J-anne's POV
"Ate pabili nga po ng San Marino" sabi ko sa ateng tindera sabay abot ng 500 na ang mukha ay nasa stage 2 na ng pagMamaxi-peel. Hindi sa masyadong mapanuri pero kasi mahahalata mo talaga.
"Jusmiyo ineng! Aba'y wala ka bang barya? Wala akong panukli dyan. Mabuti pa'y umuwi ka muna bumalik ka na lang pag may barya ka na. Agang-aga!" Panenermon ni ate. Tuesday pa lang ngayon pero kung makapànermon akala mo Sundày na. Aba! Sinimulan niya tatapusin ko! Akala mo kung sino.
"Jusmiyo din ho. Mawalang-galang na po. Pero sana nagsarado na lang kayo ng tindahan kung wala naman kayo panukli. Naturingang tindahan pero Hindi naman kayang magserbisyo sa mamamayan. Mabuti pa ho ay magsarado na lang kayo walang silbi ang tindahan nyo!" Dire-diretso Kong sabi sa kanya. Sigehan pa niya at Hindi lang yan ang matatanggap. Masyado niyang pinaiinit ang ulo. Red days ngayon baka gusto niyang. Hmm. Di bale na lang.
"Aba't wala kang galang! Napakabata mo pa pero hanggang ngayon wala ka pa ring manners. Paano ka ba pinalaki ng mga magulang mo?" Aba't ginagalit ako nito ah! Pati banaman magulang ko, nang-iinsulto ba siya?! Pwes! Ratratan na!
"First of all. wala na ho kayong pake sa kung anong paraan ang ginamit ng magulang ko sa kin. Second, para masiyahan na po kayo. wala po akong magulang dito. Third, manahimik kayo kung a yaw nyong pakitaan ko kayo ng dinuguan ngayon!" Hahahaha grabe si Ate ang sama ng tingin.
"Siguro ineng Hindi ka umattend ng GMRC class mo. Wala kang respeto"
"Ha?! Kung pag-uusapan lang po ang respeto dito. Tignan nyo muna kung sa Simula pa lang ay karespe-respeto kayo" I blurted out. This is nonsense!
"Walang modong bata! Kaya ka iniwan ng magulang mo dahil ganyan ugali mo! Naku pano ka nga lalaki ng maayos kung walang magulang na nagpapangaral sayo. Ang laki mong kawawa" iniinis talaga ko ng matandang to!
"So anong gusto nyong palabasin na kailangan pa ng magulang para lang maging maayos ang ugali ng mga anak? Kasi kung pag-uusapan lang din naman ang ugali ay pakitiignan po kung may magandang ugali kayong naipundar sa anak nyo dahil sa mga bali-balitang kumakalat dito nang-agaw siya ng may girlfriend na at sabi din malapit ng ikasal yung dalawa. Unfortunately, sumingit ang anak nyo. Nasira ang relasyon. Yan ba ang gusto nyong patunayan sa akin na mabuti kayong ina. Na lahat ng itinuro nyong maganda kung meron man ay pumasok sa kokote ng inyong ipinagmamalaking anak" mahabang litanya ko. Hay! Kastressss.
"Tsismosa!" Pagalit na sabi niya.
"Tsismosa? Kasalanan ko bang marinig ko sa ibang tao ang mga ganong bagay tungkol sa anak nyo. Na kahit anong gawin Kong pagtatakip ng tenga eh ayun nanunuot sa kaibuturan ng aking utak. Hindi ko po kasalanan yun" I hate this day! Ugh! Lumalabas wrinkles ko.
"Walang-hiya ka! Lumayas ka, Hindi totoo ang mga sinasabi mo! Wala kang kwenta"
"Teka lang ho, napasabak na lang rin naman po ako dito at lulubusin ko na. Una ho sa lahat, pabuhat nyo po itong tindahan nyo sa may tabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas para makapagpapalit kayo. At Hindi kayo galit na galit sa customer nyo na parang lagi nyo sinasabing 'the seller is always right' pero Mali po eh. 'The customer is always right' kung nag-usap tayo ng maayos hindi sana tayo aabot sa ganito. Ang tigas nyo ho kasi eh kasing tigas kayo ng kalyo ko sa paa. Pangalawa po kung good moral and right conducts lang din naman po ang pag-uusapan natin. Aamin na po akong wala ako nun dahil nung una pa lang wala ng nag-aruga sa akin. At panghuli po, pakipantay po ang foundation sa bandang kaliwa po. Salamat" walang-ganang saad ko. Without a single I left her dumbfounded. Why wasted much time to those who doesn't worth even a single ticked of your time. Matagal din siya bago nakareact. Pero binalewala ko na lang. Para san pa? Para madagdagan ang kasalanan ko? Psh. Wag na lang. Pumasok ako ng bahay at pumunta sa kwarto ko kanina pa nga pala nakacharge phone ko malamang full charged na yun. Baka napuno na rin gaya ni Aling--sino nga yun? Nevermind!
1 new message received
From: 09396105662
Ha? Sino nanaman to? Siguro mga kaibigan ko lang. Palaging ang hilig mantrip. Kala mo nakakatuwa sila. I didn't bother checking the message. Maybe later? Ganito ako wala ako sa mood magtext kapag nasira ang araw ko. And my reason is if it's important why just give me a call so I supposed it's just nonsense message trying to bother me. I took a shower instead.
![](https://img.wattpad.com/cover/28328741-288-k424553.jpg)
BINABASA MO ANG
Find true love in 20 pesos
Teen FictionNagbayad ako ng 50 pesos. Sinukli sa akin 20 pesos na pag-ibig? Paano nangyari yun?! Alamin! :D