang malapit na malapit na akong himatayin dito. Ang lakas kasi talaga ng kabog ng puso ko.

Hay. Sobrang gwapo niya talaga. Matangkad siya, sobrang cute niya, nakasuot siya ng salaming gaya ng salamin ni Peter Parker, 'yung buhok niya nakalaglag sa may noo niya, lagi siyang may earphone sa tenga, laging nagsa-sountrip at laging nilalaro 'yung cellphone niya, medyo nerd nga lang siya, pero sobrang bango naman niya, at... at lagi ko siyang sinasamantala sa panaginip ko! Joke!

Lakad lang ako nang lakad pero ewan ko ba... 'di ko na talaga maintindihan ang nararamdaman ko. Kinakabahan ako na parang ang daming paruparo sa tiyan ko na parang nasusuka ako na parang natatae na parang...

Napapraning na ba ako? Bakit ba hindi ako mapakali? Kasi nasa likod ko siya, naglalakad din? Pwede. Baka nga. Feeling ko kasi nakatingin siya sa pwet ko, wala pa naman akong pwet, hindi naman kasi kalakihan.

Sino nga ba 'tong lalaking kanina ko pa kinakikiligan dito? Well...

Siya lang naman ang...

Hihinga muna akong malalim...

Siya lang naman ang...

Hihinga muna ulit ako nang malalim.

Siya lang naman ang nag-iisang CRUSH ng buhay ko. Waah! Mamamatay na yata ako sa sobrang kilig!

Ang kaso nga lang... hindi ko alam ang pangalan niya. Hindi kami classmate, schoolmate lang. Hindi kami magkaibigan, magkapitbahay lang siguro. Hindi kami nagngingitian 'pag nagkikita, nagtititigan nga lang. Hindi kami nag-uusap. Basta. Wala talaga kaming koneksyon sa isa't isa pero siya lang talaga ang nagpapatibok at nagpapasaya sa puso ko nang ganito.

Love, Bangki ♥ (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon