• • • •
Madilim.... Sobrang dilim ng kwartong ikinaroroonan niya. Napaungol siya sa sakit na nararamdaman niya ngayon, nakatali siya sa isang silid, at unti-unti ng nawawalan ng buhay. Unti-unti na niyang namamalayan kung nasaan siya... nasa attic.
"Mga walang hiyaaaa! Babalikan ko kayong lahat! Papatayin ko kayoooo!"
• • •
"Kitakits mamaya?"
"Sige Lunah, punta kami doon mga 5:00 pm"
"Sige, bye"
Sinundan ni Lunah ng tingin ang kaklase niya na paalis. Magkikita kita sila mamaya sa kaniyang bahay para sa isang proyekto na gagawin.
_
Dumiretso si Lunah sa isang sari-sari store, para bumili ng mga gamit. "Sakto na to panghiwa ng karne, matalim naman hihi" sabi niya sa kaniyang isip"Mukhang masarap itong lulutuin mo iha ah?" sabi ng cashier sa kaniya.
"Ahahah, sinabawan po saka adobo" sagot niya sabay ngiti
"Eh bat wala kang karneng binili?" dagdag na tanong nito.
"Meron na po kasi bahay" tumango na lamang ang cashier at binigay na ang pinamili ni Lunah._
Pagdating sa bahay, inilapag niya ang sa mesa niya at dumeretso sa kaniyang kwarto. Inayos niya ang mga gamit niya doon at ang tutulugan ng kaniyang mga kaklase, mag oovernight nadin sila eh. Napabuntong hininga si Lunah."Sigurado akong magiging masaya ito hihi" sabi niya sa sarili saka bumaba na. Napahinto siya at napatingin sa isang silid na bahagyang nakabukas.. Ngumiti siya saka tuluyan ng bumaba.
*toktok
"Uy! good eve Gwen, Queenie, Niko, Stacey, Eddie! Tara pasok"
Nakarating na ang mga kaklase niya pasado alas singko na din iyon ng hapon. Bago niya sarhan ang pinto tumingin muna siya sa paligid... ngumiti siya at tuluyan na itong sinarhan.
_
"Kumain na muna kayo, kukunin ko lang sa taas ang mga gagamitin natin" ani ni Lunah sa mga kasama at dumiretso na sa kwarto. Feel at home ang mga kaklase niya.Kinuha niya ang mga gagamitin nila para sa project, at dumiretso sa isang silid. Pumunta siya sa bintana napangiti siya ng makita ang isang anino sa likod ng kurtina.
"Nandito ka lang pala" napaluhod siya sa harap niya at hinimas himas ang buhok nito.
"Magiging okay din ang lahat, malapit na" sabi ni Lunah sabay ngiti. Tumayo siya't bumaba na sa sala kung nasaan ang mga kaklase niya._
"Ba't ang tagal mo Lunah? Magmomovie-marathon pa tayo mamaya diba?" reklamo ni Queenie, nginitian lang ito ni Lunah.Sa kalagitnaan ng paggawa ng kanilang proyekto, di na nakatiis si Lunah at nagsalita na ng gusto niyang itanong sa kanila.
"Ahmm guys? To be honest ha? Nakagawa na ba kayo ng illegal na gawain? I mean ano yung worst na ginawa niyo sa buhay?" biglaan niyang tanong.
Napatigil naman ang lima. Biglang nagkaroon ng katahimikan sa buong silid. At biglang umalingawngaw ang halakhak ni Stacey.
"Anong pinagsasabi mo Luna? Wala syempre, bakit naman kami gagawa non?" tutol ni Stacey na sinang ayunan ng ibang kasama. Biglang napakuyom ng kamao si Lunah.
"Bakit bigla mong natanong yan Lunah? Ikaw? Nakagawa ka ba?" tanong ni Eddie. Nginitian lang siya ni Lunah at saka umiling. Mabilis namang inilihis ni Gwen ang topic nila, hindi siya komportable sa pinag uusapan.
_
Natapos nila ang kanilang proyekto, bandang alas dyes ng gabi, tumungo na sila sa tutulugan nilang silid."Sigurado ba kayo? Wala?" napatigil silang lahat sa paglalakad sa tanong ni Lunah.
BINABASA MO ANG
Kilabot Stories
HorrorAlam mo ba ang pinakakinatatakutan mo? Handa ka na bang pumasok sa mundong puno ng kilabot? Halikayo at tunghayan ang kakaiba at sari-saring katatakutan sa librong ito.