hero?

1.2K 33 44
                                    

VIC's POV

Hanggang kelan ba dapat kumapit sa isang lubid na alam mong paputol na? Kelan ba dapat tumigil sa pagbubuo ng isang salamin na durog durog, kung ang kamay mo ay sugat sugat at duguan na? Kelan ka dapat lumabas sa isang nasusunog na bahay na nababalot ng makapal na usok at unti unti ka ng hindi makahinga?

"kelan ba kailangan kumalas sa isang relasyong alam mong wala ng patutunguhan kundi ikaw ay masaktan?"

Yan ang mga tanong ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ang hawak kong baso ng alak habang kainuman ang mahal kong bestfriend na long time girlfriend ko na din, at ang katabi nitong long time crush nito..

Oo tama kayo sa nalaman nyo, kasama namen ng magaling kong girlfriend ang crush nya. Bakit kami magkakasama? Hay, kase junga ako, oo ako na nga siguro ang tanga sa lahat ng tanga.. Nililigawan si Bang ni Mon at alam ko yun.

Si Mon na lalake, na gwapo, na magaling maggitara at vocalist ng isang banda, star player sa basketball, na mayaman at makapagibibigay sa kanya ng kahit anong nais nya, even a happy family at malayang relasyon...

So ano nga ba namang laban ko dun mga dre? Eh isa lang naman akong hamak na junga,. Mabibigyan ko ba sya ng anak? Hindi, magiging malaya ba sya sa relasyon namen? Hindi dahil tago ito sa lahat lalo sa pamilya at mapanghusgang mga mata ng iba. Ano bang kaya kong ibigay? Tunay na pagmamahal? Tsss.. Ni hindi naman sya kuntento dun, at ramdam ko yun. Alam kong mahal nya ako, pero siguro nga hindi sapat ang pagmamahal na yun para talagang sumaya sya.. Hindi sa akin...

Pinagmamasdan ko lang sila habang masayang nagkukwentuhan habang ako naman ay unti unti ng nauubos...

Nagpaalam ako saglit upang magpahangin, marami rami na din ang aming nainom, halos masuka na ako sa alak kaya humiga na lang ako dito sa damuhan sa garden Nina Mon. Nahihilo na ako, at mas nakakahilo ang marinig ang masaya nilang tawanan, lalo akong nadudurog... Natanong ko na lang ang sarili ko..

"when to give up??"

.
.

.

.

Ngunit mas nakakadurog pa ng pagkatao at ng lahat lahat ang katahimikan. .

.

.

.

.
.

Napalingon ako sa dalwang taong iniwan ko..

.

.

.

Pinagmasdan ko na lang sila mula dito sa kinahihigaan ko hanggang sa tuluyan ko ng ipikit ang aking mga mata...
.

.

.

.

.

Para hindi ko na maramdaman pa ang sakit na makita silang naghahalikan....

.

.

.

.
.

.

"maybe this is the right time to give up.."

.

.

Bumangon ako at agad na dumeresyo sa kotse ko. Pinaharurot ko ito, gusto kong lumayo sa lugar kung san mamatay ako..
Mas mabuti pa nga atang mamatay na lang ako!!! Pero hindi, hindi ko deserve ang ganung bagay, dahil lang sa nasakatan ako sa pagmamahal na hindi ko alam kong minsan ba talagang naging totoo....

Hero (A kara fanfiction)Where stories live. Discover now