From: 0916
Who are you?
Naku! Mapapalaban ata ako ng inglesan.
To: 0916
I'm Piolo. :) you?
From: 0916
J-anne. Where did you get my number?
Naku mukhang foreigner. Lagot na ko neto. Wala pa naman si Mama. Marunong din naman ako mag-English but not that much. See? Mukha kasing bakla pag-english ng english ang mga lalaki para sa akin. Pero kapag formal gathering dun mas nagiging cool.
To: 0916
Before I answer that. Will you please tell me what country you came from?From: 0916
Philippines. That's my place. You?
To: 0916
Akala ko pa naman taga England ka. English ka kasi ng English. Muntikan ng dumugo ang ilong ko sayo. Alam mo sabi ng Prof.ko kapag nasa sarili kang bansa gamitin mo ang iyong sariling wika. Kasi sa pamamagitan nito mas napapaunlad at nalilinang ito :) #TatakPilipinoFrom: 0916
So? Why do you care? It's not you, it's me. Pakialamero.
From: 0916
Aray! Ang sakit mo naman magsalita. Sana naiintindihan mo ang nararamdaman ng isang tao. No offense ha. Paano ka ba pinalaki ng mga magulang mo?From: 0916
Excuse me? Kinukwestyon mo ba ang pagpapalaki ng magulang ko sa kin? How about you? Pinalaki ka rin ba ng magulang mo ng maayos? Kasi kung titingnan parang hindi ang pakialamero mo!
From: 0916
Masasaktan na ba ako sa mga pinagsasabi mo? Alam mo di ko naman talaga gustong makipag-away, gusto ko makipagkaibigan. Un lang. Pero parang sa isang kagaya mo. Parang Malabo.
From: 0916
Grabe! Sinisira mo mood ko. Edi wag kang magtext. Sino bang nauna edi ba ikaw!
Hindi ko na siya nagawang replyan pa. Paano ba naman kasi magkakasala pa ako nang dahil lang dun. Sana di ko na lang tinuloy. Nakaistorbo pa ata ako.
Napagpasyahan ko na lang bumaba para magluto ng hapunan. Nawalan na ako ng ganang maglaro ng SF. Ang hirap pala gumawa ng isang bagay kapag galit ka.
"Oh! Kuya bakit badtrip ka?" Tatawa-tawang bati sa kin ng kapatid ko pagkababa ko ng hagdanan.
"Wala. Hindi naman ah! Teka tulungan mo nga akong magluto para pagdating ni Mama makakain na siya. Gala ka lang ng gala eh." Sabi ko sa kanya at tumalikod na at pumunta na sa kusina.
"Kuya naman. Binata na ako para maggala.di na uso yun"
"Ah. Binata ka na sa lagay na yan? May gatas ka pa sa labi. At eto tandaan mo kapag nanliligaw yung totoo. Hindi nanloloko" seryosong sabi ko sa kapatid ko.
BINABASA MO ANG
Find true love in 20 pesos
Teen FictionNagbayad ako ng 50 pesos. Sinukli sa akin 20 pesos na pag-ibig? Paano nangyari yun?! Alamin! :D